"Oh, my God!!! He is the one girl! He is the oneee!!! Aaaaaaaaa!!!"
Binato ko si Angela gamit ang isang unan dahil napaka over acting niya. It's already 4:30 am at hindi pa kami natutulog. 8 am pa naman ang klase namin kaya ito na naman kami sa sala at nagchichikahan. Kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyari kanina sa bar. Kahit siya naloka. Kahit siya hindi makapaniwala. Tss.
"You're too loud, nakakahiya ka sa mga kapit-bahay! Kinakahiya na talaga kita!" I rolled my eyes and she just raised her middle finger. Body language, I guess.
"Ihhhh! Kinikilig akooo! Isipin mo? Sa basura mong pagkatao? May isang tao na may pake pala sa 'yo! Yieee! Kilig si tanga!" gago nga.
"Baduy mo. Alam mo naman na numero unong kaaway ko 'yun. And besides, hindi ako kinikilig 'no! Ba't ako kikiligin? Ba't kikiligin? Gago, wala 'to!"
Tumawa kaming dalawa dahil sa kaartehan ko. I can't help but wonder. Why did he say that? Is he also drunk? Is he out of his mind? Is he crazy? Or maybe just plain stupid. I don't know. Siya yung taong hindi ko mabasa. Ang hirap niya basahin. Ang hirap niya intindihin. He's like a maze na walang ending. Sakit sa ulo!
"But seriously girl, I think that Chase guy likes you. Kasi naman. Kailan kayo unang nagkita? Nung nag-cutting classes ka, napakasama ng ugali mo. Ang bastos bastos mong bata sa totoo lang. Hindi ko nga alam kung paano kita natagalan, e. Tapos biruin mo? He cares for you palaaa. Yieeee!"
I raised my middle finger.
"HAHAHA! Basta alam mo 'yon? Sa tuwing nagkikita kayo? Puro g**o dala mo. You're such a troublemaker! Tapos siya, itong si Mr. Prim and Proper, matinong lalake, mabait, matalino. 'Yun bang ano ahm hirap paliwanag tanga mo kasi, e. So ayun nga ano ba! He's like your guardian angel or something like you're a mess and he's a f*****g repairman para ayusin ka nang paulit-ulit. Waaaaah kinikilig akooo!!!"
Ang haba ng sinabi niya pero napaisip ako. Ang dami na nagsabi na sakit ako sa ulo. Lol, halos lahat naman ng kakilala ko sakit daw ako sa ulo. Chase, ahm he's the type of guy nga na sobrang ayos. 'Yun bang every time na nagkakamali ako, dadating siya lagi para tulungan akong ayusin 'yung g**o na ginawa ko? Pero, PAKE KO? Wala akong pake.
"Hmm, you think so? He's the one?" I asked Angela.
"Oo Tati, sa tingin ko matatagalan niya yang kagaguhan mo, bruha ka!"
"Really? You think so?" I asked once again.
"Oo nga! Paulit ulit?"
"Pake ko?" she mouthed 'f*ck you' at binato rin ako ng unan, lol. "HAHAHAHAHAHAHA! Dami mong alam. Wala tayo sa mga librong binabasa mo girl. Gising-gising din sa realidad oh baka naman. Natatanga ka na niyang mga libro na binabasa mo, e."
She just rolled her eyes and that is already a sign na tapos na ang chikahan namin at panahon na para umiglip. It's quarter to 5. Tulog pa ba ang tawag sa 2 hours na nakapikit? I don't know.
I kept on thinking about Chase. That guy. He is really something. Siya ang kikitil sa 'kin.
---
"Binibining Vergara, ikaw ba talaga ang gumawa nung tula na ibinigay ko sa inyo bilang isang takdang aralin?" my Filipino teacher asked.
"Yes, Miss. Why?"
"Tagalog Binibining Vergara."
Binibini ampota. I laughed at the thought of me being called binibini. Cringe. I'm not into things like that. It's just that, it's not my thing. Ewan ko. Mukha bang astang binibini ako?
