Pagpasok ni Elena sa kanyang bahay ay naghihintay sa kanya si Barbie, ang kanyang katulong. Mas matanda siya sa dalaga ng apat na taon.
“Ma'am! Sabi ko naman sa’yo ako na ang gagawa nito. Baka po mapagod kayo.” Barbie is a jolly person. Pinapangiti siya nito kapag malungkot siya. Mabuti na lang at kinuha niya ito bilang katulong sa bahay. Nag-iisa lang naman ito dito. Kahit papaano ay nababawasan ang pagiging lonely niya sa bahay.
“Ano bang niluto mo for lunch?” tanong niya habang ang kamay aya nasa bewang.
“Ay! Of course, ang paborito ng aking madam na adobong manok!”
Gumuhit sa mukha ni Elena ang isang malaking ngiti. Yeah, she’s craving for this dish when Barbie cooked it for her.
“Sit and relax, madam. Ipaghahain ko kayo.” Napailing na lamang si Elena. Enjoy na enjoy ni Barbie ang ginagawa. That's good.
She fetches her phone to browse habang hinihintay si Barbie. A message popped up from her mother.
“Elena, when will you visits us? Nami-miss ka na namin ng Daddy mo. How are you and Raphael?” Text nito.
Her parents didn’t know that she and Raphael were now annulled. Hindi niya pinaalam dahil ayaw n’yang isipin pa ito ng magulang. May sakit ang Daddy so as much as possible ayaw n'yang makadagdag. Meron s’yang nakakatandang kapatid at pareho na silang may pamilya, ang pagkakaiba lang ay hindi nagtagal ang relasyon nila at nauwi pa sa hiwalayan.
She replied back saying, “I’ll visit you soon, Mom. May tinatapos lang ako. Take care of Dad and yourself. I love you.”
Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa pag-scroll. Her hand stopped when she saw a photo posted by Chantal. She was holding someone's hand alam niya kung sino iyon. The caption said, “Finally, we are together. No hindrance, no problem.”
Sumikip ang dibdib niya. Ang kapal! Ang kapal ng mga mukha na para bang walang nasirang pamilya at tao! Humigpit ang hawak niya sa phone. Ngayon niya lang na-realize na naka-follow pa rin pala siya kay Chantal. She clicked the unfollow and went to her post. De-ne-lete niya lahat ng i********: post niya nang maghiwalay sila ni Raphael. Isang picture lang ang nalagay ngayon. Iyon ay ang picture ng pagkain na in-order niya kamakailan nang siya ay mamasyal.
She wonder kung ano ang magiging reaksyon ng parents ni Raphael sa hiwalayan nila? She is sure na wala pa itong alam.
“Ma’am, heto na!” Binaba ni Barbie ang pagkain sa harap ng amo.
“Thanks, Barbie.”
-----
One week later.
Pumasok si Raphael sa kanilang bahay kasama si Chantal. Magkahawak sila ng kamay para sana ipakilala ito.
Nawala ang ngiti ni Rose nang makita ang babaeng kasama ng anak. She was so happy a while ago dahil makikita niya ulit si Elena so who was this woman?! Habang ang asawa naman nito na si Bret ay nakakunot-noo at seryoso ang mukha.
“Mom, Dad, this is Chantal. Chantal, these are my parents.”
“Hello po, Tita, Tito,” nakangiting bati ni Chantal.
“Where is Elena?” tanong ni Rose at ‘di tinapunan ng tingin ang babae.
“We annulled our marriage, Mom. Hiwalay na kami ni Elena,” diretsahang sambit ni Raphael. He tightened his hold on Chantal’s hand.
“Ano?!” Humawak sa dibdib si Rose sa sinabi ng anak.
“Bakit kayo naghiwalay?! Ano bang nangyari?!”
“Things are not working on us, Mom—”
“Because you cheated,” sabat ng isang boses. Lumabas si Liana sa kusina na mugto ang mata. Nalaman niya lang kanina ang totoo nang makita niya ang pictures na magkasama ang kuya niya at ang babaeng kasama nito ngayon.
“Liana, ano’ng ibig mong sabihin?”
Liana glared at the two. Hindi niya inaasahan ito. Botong-boto sila kay Elena at naging close niya ang dalaga.
