Kinabukasan maaga s'yang nagising para mag jogging weekend na kase kaya may time s'ya para mag jogging sa loob ng subdivision nila. Maarte s'ya pagdating sa katawan, she always wants to be perfect, lalo na sa harapan ni Glenn. Ayaw n'yang may maipipintas sa kanya ang nobyo.
Matapos mag jogging nakita ang mga magulang sa may gazebo, doon nag aalmusal ang mga ito. Lumapit s'ya sa mga ito sa gazebo.
"Good morning," hinihingal na bati n'ya sa mga magulang.
"Sumabay ka na sa amin ng Daddy mo," yaya ng Mommy n'ya at nag utos sa kasambahay na magdala pa ng isang plato para sa kanya. Naupo s'ya at agad na uminom ng fresh orange juice.
"May lakad ka ba mamaya Lianne?" tanong ng Daddy nya habang umiinom. Mabilis nyang inubos ang juice at binaba sa mesa ang baso.
"Bakit po Dad?" tanong n'ya sa ama.
"Well, last night Gab Saavedra was here. And he talk to me he wants to see you again," sagot ng ama. Kumunot noo n'ya at napaisip, kung bakit s'ya nais makita muli ng isang Gab Saavedra?
"Bakit daw po?" tanong n'ya sa ama.
"Kumain ka na," sabi ng Mommy n'ya nang mailapag ang plato sa tapat n'ya.
"Gab Saavedra is the second son of Gabriel Saavedra, you know naman na may malaking share tayo sa G. Saavedra Airlines hindi ba?"
"Ah. yes po Dad," tanging sagot n'ya. At kumuha ng tinapay at bacon nilagay sa plato. Nagsimula na s'yang kumain, habang kwento ng kwento ang ama tungkol sa mga Saavedra, kung paano naging magkasosyo ang Daddy n'ya at si Mr. Gabriel Saavedra. At kung gaano ka successful ang mga batang Saavedra.
"Sa tatlong anak ni Gabriel si Gab nalang ang natitirang binata," patuloy ng ama.
"I see," tanging sagot n'ya habang prutas naman ang sinimulan kainin.
"Well, napag-usapan na namin ni Gabriel na ipagkasundo kayo ng anak n'yang si Gab," sabi ng ama. Nagulat s'ya at muntik ng malunok ng buo ang ubas na nasa bibig.
"What?!" bulalas n'ya at binitawan ang hawak na ubas. Marahas na napalingon sa ama.
"Ano po'ng sinabi n'yo?" gulat na tanong nya.
"Don't be suprise Lianne, mag-aasawa ka rin naman. Nasa edad ka na pwede ka ng mag-asawa at bumuo ng sarili mong pamilya," litanya ng kanyang ama. Naguguluhan s'ya at sinulyapan ang ina na tahimik lang. Bakit nila pinag-uusapan ang pag-aasawa n'ya ngayon?
"Hindi ko po maintindihan Dad. What do you mean na pinagkakasundo n'yo po ako sa isang Saavedra?" naguguluhang tanong n'ya sa ama at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
"I want you to get engage kay Gab Saavedra, Lianne and sooner or later magpapakasal kayo at magiging isa kang Mrs. Saavedra," sagot ng ama na tila nakaplano na ang lahat. At tila nakikita na nito ang magiging future n'ya bilang Mrs. Saavedra, habang wala s'yang ka alam-alam.
"But, Dad you know I have a boyfriend," nakuha n'yang isagot. Nagbago bigla ang aura ng ama. Umismid ito at uminom ng kape.
"Hiwalayan mo ang walang kwenta mong boyfriend Lianne. Hindi kita pinalaki ng ganyan para mapunta lang sa walang kwentang lalaking 'yon," may himig galit ang tono ng ama.
"Dad, hindi naman po ganya si Glenn," saway n'ya sa ama. Mula ng makarelasyon nya si Glenn ay dalawang beses pa lang ito nakapasok sa bahay nila, sa unang dalaw palang kasi ni Glenn noon ay hindi na maganda ang pinakitang pagtanggap ng ama kay Glenn. Kaya naman sa tuwing ihahatid at sundo s'ya ng bahay ni Glenn ay hanggang labas lang ito ng gate nila.
