Humugot ito ng malalim na hininga. "Wala. Ang gagawin mo magtatago nalang baka mamaya kapag nakita ka niya sa palengke makilala ka ni Troy at magalit pa sayong ginawa sa kaniya. Baka ipa salvage kapa!"
"Saan naman ako magtatago... Maliit lang to bayan natin Bakla. At Huwag mo ako takutin."
"Uhm, ano kaya kung pumunta ka ng Manila at roon magpalamig ka muna." Suggestion sa kaniya.
"Are you sure binigay mo sa kaniya ang pagkabirhen mo?" Kalmadong tanong nito sa kaniya. Tango lang ang sinagot niya dito, sabay kagat sa labi niyang nakatingin kay Aira.
"Confirm! Jusko naman! Malamang sa malamang pinahahanap kana niya ngayon at ipapakulong dahil sa kasalanan mong ginawa panigurado. Ikakasal na iyong tao. Hoy! Ano nakain mo at sinuko mo ang lerio!"
"Mahal ko si Troy. Hindi ko naman ginusto iyon, eh?" Parang batang sagot niya dito.
One month later...
Dahil sa nangyari hindi na siya bumalik sa pagtitinda sa palengke. Nagkukulong na lamang siya sa bahay sa takot na masalubong si Troy sa daan bagay na iniiwasan niya. Kahit nagtataka man si Nanay sa mga kinikilos niya itong mga nakaraang araw. Hindi pa rin ito naglakas loob tanongin siya. Bagay na ikapanatag naman ng kaniyang kalooban. At ayaw niya rin malaman pa ni Nanay ang ginawa niyang kalukuhan. Baka magalit lang ito sa kaniya. Hangga't maari itatago niya ito sa ina. At ayaw niyang magpakita pa kay Troy. Kahit kailan. Nagpalipat siya sa ibang lugar iyong hindi niya makita ang lalaki. Maraming negosyo ang pamilya ni Elmo kaya naman madali na lang siyang nakalipat ng, minsan humingi siya ng pabor dito. Hindi naman habang buhay magtatago siya at walang gagawin. Ano na lang kakainin nila. Sa department store sa Manila siya nilagay kasama si Aira. Nagkataon naman na kulang ng tao roon kaya agad silang nakapasok ni Aira. Ang bakla kung saan siya, doon rin ito. Parang buntot laging nakasunod. Nagiging maayos ang paglipat nila sa Manila. Hati sila sa lahat ng bagay sa boardinghouse ni Aira. Kaya naman walang problema.
"Mas gusto ko na dito Bakla. Malamig at malakas ang aircon at puputi ako dito."
"Ako naman ang magkakasakit." Sabi niya.
"Bakit naman? Tagal na natin dito hindi kapa nasanay?"
"Semprey, mainit mamaya, tapos galing tayo sa aircon."
"Okay lang iyan. Pag nasanay kana. Semprey, bihira kana magkakasakit! Tiyagaan mo lang..
Ikaw naman kasi... Pero wait! Malaki ba?"
"Ang alin?"
"Iyong ano ni papa Troy?"
"Gaga! Semprey hindi ko alam. Madilim kaya sa loob ng kotse paano ko makikita!" Nahihiyang sabi niya.
"Sayang... Dapat tiningnan mo!"
"Sira? Mabuti pang magtrabaho na tayo may parating na customer."
"Haha! Uy, ayaw niya e' share..." Tukso sa kaniya.
"Bakit ko e'share sa akin lang iyon." Sabi niya dito natatawa. Hinding hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon, kahit kailan ibabaon niya iyon sa kaniyang alaala.
"Hindi na ngayon, kasi iniwan mo siyang durog na durog! Hahaha!"
"Hey! Ako nga. Itong durog na durog kasi ako ang babae mas ako ang agrabyado dito, noh?"
"Kahit na.. balita ko... Pinahanap niya raw, ang babaeng nakantotan niya ng gabing iyon. Lagot ka Bakla!" Medyo bastos nitong sabi sa kaniya.
"Uhm... Huwag mo akong takotin. Alam kong malabo pa sa ilog pasig ang mukha ko roon. Saka sabi mo sa akin hindi mo siya nakausap ng personal di'ba?"
"Oo... Pero nagpagulo sa aking isipan bakit siya pupunta sa place na iyon kung hindi naman niya kilala iyong kikitain?"
"Malay natin kung ang nagpapunta sa kaniya ay kuryosidad lang."
"Baka nga siguro Aira... Pero paano kung isang araw magkrus ang landas niyo Bakla? Walang impossible kung ang tadhana na ang gumawa ng paraan hindi pa huli ang lahat?"
"Hindi ko alam. Pero imposible iyon bakla. Malayo na ako sa amin at sa makalipas ng ilang buwan tiyak akong makakalimutan rin niya ang nangyari ng gabing iyon. At isa pa bakit niya pa pinahanap?"
