Cuarenta y dos ILANG BESES na akong huminga ng malalim at pinisil-pisil ang mga kamay ko. Baka sakali sa ganitong paraan ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi akalaing interview pala ang pupuntahan naming dalawa ni Lex at ngayon ay hindi na ako maka back out. Halos lumubog na ako sa kinauupoan ko samantalang ang lalaking nasa tabi ko ay cool na cool lang at prente pa ring nakaupo. He doesn’t mind people around him at all. “Relax, they won’t eat you,” he whispered. Yeah, says the person who’s always poker face. Tsk! Nang muling magsabi ng take ang lalaking nasa gilid ng stage ay inatake na naman ako ng kaba. Sana ay pinagsayaw nalang nila kami kesa kausapin ng kausapin. Baka doon mas mapakita ko pa kong saan ako magaling kesa umupo dito at ngitian ang lah