"Glenn may naghahanap sa iyo!" Sigaw ng lalaking bantay sa entrance ng pasugalan. He need to talk to Glenn, para matigil na si Lianne sa kahibangan nito. Baka isa ang nobyo ni Lianne sa dahilan kung bakit nais na rin ng ama ni Lianne na ma engage na sila agad-agad. "Sino ba 'yan p**ang ina naman nakaupo pa ko eh!" Galit na sabi ni Glenn ng lumabas ito. Ang unang nais n'yang gawin kay Glenn ay suntukin ito ng malakas para kay Lianne. Para sa panloloko nito kay Lianne. Matinding pagpipigil ang ginawa n'ya sa sarili para hindi ito suntukin. Naikuyom n'ya ang kamay pero pinakalma na lang muna ang sarili. "Hinahanap mo raw ako?" Tanong ni Glenn na tila biglang nailang ng makaharap s'ya. "I'm Gab, Gab Saavedra," pakilala n'ya sa lalake. Nagpakilala na s'ya kahit isa itong walang kwentang