"Hindi ko rin maintindihan, eh? Pero bakla maiba tayo,Grabe naman ang ginawa mo hindi ka siguro desperada no? Sinuko mo pa iyong Lereo, hindi ka manlang nagdalawang isip!"
"Dahil siguro sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya.." Malungkot niyang sabi.
"Pero mabuti na lang nagawan ng paraan ni Sir Elmo, ang paglipat mo dito sa Daddy niya. Paano kung hindi? Mananatili tayo sa probinsya natin."
"Kaya nga malaki ang utang na loob ko sa taong iyon, hindi ko alam paano ako makakabawi roon?" Problemadong sabi niya sa kaibigan.
"Di' sagotin mo na ang panliligaw niya sayo."
"Ang daling sabihin bakla. Pero mahirap gawin?" Sabi niya dito.
"Pag-isipan mo lang. Walang masama kung minsan sa ating buhay susugal rin tayo."
"Mag-iipon ako at mag-aaral sa kolehiyo iyon ang pangako ko, kay Nanay bago ako umalis ng probinsya. Saka muna ang lovelife na iyan."
"Sige. Suportahan kita Bakla kung saan ka masaya doon rin ako."
"Salamat?"
"Walang anoman. Pero gusto ko iyong nilipatan natin maraming Boylet..." Kilig nitong sabi.
"Dahan dahan ka baka mamaya ubos naman sahod mo dahil diyan sa mga lalaking iyan." Sabi niya dito. Mapagbigay kasi ito. Minsan walang matira sa sahod, dahil sa mga lalaki. Dinadatongan...
"Hindi na.. kailangan ko rin magpadala ng pera sa probinsya para ipagawa iyong bahay namin na sirang sira na."
"Mabuti kung ganon." Nilalagay niya na ang bag sa sariling locker. Mayroon silang kaniya kaniyang locker.
"So iwan na kita dito ha? Baka makita tayo ng CCTV nag tsismisan dito oras ng work mahirap na..."
"Sige. Babo!"
"Babo?"
"Bye bye!" Natatawang sabi sa kaniya. Napapailing na lamang siyang iniwan ito. Kung ano ano na lang language ng baklang 'to. Pero masayang kasama si Aira. Hindi mo maramdaman ang lungkot na malayo ka sa pamilya. Kamusta na kaya sila roon. Sana okay lang sila at nasa maayos na kalagayan kahit wala siya.
Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga display ng may naramdaman siyang nakamasid sa kaniya at ng hanapin ito. Wala naman siyang ibang nakikitang ibang tao. Kaya naman, tinuloy ulit ang pag-aayos niya, hanggang sa may biglang nalaglag at agad niya namang pinulot ito, pero may ibang mga kamay ng nakadampot dito at sa pag- angat niya ng tingin. Para siyang nakakita ng multo.
"Hi!" Sa malamig at boung boses ng binata. Ang taong minsang minahal at binigay dito ang lahat lahat.
"A-anong ginawa mo dito?" Nauutal niyang tanong. Nagtaasan rin ang balahibo niya sa katawan.
"What?" Takang tanong sa kaniya.
"I mean.. anong kailangan niyo po at tulongan ko na kayo, Sir?" Sabi niyang kinakabahan.
"Ikaw?" Seryosong sabi nito sa kaniya.
"Ha?"
"Ikaw ang bahala? Miss---? But, wait... Familiar ka?" Gusto niyang magpalamon ng buhay sa lupa makaalis lang siya, sa harapan ng lalaking ito.
"Hehe... Baka marami po akong kamukha, Sir..."
"Siguro nga... Pero hindi. I think ikaw iyong tindera sa tapat ng aming tindahan sa probinsya, right?" Mukhang wala na siyang lusot dito. Paano siyang hindi mamukhaan nito, palagi siyang nakatambay sa tapat ng tindahan.
"Baka po kamukha ko... Ah eh, ako nga po iyon magandang tindera sa katapat niyo po wala ng iba! Haha?" Nabubulol niyang sabi dito. Nakita niya, ang malagkit nitong tingin sa kaniya na dati naman ay hindi nito ginagawa, ni sulyapan nga siya hindi nito magawa, ang titigan pa kaya. Hindi kaya natatandaan siya ng gabing iyon. Pero imposible iyon, madilim nun at nakabalot pa ng make-up, ang mukha niya.
"Okay... Small world...finally." Wika nito.
"Ano po?" Nagkibet-balikat lang ito.
"Nothing... Natutuwa lang akong may makilalang taga nayon ko dito sa Manila."
"Hehe! Ganon po ba, Sir?"
"Troy... Iyon na lang itawag mo at nice meeting you---?"
"Sam po..." Agad niyang sabi.
"Sam... Nice name." Isang mabilis na shakehand lang ginawa niya dito. Bago niya ito tinulongang hanapin ang gusto nito mga bilhin.
"Kailangan natin kumuha ng cart, si-- este... Sir Troy?" Sabi niya dito ng lingonin ito.
