Ep - 39

1412 Words
"Miss Elleri?” salubong nang isang lalaki kay Elleri. Kasama niya noon si Chloe at Dillon habang papasok sila sa Stadium. Natigilan ang dalaga nang makita ang lalaking sumalubong sa kanya. nasa likod din nang lalaki ang isang babae. Agad namang nakilala ni Elleri ang lalaking sumalubong sa kanya. Ito ang manager ni Aster. Ang pinagtataka niya, bakit naman siya nito sasalubungin? “I’m Jordan, Manager ni Aster.” Wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga. “Nice to meet you. May maitutulong ba ako?” anang dalaga at tinanggap ang pakikipagkamay nang lalaki. Agad ding binitawan nang lalaki ang kamay niya. Saka nagtaas nang kilay. Simpleng napakunot nang noo si Elleri sa naging reaksyon nang lalaki sa kanya. “Gusto ka sanang makausap ni Aster. Pwede bang sumama ka sa amin?” Wika nito sa dalaga. Lalo naman siyang nabigla dahil sa sinabi nito. Bakit naman siya gustong makausap ni Aster? “Ngayon na?” tanong nang dalaga. “Yes. Nasa loob siya nang sasakyan at hinihintay ka. Kailangan niyong magmadali dahil magsisimula na ang laro nina LA at kailangan niyang manood.” Wika pa nito. “All right.” Wika nang dalaga. “Mauna na kayo sa loob.” Wika nang dalaga saka bumaling kay Chelo at Dillon. “Pero Ate, baka hanapin ka ni kuya.” Wika ni Chelo sa dalaga. “Hindi ako hahanapin noon.” Wika nang dalaga. “In case he will, sabihin mong hindi ako manonood.” Wika pa nang dalaga hindi niya maitago ang inis niya kay Adrian dahil sa balitang napanood niya. “Hindi kaya magalit yun kung hindi ka manonood?” Tanong ni Dillon. “Don’t worry. Hindi yun magagalit. Sige na. Mauna na kayo.” Ani Elleri saka tinapik ang balikat ni Dillon bago bumaling kay Jordan. “Let’s go?” Tanong nang dalaga dito. Tumango naman ito saka nagpatiuna sa paglalakad. Agad namang sumunod si Elleri matapos magpaalam kay Chelo at Dillon. Inihatid naman nang dalawa nang tingin si Elleri habang papalabas kasama si Jordan at ang babae. “Magiging okay lang kaya si Ate Elle?” tanong ni Chloe habang nakatingin sa dalagang papalabas. “Hindi naman siguro siya aawayin ni Aster, no?” tanong ni Dillon. Napatingin naman si Chloe kay Dillon. Hindi niya alam kung alam na ba ni Aster ang tungkol kay Elleri at Adrian. Ngayon ang pwede lang nilang gawin ay manghula. “Tayo na sa loob, baka naghihintay na sila.” Wika ni Chloe saka naglakad. Hindi naman nagsalita si Dillon at sinundan langa ng dalaga. Napatingin si Elleri sa dalagang nasa loob nang Van nang buksan ni Jordan ang pinto. Agad namang siyang pumasok at naupo. Nang makapasok ang dalaga agad namang isinara ni Jordan ang pinto saka nagbantay sa labas para makapag-usap ang dalawa. “May kailangan ka ba sa akin?” Tanong ni Elleri kay Aster. “Alam mo bang hindi kita gusto. Kahit noong una pa.” pauna ni Astersa dalaga. Napataas naman ang kilay nang dalaga hindi naman lingid sa kaalaman niyang hindi siya nito gusto. “Pinapunta mo ba ako dito para sabihin yan?” Anang dalaga. “Yes. And Gusto malinaw ang ang tungkol sa bagay na iyon.” “I think it’s clear enough. Bakit hindi mo nalang ako deretsahin. Ano bang gusto mong sabihin?” Tanong nang dalaga. “Nalaman ko kay Adrian na kasal na kayo.” Wika ni Aster. Bigla namang natigilan si Elleri. “Tell me, napanood mo ba ang interview?” Tanong pa nito. “Alin doon? Ang dami mong interview.” Wika nang dalaga. “Huwag kang umarteng hindi mo alam.” Wika ni Aster saka ipinakita ang kamay na may suot na Diamond ring. Napatingin naman doon ang dalaga. Nakita niya iyon sa interview ni Aster. At hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niya. Alam naman niyang kayang bumili ni Adrian nang diamond ring para kay Aster. Pero ang hindi niya maintindihan at ikinaiinis niya. Nangako sa kanya ang binata pero hindi nito tumupad sa sinabi. Tanggap naman niyang hindi siya mamahalin ni Adrian. Pero hindi naman nito kailangang magsinungaling sa kanya. Iyon ang ikinaiinis niya. “Kahit na kasal kayo