Napunta si Elena sa isang village na hindi kalayuan sa syudad. Dito niya napag-desisyunan na manalagi habang ginagamot ang puso’ng nagdurugo. She already called the real estate agent of the house and they settled it smoothly. Mabuti na ito dahil malayo sa dati nilang lugar. Ayaw niya na iyon balikan.
The guard stopped her car from entering and she showed him her residential identification.
“Ah, kayo po pala Ma’am ‘yong bago sa village?”
“Yes, Manong.”
“Naku! Tamang-tama po ang pinili niyo! Masaya sa village na ito at mababait ang tao. Sige na po pasok na kayo. Kung kailangan niyo po ng tulong tawagin niyo lang po ang numero ng security guard house. Nakalagay po iyon sa tabi ng telepono niyo,” saad nito.
“Maraming salamat, Manong.” Elena closed her car window and entered the village. Hindi magkakalayo ng malaki ang mga bahay dito at pawing magaganda ang structure ng bahay. Every house has a garden and she saw flowers planted on it. Mukhang masagana dito at maganda. Siguro nga ay tama ang security guard.
Her car stopped on a modern house that has exterior cradles, large sheets of glass in columns of brick, while offering two balconies for sunset views. It was colored in black and creamy white paint and it has centralised light around the house, giving the vibes of luxury. She parked the car inside the garage and went out.
Sa bagong bahay na ito magsisimula siya ng bagong buhay. Hopefully, she could heal in the process. Ang hirap lang kalimutan ang dating nakagawian. Nasanay kasi siya na kasama si Raphael kaya mahihirapan s’yang kalimutan ito. She bet she never slip on his mind now that he has Chantal on his side. Siya lang naman ang palaging nag-iisip sa dating asawa.
Masakit pa din. Hindi naman agad-agad iyon mawawala. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sugat niya. Masyadong malaki, masyadong mabigat.
Huminga ng malalim si Elena at pumasok sa loob. Maganda ang bahay, kulay puti, krema at wooden ang tema nito. Napakaaliwalas. Binaba niya ang bag sa kulay puting sofa bago pumanhik para tingnan ang taas. The house has two rooms, may mini library na silid since marami s’yang koleksyon ng libro simula high school. Naalala niya tuloy kung paano sila nagkakilala ni Raphael. They were both high school and Raphael is a transfer student. Famous ito agad dahil sa angking kagwapuhan at talino. Si Elena nan ay opposite. Siya kasi iyong tipo na parang nerd noong teenager, hindi masyadong napapansin. Then, nagulat na lang siya nang bigla s’yang lapitan ni Raphael. Wala namang nangyaring pambu-bully noon sa katunayan ay nagsimula sila sa pagiging magkaibigan hanggang sa lumalim ang pagsasamahan nila. Nagkagusto siya kay Raphael pero ang hindi niya alam ay may gusto din pala ito sa kanya. Ironic, isn't it. They are both waiting to confessed to each other when she confessed first and git to know Raphael’s feelings for her.
To make the story short, they got married and lived happily not until her best friend came to their life.
Parehong mahalagang tao ang nag-traydor at nanloko sa kanya. Hindi man lang naisip ni Chantal ang pagkakaibigan nila at pinatulan ang dating asawa. Dahil ba mas maganda ito? Dahil ba sexy ito at ideal man ng mga lalaki? Totoo nga na kahit gaano pa kabait o kaganda ang isang tao, talo ng malalandi ang katulad nito.
Elena shakes her head. Naluluha na naman siya kapag naiisip niya ito. Ayaw n’yang dalhin sa bago n’yang buhay ang pait ng buhay niya. Napaupo siya sa kama. Paano niya ba sisimulan ito?
She was resting when suddenly a nausea feeling churned her stomach. Agad s’yang napabuhat at patakbong pumunta ng banyo.
Doon siya sumuka. Pinunasan niya ang bibig at pumunta ng washroom. Nagmumog siya bago tiningnan ang sarili sa salamin. Bigla s’yang kinabahan at napatingin sa tiyan. Hindi kaya?
With trembling hands, she reached out and touch her flat stomach. Hindi kaya buntis siya? Nagtalik sila noon ni Raphael bago ito umalis last two weeks. Doon wala pang nag-send sa kanya ng pictures ng dalawa.
Pumikit siya ng mariin. Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit nagbunga kung buwag na ang pamilya nila? Paano niya bubuhayin ang bata?
‘I’m sorry.’
-----
Six months later.
Dala dala ni Elena ang isang plastic na naglalaman ng grocery na pinamili niya. Actually, hindi dapat siya ang gumagawa nito at dapat ay ang katulong niya sa bahay kaso nag-insist siya na kailangan niya din maglakad-lakad at ma-exercise ang body.
Binagsak niya ang dalang eco bag at nilagay ang kamay sa hips. Uh? Ang dali n’yang mapagod kahit ilang lakad na lang ay makakaabit na siya sa kotse niya feeling niya napakalayo nito.
“Tss. I should have asked the guard to carry this to my car,” she complained.
“Miss?” Kumunot ang noo ni Elena saka tumingin sa likod. Nakita niya ang matangkad na lalaki na nakasuot ng glasses na papalapit sa kanya.
“Ako ba ang tinatawag mo?” tanong ni Elena. The man smiled. Lumabas ang dimple nito. Ang cute!
“Yes. Kailangan mo ba ng tulong? Mukhang nahihirapan ka. Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay lalo na kung...” Tumingin ang lalaki sa tiyan ni Elena. The woman was pregnant. “Kung buntis ka,” pagtapos nito at kinuha ang eco bag na may lagay ng pinamili nito.
“Oh? Thank you. Ako nga pala si Elena.”
“I’m Prim. Nasaan ang asawa mo? Bakit ikaw lang mag-isa?” tanong ni Prim na sinasabayan maglakad si Elena papunta sa kotse nito.
Elena pursed her lips and didn’t answer Prim’s question. Akala naman ng lalaki ay may misunderstanding ang mag-asawa.
“Kung may problema kayo dapat pag-usapan ninyo—”
“Hiwalay na kami,” putol ni Elena bago binuksan ang pinto ng kotse at kinuha ang pinamili sa kamay ni Primo. The man looked at her in agape.
Elena huffed and crossed her arms.
“Thank you for helping me. See you never again.” Pumasok ito sa kotse at pinaandar ito. Prim stood there with amused expression. Parang kanina ang bait nito, ngayon parang tigre na. Nakita niya na ito kanina paglabas ng mall. He was just observing her dahil nakuha nito ang atensyon niya. The woman is pretty, not the kind of beauty na makikita mo sa celebrities and model. She has that graceful move and fresh look kahit buntis. Ang cute din ng mukha nito na tila naiinis. So, he decided to walked up and helped her. He never expected na hiwalay na ito sa nobyo.
Interesting.
“Kanina ka pa, Kuya?” Nabalik si Prim sa dati nang marinig ang boses ng bunso n’yang kapatid.
“Hmm. Are you done? Let's go.” Kinuha ni Prim ang shopping bag ng kapatid at naunang maglakad papuntang kotse.
Nagtataka man ay sinundan ito ni Phoebe.
“What got you smiling like that?” tanong nito. Nakikita naman niya itong ngumingiti pero hindi gano’n na nakita niya ngayon. Tila ba ang may nahanap itong magaling na opponent sa isang game.