"Ano bang mapapala mo sa isang estudyante Lianne?"
"Dad, medecine po ang kinukuha ni Glenn kaya hanggang ngayon nag-aaral pa po s'ya" pagtatanggol n'ya sa nobyo.
"I don't care! sa una palang sinabi ko na sa iyong he is not the right guy for you"
"At sino naman po ang right guy para sa akin? isang Saavedra ba?" tuya n'ya sa ama.
"Lianne" saway ng Mommy n'ya. Alam n'yang ngayon pa lang n'ya kinakausap ang ama sa ganoong tono, kaya agad s'yang sinasaway ng Mommy n'ya. Lumaki s'yang may takot sa mga magulang, tila nais laging ipakita sa mga ito na isa s'yang perfect daughter. Sinusunod lahat ng gusto ng mga magulang. Buong buhay n'ya ang mga magulang ang nasusunod, pati sa pag-aaral n'ya.
Wala sa negosyo ang puso n'ya. Mahilig s'yang magpinta at nais sanang kumuha ng kursong angkop sa hilig n'ya. Pero dahil nasa linya ng pagnenegosyo ang pamilya n'ya kaya pinakuha sya ng kursong Business Management, s'ya daw kasi ang mag mamana sa negosyo ng kanilang pamilya. At sa kompanya nila s'ya nagtatrabaho ngayon bilang staff sa HR Department, dahil ayon sa ama kulang pa ang skills n'ya para s'ya na ang mag manage sa buong kompanya. Nais sana n'yang makuha ang mataas na posisyon ng kompanya para kung sakaling hindi makapag tapos sa pag me-medesina si Glenn ay kukunin n'ya ang nobyo para mag trabaho sa kompanya nila. Pero mukhang malabong mangyari ang mga plano n'ya. Dahil may sariling plano ang Daddy n'ya sa kanya. At 'yon ay ang ipakasal s'ya sa isang Saavedra. Kung anong dahilan ng ama ay hindi pa malinaw sa ngayon. Ito siguro ang dahilan kung bakit narito kagabi si Gab Saavedra. Marahil napag-usapan na ng ama at ni Gab ang mga plano ng mga ito sa kanya.
"Dad, mahal ko po si Glenn-"
"Hindi ka mapapakain ng pagmamahal na 'yan Lianne," may galit na putol ng ama sa nais pa sana n'yang sabihin tungkol sa kanila ni Glenn.
"Hiwalayan mo na 'yang lalaking 'yan. Hindi dapat malaman ni Gab na may karelasyon ka"
"Ano ho?" gulat na tanong n'ya.
"Hindi tutol ang batang Saavedra sa ama n'ya na pakasalan ka Lianne. Kaya huwag mo nang pasakitan pa ang sitwasyon. Tapusin mo na ang relasyon n'yo ng lalaking 'yan at asikasuhin mo ang pakikipag lapit mo kay Gab Saavedra. S'ya ang lalaking nababagay sa iyo Lianne. Magiging Mrs. Saavedra ka," mahabang litanya ng ama. At bago pa s'ya makasagot at makapangatwiran sa ama ay tumayo na ito mula sa kinaupuan at mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang s'ya ng tingin sa ama. Iniisip kung totoo nga ba ang mga narinig n'ya mula sa ama? Totoo bang nais s'yang ipakasal ng ama sa isang Gab Saavedra? Bakit? Dahil ba sa pera? Dahil ba sa negosyo? Hindi ba't hindi naman si Gab ang nagpapatakbo ng G. Saavedra Airlines? Liningon n'ya ang Mommy n'yang tahimik na nililigpit ang pinagkainan ng ama.
"Mommy," tawag n'ya sa ina. Huminto ito at sinulyapan s'ya.
"Alam mong wala akong boses pagdating sa Daddy mo. Sumusunod lang din ako sa gusto ng Daddy mo Lianne," malungkot na sagot ng ina. Alam n'ya 'yon dahil sa bahay nila ang Daddy n'ya ang batas.