"Anong nangyayari kay LA? He seemed to be out of his element after that block.” Wika ng ka klase ni Dillon na katabi niya. Hindi lang sila ang nakapansin but LA seemed to have lost his focus entirely even after that half time break. Ito ang unang pagkakataon na tila wala sa sarili niya si LA. Nasa court nga ito pero tila wala sa laro ang isip nito at hindi alam nang lahat kung anong nangyayari. Akala nila, He would feel better after that half break. Pero tila nagbago ang binata matapos ang break. Kahit si Dillon napansin na tila wala sa sarili niya si LA at panay ang tingin sa kinauupuan nila. Hindi lang siya ang nakapansin maging si Chloe.
“Nasaan si Ate Elle?” tanong ni Chloe kay Dillon nang mapansing nakatingin ulit sa kanila si Adrian.
“Masama ang pakiramdam niya umuwi na siya.” Pabulong na wika ni Dillon kay Chloe.
“Is she okay?” Nag-aalalang tanong ni Chloe.
“She is. But I don’t think Tito Adrian is doing fine. Tingnan mo naman ang kalat nang laro niya. Parang wala siya sa sarili niya. Ano bang nangyari sa kanya?” tanong ni Dillon.
“So, this is what a superstar is?” Sakristong wika ni Raphael habang nakikita ang binatang naglalaro na tila wala sa sarili. Ang mga steal na nagawa nang kalaban nito mula sa kanya that turns into a score para sa kabila ay talagang nakakapanlumo. Kahit ang mga fans nito ay natigilan din sa pag-che-cheer at pinapanood nalang ang binata hanggang sa tumawag nang substituion ang coach nila five minutes before the end of 3rd quarter. Hindi nila pwedeng hayaang maglaro si LA na tila wala sa sarili niya. Though laman pa naman sila sa kalaban kapag wala pa silang magawa baka matalo sila.
“I’m sorry LA. I have------”
“It’s okay coach. I feel like I am not in the mood to play anyway.” Wika ni Adrian. Ito ang unang beses na pinaalis siya sa court dahil sa pagiging out of focus nito. Maging si Adrian hindi rin maintindiha nang sarili niya. Paulit-ulit na nagpa-play sa isip niya ang sinabi ni Elleri. At hindi siya makapaniwala na matagal na siyang gusto nito. Was he really that oblivious? Hindi siya makapaniwala sa sarili niya. And it’s putting him off game. At hindi rin niya makita si Elleri sa upuan nina Dillon.
“You better rest.” Wika nang coach nila.
“Thank you, coach.” Wika nang binata saka napatingin sa kinauupuan nina Dillon. Nang hindi makita ang dalaga. Naisipan niyang lumapit kay Dillon at Chloe. Taka namang napatingin sa binata ang coach nila habang inihahatid siya nito nang tingin habang papaakyat sa audience stand. Maging ang mga kasama nina Dillon ay napatingin din sa binata.
“Where is she?” tanong ni Adrian kay Dillon. Napakunot naman ang noo ni Dillon sa tanong nang binata. “Elle.” Simpleng wika nang binata.
“Umuwi na masama daw ang pakiramdam niya.” Wika ni Chloe sa kapatid niya.
“Masama ang pakiramdaman? Bakit?” Tanong ni Adrian.
“Si Teacher Elleri ba ang tinutukoy mo?” wika ni Raphael na tumingin sa kanila. Napatiim bagang naman si Adrian nang marinig ang tanong nang binata. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang paghawak nito sa kamay ni Elleri.
“Going back. Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Adrian kay Dillon.
“Hindi namin alam.” Wika ni Chloe. “But earlier. Kinausap siya ni Ester and I don’t think it went well. She wasn’t feeling well after that.” Wika pa nang dalaga.
“Tinawagan mo na ba siya?” Tanong ni Adrian kay Dillon matapos marining ang sinabi ni Chloe.
“After her last message. Hindi na siya sumasagot. I tried calling her. Pero naka off na ang phone niya.” Wika pa ni Dillon.
“Does she always turn his phone off?” Tanong nang binata.
“Nope. She never does kahit noong nasa ibang bansa pa siya. She always makes sure na madali siyang matatawagan ng pamilya niya.” Wika pa ni Dillon.
“What the hell is she doing.” Mahinang usal nang binata.
“May nangyari ba sa kanya?” tanong ni Raphael kay Dillon.
“She is just not feeling well, kaya nauna na siyang umuwi hindi natin kailangang mag-alala.” Wika pa ni Dillon sa binata.
“Kuya.” Biglang wika ni Chloe nang biglang bumaba nang Audience stand si Adrian at lumabas nang court ni hindi manlang ito nagpapaalam sa coach nila. Lahat na bigla nang makita ang binatang lumabas sa court at lahat nagtatanong kung babalik pa ba sa laro ang binata. Maging ang coach at teammate nang binata at nagulat din.