"Oo, Miss-- ay Binibini pala. Ako sumulat nung tula. Bakit?" feeling ko ang walang modo ko kapag nagpupurong tagalog ako, lol. No English daw sabi niya, e. E 'di ayan. Take it or leave it. Gusto niya 'yan, e.
Napansin ko ang paglukot ng mukha ni Binibining Floresca nang dahil sa sagot ko. Umay niyan. Ang aga-aga sisimangot, dude that ain't it.
"Alam mo Tatiana matalino ka sana kaso bastos. Hay nako! Kitain mo 'ko after class may sasabihin ako sa 'yo! Class dismissed!" purong Tagalog daw pero sabi niya after class e 'di wow. Class dismissed pa, e 'di wow.
"Girl, ano kaya chika sa 'yo ni Bibi Floresca?" ha?
"Gago ka, anong bibi?"
"Bibi, duh! Binibini! Ano bang acronym ng Binibini? Diba double B? Anong pronunciation sa dalawang B? Baba ba? 'Di ba bibi? Bobokels mo talaga, e 'no. Kakainom mo 'yan tanga ka!"
Bibi? What the hell? Bibi HAHAHAHAHA Bibi Tatiana. Ge. Bibi. Natawa na rin ako nang dahil sa sinabi niya kahit hindi naman talagang nakakatuwa. Ang corny pero natawa ako, ewan ko ba.
"Ewan ko roon kay Floresca. Daming dama. Purong Tagalog daw pero sabi niya after class tapos class dismissed. Tinatanga yata tayo nun, e. Pwede naman ngayong break time niya 'ko papuntahin, kailangan uwian pa. Imbis na maka uwi naman ako nang maaga, may hassle pa."
"Wow. Uuwi daw ng maaga? Tanga! Gigimik ka lang, e. 'Wag ako 'te jusko. Kilalang-kilala na kita!"
"Bobo mo naman, Angela! Wala na nga akong pahinga gigimik pa ba 'ko?"
"Gago, boba ka rin! Paanong wala kang pahinga, e konting free time lang nasa Gutz ka na agad! Tonta! Pahinga, pahinga sus! Para namang uso sa atay mo ang salitang pahinga," pataray na sabi ni Angela habang nagkakalikot sa cellphone niya.
May point naman siya kaya hinayaan ko na hehe. Syempre naman! Mapapagod na lang din naman ako dapat yung masasayahan at masasarapan naman ako!
"Te, Angela! Mag-iisang buwan at kalahati na tayo dito sa school wala pa rin tayong friends. Nagsasawa na 'ko sa pagmumukha mo. Umaga. Tanghali. Hapon. Gabi. Madaling araw. Tangina. Sumuksok ka nalang kaya sa atay ko?"
"Gago! Kadiri ka! Panong wala tayong friends e napakapangit ng ugali mo tas ampangit mo pa! Wala talaga tayong mararating niyan!" ganito talaga kami, pasensya.
"Alam mo? Pwede ka na mamatay."
Nilayasan ko siya at humanap ng mauupuan sa cafeteria. Ang daming tae, este tao pala. Pero may nakita akong isang vacant table agad akong umupo doon at nag-split para mareserve ko buong table na 'to para samin ni Angela. Chareng.
Habang naghihintay ako rito, si Angela ang umoorder ng pagkain namin. Dapat lang 'yon dahil isa siyang mabuting alagad WAHAHAHAHAHA!
"Ikaw si Tatiana 'di ba? Hello! Ako si Breanne! You can call me cute for short!" for short, e Breanne lang naman name niya. Nag-smile na lang ako dahil wala akong alam kung bakit may isa, dalawa, tatlo tangina ang dami pala nila! "Pwede kami makiupo? Hehe." tumango na lang ako dahil 'di ko alam sasabihin ko. Gago ang dami nila. Ahm mga wait. Pito sila men. Pito. Oo pito. Seven. 7.
Umupo naman silang lahat at isa-isang nagpakilala. New friends na ba tawag dito? Bat naiilang ako? Ganito ba talaga? Para akong nadudumi na ewan.
"I'm Breanna Aishy Gonzales, cute lang hehe." kanina pa siya ngiti nang ngiti kahit wala namang rason. Gosh.
