"Sorry Babe ah, nagka emergency kasi si Mommy, wala naman akong ibang malapitan, kaya nilakasan ko na ang loob ko na sa iyo lumapit. And thank you so much babe," litanya ni Glenn ng tawagan s'ya nito at nakipagkita sa isang restaurant. Sinabi ni Glenn na nagkaroon ng emergency sa bahay ng mga ito, at kailangan n'ya ng pera. Twenty thousand ang hinihiram ng nobyo, pero dahil nagsisimula na s'yang magduda kay Glenn ay sampung libo lang ang naipahiram n'ya. Hindi naman kasi n'ya magawang tanggihan ang nobyo. "Glenn," tawag n'ya sa nobyong busy sa pagkain. Tila gutom na gutom ito. "Ano 'yon babe?" Tanong nito at nag angat ng mukha. Iniling na lang n'ya ang ulo. Saka nalang n'ya sasabihin kay Glenn pag s'ya na mismo ang nakatuklas ng lahat kay Glenn. Hindi n'ya pwedeng komprontahin si Glenn