“Huwag kang maniwala sa kanya, Mom. Kuya cheated with Ate Elena’s best friend. Ang kapal naman ng mukha mong iharap ang homewrecker na ‘yan sa bahay natin, Kuya!” sumbat ni Liana. Napatingin si Chantal sa kasintahan. The man had no reaction at his sister’s outburst. Napangiti siya ng palihim.
“Don’t shout at me, Liana.”
Hindi ito inatrasan ng nakababatang kapatid. “Pero totoo naman, ‘di ba? You cheated on her with this b*tch!”
Hindi pa man nakakapagsalita si Raphael ay isang sampal ang sumalubong sa kanya. Tumagilid ang ulo niya sa sakit niyon. Chantal gasped. Binitawan niya si Raphael at nag-aalalang tiningnan ito.
“Ayos ka lang ba, Raphy?” Hawak nito sa braso.
“H-how dare you, Raphael?! Hindi kita pinalaki ng ganyan! How can you do this two to Elena knowing that both of you are important to her?”
“Tingnan mo itong anak mo, Bret!” Turo ni Rose sa lalaking anak.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa babaeng ‘yan, Raphael,” komento ni Bret. Hindi niya din gusto ang babaeng ‘to. He really liked Elena, unfortunately…
“Chantal completes me. Hindi ko kayo pipilitin na gustuhin siya. I’m just informing you that we are together. May nakita ako sa kanya na hindi ko nakita kay Elena. She agreed to annul our marriage. Kaya ‘wag niyo nang sambitin ang pangalan niya sa harap ko,” mariing sagot ni Raphael.
Liana laughed sarcastically. “See?! Manloloko siya! Dati gusto kong makahanap ng lalaking kagaya mo, Kuya, but now? No way. I don’t want a cheater. Your standard are so low, Kuya. You throw a diamond for a stone.”
Chantal narrowed her eyes at Raphael’s sister. How dare she compare her to Elena? Kaya nga siya ang napili ni Raphael dahil siya ang dyamante at hindi bato.
“Enough, Liana!” The girl jumped. “Hahayaan kitang insultuhin mo ako pero hindi si Chantal. Don’t ever insult her,” matigas nitong saad. Tila naman natakot ang kapatid kaya napaatras ito.
“Get out!” sigaw ni Bret.
“Get out, Raphael! Huwag ka babalik sa pamamahay na ‘to at kahit ano’ng gawin mo hindi namin matatanggap ang babaeng ‘yan bilang isang pamilya!”
Raphael smirked. “I don’t need your validation. We will live happily on our own.” Pagkatapos niyon ay umalis na ito habang hawak-hawak ang kamay ni Chantal. The woman turned around and apologize but when she face the exit, she smiled triumphantly. Oh, how she was lucky to have Raphael on her side.
Nanghihinang napaupo si Rose sa sala habang kino-comfort ito ni Bret.
“I can’t believe him! Nasaan si Elena?”
“Ang balita ko, Mom, umalis na ito ng bahay nila ni Kuya. Hindi ko alam kung nasaan na siya.” Liana tried to call Elena’s number but it was unavailable. Baka nga nagbago na ito ng numero.
“Alam na kaya ito ng in-laws natin?”
“I don’t know,” tanging sagot ni Bret. He was disappointed. He was so proud of his son but what he did today was a great disappointment. He will not tolerate his cheating.
“I hope Elena is okay. Basta! Hindi tayo papayag na maikasal ang dalawa. I won’t accept that woman!” puno ng disgusto ang boses ni Rose habang kinuyom nito ang kamao.
“Hindi ko alam kung ano ang pinakain nito kay Kuya but don’t worry, Mom. I will find Ate Elena and asked her what really happened. Baka sakaling magkabalikan pa sila.”
“Paano kung ayaw na niya?” Bret asked. Siguradong sobrang nasaktan si Elena sa ginawa ng anak niya at best friend nito. It was double torture.
“If ever na hindi na talaga, gusto kong makahanap siya ng lalaking deserve ng pagmamahal niya. I will wait for that time where she is happy and healed.”
Liana will wait for her brother to regret choosing his mistress!