"Rhianne Jhon Perez. Pwede mo 'ko tawaging Ryan. Ayun kasi bigkas sa first name ko 'te." ay 'tE.
"Bakla laban! Carlo Matteo Dela Vega! Pakilala agad bakla laban na 'to!" makakasundo ko agad 'to, sure na 'ko rito.
"Hello hehe my name is Arjay Sembrano hehe." recitation ba 'to? Ba't parang nahihiya siya? Ang laki niya men. Tangkad tas mataba medyo, pero ayos lang. Napansin ko lang bakit ba?
"Hi 'te! Jashtine Ahri Aiwa! Hi, 'te! Ganda-ganda mo!" that vibe tho.
"Alytha Mae Ferroso haha." swabe lang wearing her La Salle's varsity jacket.
"Alexander Nicholas Miendez, 17, Philippines! Hi sis!" nagulat ako nung ibeso niya ako. So close girl. Hindi ako sanay ano ba nasaan na ba si Angela.
Ngumiti muna ako tapos medyo tawa ng mga tatlo ganoon. Shy type ako gago 'di lang halata. "Hi, I'm Tatiana Ysabelle Vergara and ayung babaeng nakapila naman, best friend ko. Her name's Angela Louisse Cordova. Nice to meet you all hehe."
"Bakla kainan naaa!!!" as I remember siya si Carlo Matteo? His name is so manly tapos maririnig mo siya na ganiyan HAHAHAHAHAHA. Napapatingin ang ibang estudyante sa amin dito sa cafeteria dahil sa ingay nila.
Nag-umpisa na silang kumain kaya naman inexcuse ko ang sarili ko at pinuntahan si Angela. Ilang ako, e. Baka kung ano na lang magawa ko roon.
"Girl, ayun oh. Friends. Dininig na ni Lord panalangin ko hihi," turo ko kay Angela sa mga bagong kakilala ko na mga tao.
"Bobo mo. Kilala ko na lahat 'yan. Classmate natin lahat 'yan. Utak mo may ubo. Tumabi ka diyan!" ay weh? gago ba't wala akong alam? "Paanong wala kang alam, e kung hindi ka natutulog sa klase nagcucutting ka or aabsent!" ay ganun pala, kaya pala. 'Di ako nakailag.
Pumunta na kami sa table namin with all smiles.
"Sis penge naman ako niyan konti lang," sabi nung Alexander Nicholas referring to my fried chicken.
"Alexander Nicholas right?" I asked.
"Bakla namaaan. Nicho nalang 'te! Chaka ng Alexander Nicholas 'te." tumawa na lang ako kasi wala naman ako masasabi. E 'di Nicho kung Nicho.
"Uy 'te, abot mo naman sa 'kin 'yung ulam! Share mo naman yan, Breng!" sabi naman ni Jashtine kay Breanne. Ayos sila kasama. Light lang yung mood. Magaan kabonding ganon. Saks lang.
"Oo 'te naloka 'ko! Nung naglakad tayo mula dito hanggang bahay namin! Shogod malala!" iingay nung mga gay kaya masaya HAHAHAHAHA.
Ang dami nilang kwento kaya nakasabay naman agad kami ni Angela. They are fun to be with!
"Nice meeting you! Magkakaklase lang pala tayo hehe." bobo ko naman banda run. Hiya malala.
"Okay lang, gurl. Ikaw kasi e, tulog pa more HAHAHAHA!" Jashtine is so loud pero masaya siya kausap. Although laging may hampas at himas na kasunod ang mga sinasabi niya, lol.
Humiwalay na ako sakanila dahil Math time na. Ditong subject lang ako nahiwalay ewan ko ba. Daming alam, mga panget naman staff. Wala pang hagdan sa lib. Sayang tuition. mahal tapos ganito. Hustisya.
"Oooh HAHAHA, tangina!" 'yan lang naman ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa classroom ng subject na Math. Obviously walang teacher kaya nagwawala ang mga kaklase ko. Wow. 'Mga kaklase ko' big word. Wala nga akong kilala sa kanila. Wala rin akong nakakausap. Basta lahat wala.