*******
Nakatulog na ba siya?” Tanong nang matanda nang lumabas mula sa silid ni Elleri ang isang maid. Nang sinundo nang assistant niya ang dalaga sa stadium umiiyak itong dumating sa bahay niya habang nanginginig hindi niya alam kung anong nangyari hindi na rin siya nagtanong para makapagpahinga ang apo niya.
“Oho, Seniora.” Magalang na sagot nang babae sa matandang sumalubong sa kanya nang lumabas ito sa silid ni Elleri.
“Mukhang ito ang dahilan kung bakit umiiyak si Miss Elleri.” Wika pa nang assistant nang matanda saka ibinigay ang isang Tablet dito at ipinakita ang article tungkol sa engagement nina Aster at Adrian. Marahan namang kinuha nang matanda ang inaabot na tablet nang assistant niya at binasa ang article. Hindi naman nagsalita ang matanda bagkus ay ibinalik lang nito ang tablet assistant niya matapos basahin ang article.
“Tawagan mo ang school ni Elleri. Tell them she will have her leave of absence.” Wika nito sa assistant.
“Yes. Ma’am.” Sagot naman nang babae nang hindi na nagtatanong sa kung ano ang dahilan.
“Iwan na muna natin siya dito kailangan niyang magpahinga.” Wika npa nang matanda saka naglakad papalayo sa silid ni Elleri.
Habang si Adrian naman ay nagmamadaling nagtungo sa locker room niya para kunin sana ang susi nang sasakyan niya para puntahan si Elleri sa bahay nila pero bigla siyang sinalubong ni Aster.
“Aster let’s not talk right now. Nag mamadali ako.” Wika pa ni Adrian nag salubungin siya ni Aster. Ngunit sa halip na sumagot agad siyang niyakap ni Aster kasunod ang flickers nang mga camera mula sa iba’t-ibang mainstream media. Nabigla pa ang binata sa nangyari. Kasunod noon ang mga tanong tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal. Biglang nahilo si Adrian sa mga nangyari at hindi niya alam kung anong nangyayari. Next thing he knew, tinatanong na siya kung siya ba ang magigng escourt ni Aster para sa Isang award ceremony kung saan nominated ang dalaga.
Bago pa makasagot si Adrian si Aster na ang nagsalita at nagsabing wala siyang ibang gustong makasama sa awards night kundi ang lalaking pinakamamahal niya. May reporter ding nagtanong kung bakit siya biglang umalis nang basketball court. At muli bago pa makasagot ang binata si Aster ang sumalo sa tanong na iton.
“NO worries. Hindi siya umalis sa laro. Kailangan lang niya nang fresh air. Babalik din siya sa game. Right Hon,” wika nito saka humarap kay Adrian na may matamis na ngiti. Tipid na ngiti naman ang sinagot ni Adrian. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit siya umalis nang court. Kailangan niyang makausap si Elleri at mukhnag kailangan niyang maghintay hanggang sa matapos ang laro bago niya makausap ang dalaga.
Sa huli wala ding nagawa si Adrian kundi ang bumalik sa loob nang arena. Hind naman niya pwedeng ipahiya si Aster sa mga reporters na nandoon. Saka nalang niya aayusin ang misunderstanding sa kanila ni Elleri kung meron man.
Naging malakas ang hiyawan nang mga fans ni Adrian nang makita ang binatang muling pumasok sa Arena ang five minutes before the end of 4th quarter muli siyang ibinalik sa game. At gaya nang inaasahan nang lahat nakabalik ang LA na pinuntahan nila para panoorin. At gaya nang inaasahan nila, nagawa nilang ipapanalo ang game na iyon. Nasa pangalawang panalo na sila nang best of 7 sa finals nang play offs. Dalawang laro nalang at sila ulit ang itatanghal na champion.
Matapos ang laro lumabas sa lahat nang balita ang interview ni Aster at Adrian sa locker room nang basketball team. Lahat masaya nang marinig na si LA ang makakasama ni Aster sa awards night and everyone is looking forward sa dalawa lalo na ngayon na engage na ang dalawa.
“Walang sumasagot sa bahay.” Wika ni Chloe sinusubukan niyang tumawag sa bahay nila para kumustahin si Elleri gaya nang utos ni Adrian pero kanina pa sila tumatawag patuloy lang na tumutunog ang telepono sa bahay nila.
“Baka nakatulog siya. Alam mong soundproof ang silid ni Tito Adrian.”
“Pero may extension phone naman sa silid ni Kuya Adrian. Imposible namang hindi niya marinig iyon.” Wika ni Chloe.
“She’s not there.” Wika ni Dillon saka ipinakita kay Chloe ang text mula sa lola niya ang sinasabing nasa bahay nito si Elleri at huwag nitong sabihin kay Adrian.
“Are they separating?” tanong ni Chloe. Nagkibit balikat lang si Dillon. Hindi rin nama niya naiintindihan ang nangyayari sa mag-asawa lalo ngayong kung ano-anong balita ang lumalabas tungkol kay Adrian at Aster. Lalo na at nasa balita na ang pagiging engage nang dalawa at sa nalalapit nilang wedding announcement.
“Minsan gusto kong mainis kay Tito Adrian.” Wika ni Dillon.