"Sige, please?" Agad naman siyang umalis at kumuha ng cart. Bago siya bumalik kay Troy. Huminga muna siya ng malalim. Kanina pa kasi dumadagudon ang dibdib niya sa kaba.
"Marami ba bibilhin mo?" Tanong niya dito. Tahimik lang kasi itong nakasunod sa kaniya parang binibilang bawat galaw niya.
"Yeah, para sa bagong bahay na lilipatan ko."
"Ho? May bahay kayo dito?"
"Yes, why?"
"Wala naman po." Sabi niyang nanglalamig na sa sobrang kabang naramdaman.
"You look pale... are you sick?"
"Sick? Hindi po... Wala po akong sakit?" Sabay himas sa mukha niya.
"Bakit kayo bumili ng bahay pwide namang mag rent na lang." Sabi niya dito. Iba talaga kapag mapera kahit anong gusto mong bilhin mabibili.
"I want own house. Iyong akin talaga... Iyong ako lang nag mamay-ari at wala ng iba."
"Ahh-Okay."
"Ibig po sabihin hindi na po kayo uuwi ng probinsya niyan kasi may bahay na kayo dito?"
"Uuwi pa rin kapag nahanap ko na ang taong sumira ng buhay ko." Agad siyang napalunok ng laway.
"G- Ganon po ba?" Lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya at gusto na tapusin ang araw na ito. Ramdam niyang galit sa puso nito.
"By the way. How are you here?"
"Uhm, heto nag-iipon para pang- paaral sa mga kapatid ko."
"Kaya kaba umalis sa atin?"
"Parang ganon na nga..."
"Iyon lang? Wala ng ibang dahilan. How about my iniiwasan kang tao?"
"Ha?"
"I mean, iyon lang ba ang dahilan mo kaya mas pinili mong magtrabaho dito sa malayo at nagtiis malayo sa pamilya mo?"
"O-oo... At saka para maiba naman maliit kasi ang sahod doon sa atin. Masaya na ako sa rate dito." Sabay lingon niya dito. Pansin niya kanina pa sila ikot ng ikot pero wala pa itong nilalagay sa cart na hawak nito.
"We used to be in a small town, but now a lot has changed in the past time. It's just a human habit. Kind in the beginning but when hurt and cheated, it will change and be replaced by hatred in the heart. Sa madaling salita marami ng nagbago."
"Ba---?"
"Hi! Mahal ko... Kanina pa kita hinanap dito ka lang pala." Si Elmo. Kaagad siya nitong inakbayan at hinalikan sa noo. Kinagulat niya ang ginawa nito.
"Elmo?"
"Nabigla pa kita, mahal ko?"
"Bakit mo ginawa iyon?" Mahinang sabi niya dito.
"Ah, wala iyon. Masaya lang akong makita ka ngayon..." Hinarap nito si Troy pagkatapos.
"Troy?"
"Elmo?"
"Nandito ka sa department store namin. Pero mabuti naman at napaluwas ka ng Manila. Akala ko hindi kana aalis doon dahil sa babaeng hinanap mo. Ano nahanap mo na ba?" Rinig niyang sabi ni Elmo at kaagad naman siyang pinawisan ng malagkit.
"Yes," sabay tingin sa kaniya.
"So What are your plans now, are you going to lock her up?" Nanginig ang mga kamay ni Sam.
"I don't know... Pero inaalam ko pa sa abogado kung ano ang mga kasong pwideng ikaso o isampa sa kaniya."
"Good. Kahit sa akin niya gawin iyon. Hindi lang pagpapakulong gagawin ko. Baka higit pa roon."
"Yes... Sisirain ko ang buhay niya, gaya ng pagsira niya sa buhay ko..." Makahulugang nitong sabi.
"It's really bad. Pero ako, hindi ko na pakakawalan ang mahal kong ito. Akin lang siya." Inalis nito ang braso sa kaniyang balikat at pababa sa kamay niya na hawak ni Elmo ngayon.
"Well... That's good Elmo, kasi ang alam mo, kahit anong tali mo sa aso kung magawa niyang makaalis sa taling iyon. Wala ka ng magagawa kung pagising mo isang araw, iba na ang nagmamay-ari."
"No! Troy... I'll fight her, until I die! That's how I love her so much!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Elmo sa kamay niya. Pilit niyang inaalis pero mas lalo lang nito hinigpitan.
"That's good! Elmo?"
"Ano?"
"Sabi ko nandito si Troy sa Manila."
"Oh my god... Anong ginawa mo? Siya anong reaksyon niya ng makita ka?"
"Wala naman... Basta bakla sobrang kaba ko talaga parang sumuko bigla ang dibdib ko ng makita siya. Pakukulong niya daw ako... At nahanap niya na daw ang babae. Anong gagawin ko. Tulongan mo ako..."
"Ang liit talaga ng mundo. Sa dinarami raming department store sa Manila sa pinagtrabuhuan mo pa talaga siya dinala ng kapalaran. Jusko!"
"Paano na iyan?"