"Arvie, bobo salo! HAHAHAHAHA!"
"Oooh HAHAHAHAHA paniiiis, Allen!"
Stupid dumb boys na ginagawang shooting ring ang trash bin. Crossover din, e. Napairap na lang ako. Tsh. 'Kala mo nasa gubat, e.
Dun ako tumabi sa babae na mahaba ang buhok tapos morena. Mukhang tahimik ang isang 'to dahil nagbabasa lang siya ng libro at may sinasagutan. May assignment yata kami. Ewan. Narito ako upang mangopya.
"Gagi, Rich, tapos na 'ko! Ahahahaha. Ano na chika mo bili!" ay, 'di pala siya tahimik. Bigla siyang tumayo at pumunta dun sa tinawag niyang Rich na kanina pa nagpipicture.
Ngayon ko lang naabutan na ganito ang classroom na 'to! Akala ko lahat 'di nagsasalita! Pero mas gusto ko rito kaysa run sa usual room ko. Puro matatalino tao run. Mga walang saya sa buhay ganon. Maliban syempre sa mga nakilala namin kanina. Sila nga lang kilala ko dun sa room namin hehe.
"Aray tangina!" napasigaw ako nang may tumamang bote ng c2 na malaki sa ulo ko. Lahat sila napatigil sa mga ginagawa nila nung sumigaw na ako.
And then, "HAHAHAHAHAHAHAHAHA gago ka talaga Bret!" sabi nung Allen daw sabi nung Arvie kanina if I am not mistaken. Duh. Matalas memorya ko 'no. Naalala ko nga na nagsinungaling sakin manliligaw ko nung October 28, 2019 at 10:45pm e.
"Sorry sadya! HAHAHAHAHA!" Bret is wearing a brace kaya naman kita ko ang pagtalsik ng laway niya nang tumawa siya nang malakas. Ew, gross.
Kumuha ako ng mga lukot na papel na nagkalat at binilog iyon at binato ko run sa Bret. "Epal ka masyado, e. Oh, ayan. FC." headshot.
"Luh! 'Di ko nga sinasadya HAHAHA." napakamot pa siya ng ulo niya, ah. Wow.
Sa hindi inaasahan nagrambulan kaming lahat. Batuhan ng papel. Tulakan ng upuan. Hagisan ng bag, oh tangina cellphone ko andun. Yes naman.
Nang matapos kami sa riot na ginawa namin, agad kaming naupo at nagpahangin. Si Bret nasa tapat ng aircon kaya naman binato ko siya ng notebook. "Tumabi ka diyan! Papansin ka!?" I yelled.
"Allen Drei Guzman nga pala pinakapogi rito sa loob ng room. Yieee, ah hayuuup!" at nagpogi sign pa talaga siya sa harap ko. Wow naman full force ang hangin. Ang kapal.
"Richwell Apollo Suarez mothafuckin' btch!" ay bet ko 'to savage ugali HAHAHA bagay 'to magsama sila nila Matteo tas Nicho. Solid yan. Tres Marias ganun ang peg.
"Katarina Marie Delos Santos." nagmamadali? HAHAHAHAHA.
"I'm Kassandra Cylise Wences, nice to meet you." isa pang rapper HAHAHA pero ganda ng English accent niya in all fairness, ha.
"Ano HAHAHA! Samantha Aminah Ferreira pero Sittie tawag mo sa 'kin ahahahaha!" saya niya siguro lagi. Mukha siyang muslim. Ganda ng mata niya.
"Sophie Nicole Reyeeees." siya yung nagtitiktok kanina sa bintana HAHAHA. If I am not mistaken volleyball player siya. Nakikita ko siya sa court ng school lagi, e.
"Bret Carl Aglipa pare! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Ito tangina neto napakakulit. Kanina pa 'ko iniinis nito pero masaya naman kabiruan 'to HAHAHAHA. Kadiri nga lang kasi you knooow. Yung lawaaay.
"Tsh Breeeet ahahahaha! Hi teh, ahm Ronneil De Santos ang pinakapogi de char lang si Allen 'yon ahahaha!" yung boses niya parang pipiyok na ewan.
