Ep - 40

1177 Words
"Elle---” putol na wika ni Adrian nang makitang pumasok si Elleri sa loob nang arena. Alam niyang natama ang mga mata nila nang dalaga but did she just pretended she did not see him? Ngayon lang, parang inirapan siya nang asawa. Mukhang galit pa rin ito sa kanya. Kanina lang nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Aster. At may hinala siyang napanood iyon ni Elleri. Ang hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang kausapin ni Elleri at klaruhin ang bagay na iyon. “Bakit LA?” Tanong nang ka teammate nang binata saka napatingin sa Stand sa itaas nang bench nila kung saan nakaupo ang mga miyembro nang team nina Dillon. Nandoon lahat nang miyembro nang Team kasama si Norman at Elleri. Inimbitahan sila ni Adrian na manood nang game at ito pa mismo ang gumastos para sa ticket nila. Sabi nito treat ito nang binata para sa kanilang Finals game. “Ah, nandito na naman si Classmate.” Wika ng teammate ni Adrian. “Mukhang isa siya sa mga tagahanga mo.” Anito sa binta. “I don’t know about that.” Wika nang binata saka naupo. Hindi siya mapalagay dahil kay Elleri. Sanay naman sila sa parang asu’t pusang tratohan nila they argue kahit sa pinaka trivial na bagay pero bakit mabigat ang loob niya habang nakikita ang dalaga na galit sa kanya. Nagulat si Elleri nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa pisngi niya. Dahil sa pagkabigla agad siyang napalingon sa pinanggagalingan nang malamig na bagay na lumapat sa pisngi niya. Doon niya napansin ang bote nang tubig na inilapat ni Raphael sa pisngi niya at ang lalo pa niyang ikinagulat at ang binatang may hawak noon. “What are you doing?” Natatawang wika ni Elleri saka kinuha sa kamay ni Raphael angn bote nang tubig. “Bakit nagsasalubong yang kilay mo. Nandito ka ba para manood? You don’t look like ---” Natigilan si Raphael nang mapansin ang dalagang nakatingin sa kanya na parang nagtataka. “What?” tanong nang binata. “Okay ka lang ba? May sakit ka ba?” wika nang dalaga saka inilagay ang kamay sa noo ni Raphael dahilan para magulat ang binata. With that, biglang kumabog ang dibdib nang binata hindi niya inaasahan ang reaksyon na iyon ni Elleri lalo na ang gianwa nito. “Anong ginagawa mo?” wika ni Raphael while he is trying to relax mula sa kumakabog niyang dibdib. HInawakan niya ang kamay nang dalaga saka tinanggal sa noo niya. “Alam mo. Hindi ka dapat parating nakasimangot.” “Ano namang sinasabi mo?” Tanong ni Raphael na pinamulahan ng pisngi. At pakiramdam niya ang init nang mukha niya. Bakit ganito ang reaksyon niya kay Elleri. Ito ang unang beses na malakad ang kabog nang dibdib niya sa harap nang isang babae and that his heart is racing so fast na parang gusto nitong lumabas sa dibdib niya. “Hindi kailangang magpanggap na masungit ka. Or that you are an arrogant guy. Nakikita ko namang mabait ka.” Wika ni Elleri na ipinakita ang hawak na bottled water sa isang kamay. Habang ang isang kamay niya ay hawak padin ni Raphael. “Napansin ko lang na parang mag uumpugan na yang Kilay mo. Very unusual.” Wika nang binata. Napatingin naman si Elleri sa binata. He is observing her. “You noticed?” Tanong nang dalaga. “Kanina pa pagpasok mo. May nangyari ba?” tanong nang binata. “Huwag mo nang itanong, off limits yun para sa mga batang gaya mo.” Wika ni Elleri na natigilan saka agad napatingin sa basketball court nang marinig ang sinabi nang commentator tungkol kay LA. Nang marinig niya ang pangalan ni Adrian agad na nabaling sa court ang pansin niya. Bagay na ipinagtaka ni Raphael at agad na sinundan ang tinitingnan nang dalaga habang nakahawak pa rin ang kamay sa dalaga. Nakita nilang nasa Sahig ang binata si LA at nakaupo. Napatingala si Elleri at ang iba pang miyembro nang team nila nang makitang ipinapakita sa malaking screen ang replay sa nangyari. Nang makita ang nangyari kay Adrian at dahilan nang pagkakaupo nito sa sahig. Natuptop naman ni Elleri ang bibig niya dahilan para mabitiwan niya ang kamay ni Raphael. Taka namang napatingin si Raphael sa kamay nang dalaga. It was so unexpected na naghiwalay ang kamay nila. Pakiramdam niya gusto pa niyang hawakan ang kamay nang dalaga. Sa monitor nakita nila nang masupalpal ang binata habang nagtangka itong mag dunk nang bola. Hindi naman madaling maagawan nang bola ang binata pero sa ipinakitang replay parang na distract ang binata at nakatingin sa ibang habagi nang arena dahilan para madali itong masupalpal at dahilan din para bumagsak ito sa sahig. Na out of balance ang binata nang maglanding after that dunk attempt. Lahathindi makapaniwala sa nangyari. Lalo na ang mga fans ni LA na nag-aalala kung nasaktan ba ang binata nang bumagsag dahil sa hindi agad ito tumayo. “Is he hurt?” tanong ni Elleri saka napatingin sa binatang nakaupo pa rin sa sahig. Bigla siyang natiglan nang makitnag nakatingin sa direksyon niya si Adrian at tila nagsasalubong ang mga kilay. “Dito ba siya nakatingin?” tanong ni Raphael nang mapansin din na nakatingin sa kanila ang binata. Hindi naman nagsalita si Elleri sa halip ay nakatingin lang ito sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nainiis ito. “LA, are you okay?” tanong nang teammate nang binata saka inilahad ang kamay sa binatang nakaupo pa rin sa sahig at tila walang balak na tumayo. Lumapit din naman ang referee sa binata para tingnan kung may injury ba ito. “Medic---” putol na wika nang referee. “No. I’m fine.” Wika nang binata saka Tumayo nang tinanggap ang kamay nang teammate. “Anong nangyari saiyo?” tanong nito sa binata nang makatayo ito. “Wala ka yata sa focus mo. Very unusual.” Wika pa nito. “I’m fine.” “Mabuti pa bumalik na muna tayo sa locker.” Wika nang teammate nang binata. Sakto nang bumagsak ang binata saka naman ang pagtunog nang buzzer signaling the end of first half of the game. Tumango naman ang binata. Isa-isang lumabas nang basketball court ang mga players. Palabas na nasa nang court si Adrian nang mapansin na tumayo si Elleri sa kinauupuan saka nagpaalam kay Dillon at Chloe. “Sly little demon.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa pinto kung saan lumabas si Elleri. Sa isip nang binata kailangan niyang makausap si Elleri at klaruhin ang nangyari. Bukod doon gusto din niyang malaman kung anong ibig sabihin nang nakita niya kanina. Ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala sa focus ay dahil sa nakita niya si Elleri at Raphael. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang makita si Elleri na tila nakikipagbiruan sa iba. Lalo na nang makita niya ang dalaga na hinawakan ang noo ni Raphael. He was stunned at na blanko siya. The next thing he knew, nasa sahig na siya which is hindi naman madala na mangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD