"Lianne, naman lagi na lang ba tayong ganito?" reklamo ni Glenn sa kanya. Tumanggi kasi s'yang sumama sa condo ng nobyo. Isang taon na rin ang relasyon nila ni Glenn, pero magpa hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa kanila. Though they kiss each other many times, but kapag napupunta sa mas malalim na bagay ay agad na s'yang tumatanggi. Hindi dahil hindi n'ya mahal ang nobyo. Mahal nya si Glenn ito ang unang nobyo n'ya. Pagka graduate n'ya ng Business Management ay sinagot na n'ya si Glenn. Isang medical student si Glenn at magpa hanggang ngayon ay nag-aaral pa ito. Isa sa dahilan n'ya ang bagay na 'yan kung bakit lagi s'yang umiiwas sa nobyo kapag nais nitong may mangyari na sa kanila. Nais muna n'yang makapag tapos ng pag-aaral ang nobyo at magpakasal na sila para malaya na sila sa mga nais nilang gawin.
"Glenn, napag-usapan na natin iyan hindi ba? magtatapos ka muna sa pag do-doktor mo, at magpapakasal tayo." Malambing na sagot n'ya sa nobyo at hinawakan sa pisngi.
"Matagal pa akong makaka graduate Lianne, sampung taon ang medisina at may limang taon pa ako bago maka graduate." Malungkot na sabi nito.
"Makakapaghintay naman tayo hindi ba?"
"Ewan ko Lianne, ewan ko," may galit sa tono nito. At binaling sa labas ng sasakyan ang tingin. Nagkibit balikat s'ya at sumandal sa upuan.
"Ihahatid na kita," malamig na sabi ni Glenn sa kanya. Hindi nalang s'ya kumibo. Sa tuwing pag-uusapan nila ng nobyo ang tungkol sa bagay na yon ay hindi pwedeng hindi mauwi sa pag-aaway. Mahal nya si Glenn, sadyang hindi pa lang s'ya handang lumagpas sila sa dapat. Nais kasi n'yang matupad muna nila ni Glenn ang mga pangarap nila. Si Glenn makapagtapos ng pag-aaral, at s'ya naman makaroon ng mataas na posisyon sa kompanya ng ama. Magpa hanggang ngayon kase ay nasa mababang posisyon parin s'ya sa kompanya ng ama. Hindi pa raw kasi n'ya nagagawa ang dapat. Kaya mananatili s'ya sa HR. Department, imbes na sa mataas na posisyon na s'ya. like C.E.O o hindi kaya kasunod ng C.E.O. Nag-iisang anak lang naman s'ya ng mga magulang n'ya, kaya sooner or later s'ya ang magmamana ng lahat, s'ya ang magpapatakbo sa mga negosyo nila.
"Goodnight," lambing n'ya kay Glenn. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila.
"Goodnight," matamlay na sabi ni Glenn.
"Glenn," lambing n'ya sa nobyo at hinila ito para halikan sa mga labi. Agad namang gumanti ng halik si Glenn sa kanya. Mapusok at mapanghanap. Hinayaan muna n'ya ang nobyo sa ginagawa para naman mabawasan ang pagtatampo nito sa kanya. Nag biglang nakakasilaw na ilaw ang sumilaw sa kanila sa loob ng kotse ni Glenn. Tumigil sila sa ginagawa. Noon lang n'ya napansin ang sasakyan sa tapat ng gate nila. Kanina pa ba roon ang sasakyan? Sino ito? Nakita ba ng nasa sasakyan ang ginagawa nila ni Glenn? Tanong n'ya sa isip.
"Mauna na ako, tawagan na lang kita," paalam ni Glenn. Tumango s'ya at bumaba na sa kotse ng nobyo.
Pagbaba n'ya agad namang pinaandar na ni Glenn ang kotse. Nalipat ang tingin n'ya sa sasakyan na sumilaw sa kanila kanina. Napakunot ang noo n'ya ng mapansing hindi basta, basta ang sasakyang nasa tapat ng gate nila. Mamahaling sports car 'yon. At hindi lahat nakakabili ng ganoong kamahal na sasakyan. Bumukas ang pintuan ng passenger seat. Hinintay na muna n'ya ang driver ng kotse bago pumasok sa gate nila.