ni Adrian. Wala akong pakiaalam dahil ako naman ang mahal niya. Gusto kong maging malinaw sa ang bagay na yan. At nakikita mo naman na binigyan pa niya ako nang diamond ring para sa engagement namin. I know, wala siyang ibinigay sa iyo dahil hindi naman kayo kasal dahil mahal niyo ang isa’t-isa.” “Gusto ko lang malaman mo. Hindi ko isususko si Adrian. Akin siya. Ast sinabi niya din sa akin na maghihiwalay naman kayong dalawa.” Wika pa ni Aster sa dalaga. “Naging asawa mo lang siya dahil sa kasunduan ng pamilya niyo. Kung wala ang kasunduang iyon. Hindi ka pakakasalan ni Adrian. Para sabihin ko din saiyo. Dati niya na akong niyayang magpakasal----” “Alam ko.” Agaw nang dalaga. “Gusto ko lang din malaman mo. Na kasalanan mo kung bakit napilitan si Adrian na magpakasal sa akin. Kung hindi mo sana inuna ang sarili mo at iniwan siya eh di sana hindi ka sumasabit sa lalaking may asawa na ngayon.” Wika nang dalaga dahil sa inis niya. “Anong sabi mo?” inis na wika ni Aster dahil sa narinig na sinabi ni Elleri. “You heard me.” Anang dalaga. “Kung hindi ka sana naging makasarili at iniwan siya sana kayo ang kinasal ngayon.” Anang dalaga. “Engagement? Kelan naman kayo makakasal? Paano kung sabihin kong ayokong makipaghiwalay kay Adrian? Anong magiging tawag saiyo? Isipin mo, isang sikat na actress model. Mistress lang nang nang kilalang Basketball player. Sa ating dalawa mas malaki ang mawawala sa iyo. Wala naman nakakakilala sa akin.” Litanya nang dalaga. “Mistress? Did you just---” “I did. O baka gusto mo ulitin ko.” “Hindi mo makukuha ang puso ni Adrian.” “Kahit hindi ko makuha ang puso niya. Legally he is mine. He is my husband.” Anang dalaga habang nakakuyom ang kamao. Kailangan niyang ilabas ang sama nang loob niya at nakataon na nandoon si Aster. “May sasabihin ka pa ba?” tanong ni Elleri sa dalaga. “Huwag mong subukang humadlang sa aming dalawa ni Adrian.” “Kahit kailan hindi ako naging hadlang sa inyong dalawa. Hmm. Now that I think about it. Sa ating dalawa ako ang mas may karapatan kay Adrian dahil asawa niya ako. Kung ayaw mong matawag na mistress, tigilan mo na si Adrian. Dahil para lang sabihin ko saiyo. Hindi ko siya isususko. Hindi kahit saiyo.” Wika ni Elleri saka binuksan ang pinto nang Van at hindi na hinintay ang sasabihin ni Aster saka lumabas. Napatingin naman sa kanya si Jordan bago ito bumaling kay Aster na tila natulala sa loob nang Van. “Aster are you okay? Anong ginawa niya saiyo?” Nag-aalalang tanong nito. Impit na napatili si Aster sa loob nang sasakyan dahil sa labis na inis at gigil kay Aster. Napatingin lang si Jordan sa dalaga saka pumasok sa Van at sinara iyon bago pa makita nang mga tao si Aster. “Ano bang nangyari?” tanong nito sa dalaga. “I hate her! I hate her!” Gigil na wika ni Aster. Hindi naman maintindihan ni Jordan kung bakit naiinis nang ganoon ang dalaga. Ngayon lang niya nakitang inis na inis si Aster. Mukhang nakuha nang dalagang si Elleri ang inis ni Aster. Hindi niya alam kung anong pinag-usapan nang dalawa dahil wala namang sinabi si Aster sa kanya. SInabi lang nito na gusto nitong makausap si Elleri. “Sino ba yun? Bakit mo siya kinausap kung ganyang maiinis ka lang.” wika pa nito. “Hindi ako papayag na maisahan niya. Sino ba siya? Wala naman siyang pangalan. I am Aster. I am one of the best model and actress nang bansa. Hindi ako magpapatalo sa isang hamak na school teacher.” Wika pa nang dalaga na lalong ikinapagtaka ni Jordan. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. “Sapalagay ko magsisimula na nag laro. Try to compose yourself at -----” “I’m okay.” Wika ni Aster. “Let’s go. Ipapakita ko sa babaeng yun kung sino ang kinakalaban niya.” Wika ni Aster. “Okay.” Wika ni Jordan saka binuksan ang pinto para makalabas ang ang dalaga. Nang makalabas sila saka sila naglakad patungo sa loob nang stadium para manood nang game nina Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD