Veintidos SAMARA NOON hinahayaan ko lang ang mapaglarong mundo sa mga problemang tinatapon nila sa akin. Wala akong pakialam sa lahat bukod sa kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Ngayong mga oras na ito ay parang gusto kung magalit sa mundo. Magalit sa lahat dahil para bang napakadali sa kanilang gamitin ang nararamdaman ng mga tao para lang makuha ang gusto nila. Habang nakatayo sa harap ng dalawang lalaking ito ay hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman. Simula ng tumapak ako sa restaurant ni Dustin ay wala ng tigil ang kamay ko sa panginginig. Kasabay ng puso ko na walang tigil sa pagtibok ng malakas na para bang sasabog na anumang oras. “I didn’t know you are getting married?” bakas ang gulat sa mukha ni Benjamin habang nakatingin sa akin.