Veintiseis MULA pagkabata ay sanay na akong hindi nakukuha ang gusto ko. Sanay ako na nakikisama sa ibang tao dahil sa katayoan ko sa buhay. Natuto rin akong ipaglaban ang mga bagay na gusto ko at kailangan ko. Ngunit ngayong tumatanda na ako pinapakita nito sa akin na hindi lahat ng bagay ay dapat mong makuha at ipaglaban. Bawat ritmo ng kantang sinasayaw ko ngayon ay damang-dama ko. Halos ibuhos ko ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko para sa lalaking kung kutyain ako ay ganon-ganon na lang base lang sa nakikita niya. Mga salitang halos durugin lahat ng kumpyansang meron ako. “Are you mad?” “Huh? W-what are you saying?” gulang kung tingala ang lalaking kasayaw ko. “Your eyes are not like yesterday. Every move you make now there is a trace of anger. Is there some—“ “Ay