"Good evening," bati ng lalake ng makababa ng kotse. Kumunot ang noo nya ng mapansin ang lalake. Matangkad ito, gwapo ang mukha, may bigote at balbas na nakapalibot sa pisngi nito. Nakasuot ito ng gray na t-shirt na pinatungan ng black leather jacket at jeans. Hindi n'ya kilala ang lalake, pero mukhang pamilyar. Hindi nga lang n'ya maalala kung saan n'ya nakita ang gwapong kaharap.
"Excuse me," tanging sabi n'ya rito. Dahil hindi naman n'ya ito kilala.
"I'm Gab. Gab Saavedra," pakilala ng lalake sa kanyan. Lalong lumalim ang kunot sa noo ng marinig ang pangalan nito. Gab Saavedra. Kilala n'ya ang mga Saavedra, ito ang may-ari ng G. Saavedra Airlines kung saan may malaking share ang Daddy n'ya sa kompanya. Ang mga Saavedra din ang nagmamay-ari sa subdivision na kinatitirikan ng bahay nila. At ang mga Saavedra din ang halos nag mamay-ari sa bayan ng San Sebastian. At ano naman ang ginagawa ng isang Saavedra sa tapat ng bahay nila sa ganoong oras? tanong n'ya sa sarili.
"Are you Lianne?" tanong nito ng nanatili syang walang kibo. Tumango s'ya rito.
"I'm Lianne," nagtatakang sagot n'ya.
"Nice, is that your boyfriend?" tanong nito.
"Yes," mabilis na sagot n'ya na may pagmamalaki.
"I see, I hope next time make sure na walang makakakita sa inyo, while making out," sabi nito at naglakad palapit sa malaking gate ng bahay nila. Nilagpasan s'ya na namumula sa hiya.
Binuksan ng guwardiya ang gate, at binati nito ang lalake. Mukhang kilala ito ng guard nila. Sumunod s'ya rito. Nagtataka kung ano ang ginagawa nito sa bahay nila?
"Gab, Gab right?" paniniguro n'ya habang naglalakad palapit sa pintuan ng bahay. Liningon s'ya nito. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap sa kabuuan nya. Well she's wearing a nice new dress and new pairs of shoes. Nakaayos din ang mahaba n'yang buhok. Always nag-aayos s'ya pag lalabas sila ni Glenn. Lagi n'yang pinaghahandaan ang pagkikita nila ng nobyo. Ayaw n'yang makita s'ya ng nobyo na hindi nakaayos.
"Yes,"
"May meeting ba kayo ng Daddy ko?" nagtatakang tanong n'ya.
"Yes, pinapunta ako ng Daddy mo rito," sagot nito. Tumango sya. At nagtuloy na sila sa paglalakad papasok. Marahil pinatawag ng Daddy n'ya ang batang Saavedra dahil sa business. Pero sa pagkakaalam n'ya hindi si Gab ang may posisyon sa G. Saavedra Airlines kung hindi si Gael Saavedra. Yan kase ang pangalang nabasa n'ya noong makita ang mga papeles tungkol sa G. Saavedra Airlines.
"Good evening Gab," masiglang bati ng ama ng makita si Gab sa loob ng bahay.
"Good evening Sir," magiliw na bati naman ni Gab sa Daddy n’ya.
"Nagkakilala na ba kayo ng aking prinsesa?" tanong ng ama kay Gab at hinila s’ya sa kamay. Hinarap kay Gab.
"Dad," saway n’ya sa ama.
"This is Lianne my only daughter," masiglang pakilala ng ama sa kanya. Ngumiti si Gab sa kanya, at masasabi n'yang gwapo nga ito. Well marami na rin naman s'yang naririnig sa mga Saavedra. Tatlong lalake na lahat yata ay biniyayaan ng napaka gwapong mukha. Isama pa ang malakas na s*x appeal ng mga ito.
"Maiwan ko na po muna kayo Dad," paalam n'ya sa ama. Alam naman n’yang kung ano ang pag-uusapan ng dalawa ay wala naman s'yang kinalaman roon.
"Sige hija, magpahinga ka na muna," sagot ng ama. Nagpaalam na rin s'ya kay Gab at nagtuloy na sa may hagdan.