Veintitres ILANG ARAW na mula ng mag-usap kami ni Fin. Hindi ko pa masyadong naliliwag ang trabahong inaalok niya sa akin. Wala akong ibang kaibigan at kailangan ko ng trabaho para sa kapatid ko. Hindi pa makakabalik si Yanit dahil may kontrata pa siyang tinatapos. Kaya kailangan ko munang umusad ng wala ang best friend ko. Pero meron naman siyang isang Fin na pinalit at mukhang mas makulit pa ito sa kanya. Nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintoan ko. Hindi ko pa pinapansin ito ng una dahil baka si Kanor na naman ito at mangulit sa akin. Ngunit nang marinig ko ang boses ni Fin sa labas ng kwarto ko ay parang bigla akong nahulog sa kinauupoan ko. Ala siyete palang ng umaga pero nandito na siya at nanggugulo sa akin. “Ano na naman ang problema mo?” singhal ko ng buksan ko ang