"Dan Mikael Ruiz." parang mayabang datingan nito 'yun bang palaaway ganon. Tas papogi. Pero jeje. Ganun. SNS.
"Meljester Santilan btchhh!" 'di siya bakla pero patawa rin siya. Lt siya kanina, e. 'Pag tumawa parang kambing. Mehehehehehehehe amp.
"Jimboy Noblesta men." mukhang babaero na basketball player 'to, girl.
"Ralph Vincent, Arvie na lang or gusto mo future mo na lang yiiii!" tangina.
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Arvie kahit 'di naman nakakatawa 'yon ang korni kaya. Banat na ba 'yon?
"Pakyuuu babaerooo HAHAHA!" sabi ni Allen.
Nagpatuloy pa ang kulitan namin at getting to know each other eme hanggang sa dumating na ang teacher namin.
Well, this is not a bad day, I see.
---
Pagkatapos ng lahat ng klase ko agad akong napahiga sa floor ng rooftop. Friday naman bukas at naka civillian kami. This day is so exhausting! Nakakilala lang ako nang bagong mga tao pakiramdam ko kumilala ako ng buong baranggay. Pero ayos na rin. Bagong friends. Iwas Angela for a week, jk.
Pero in all fairness, ha. Masaya ako sa mga taong nakilala ko ngayong araw. Wala akong 'di bet sa kanila. Lahat sila may vibes. 'Di ako maboboring 'yung ganun ba? Masasaya at magagaan kasama. Pero 'yung sa Math subject talaga men. HAHAHAHA. Mga ganung tao 'yung mga makakasama ko sa inuman hanggang madaling araw ganon. Rakrakan kung rakrakan typpa people.
I closed my eyes and feel the cold breeze of air embracing me. Hapon na. Si Angela for sure umuwi na. Asa pa ko na hihintayin ako nun. Ako gusto ko pa talaga tumambay dito. Nababalik energy ko dito, e. Tahimik, maganda ang tanawin, hindi mainit at presko ang hangin.
"What are you doing here?"
Oh crap! Not today! Agad ko na namang naalala ang mga nangyari kaninang madaling araw. Hindi ako dumilat at nagtulug-tulugan. Tangina sana tumalab. Ayoko siya makausap ang panget ng mga banat niya. 'Di na 'ko natutuwa! Last last last week pa siya nako!
"I know you're not asleep Ysabelle. Don't play dumb and get up."
I groaned and lazily stood up. Oh s**t, here we go again.
"Ano na naman ba 'yon ha, Razon? Ano na naman kailangan mo? Can't you see na pagod ako? Besides, I still have a hangover. Kung makikipag bangayan ka na naman bukas na lang wala ako sa mood ngayon," sinabi ko sa kaniya na para bang tamad na tamad akong magpaliwanag. He seems a little bit off today. Hindi high and mighty ang aura niya ngayon. I wonder what's wrong. Pero syempre wala akong pake.
"About sa sinabi ko at nagawa ko kaninang madaling araw, I'm sorry. I'm drunk as f*ck and obviously not in my right state of mind at that time. Sorry for the trouble." ang seryoso niya ngayon at the same time parang may mali na ewan. Basta hindi siya mapakali.
"Ayos lang. Sanay na 'ko sa ganoong eksena. Salamat na rin pala sa paghatid."
"No problem. Just... Just..."
"Just what?"
"Just don't come to that kind of place again and don't get closer to any guy. It's not suitable for you to act like that. I do not care for you. I care for the fact that you're being an eyesore last night that's all. Bye."
What he just said ruined my day. Hindi ko alam. Dapat relieved ako kasi ganun lang pala 'yun. Wala lang naman pala. Pero tangina lang. Pinag-isip niya 'ko sa wala.
But then again, there's a part of me that wished to turn back time and feel those words that came out from his mouth while we're in that parking lot. Where he said that he cares for me. Where he said that he really does care for me.
I smiled bitterly and just wished that he didn't mean his words 5 minutes ago. Oh well.