"Umakto ka na lang na parang 'di mo siya kilala. Mas mahihirapan ka kapag 'yang galit mo ang pinairal mo sa harapan niya." Makahulugang paalala ni Oheb sa kaibigan niyang si Kaiden na hindi mapakali na nagpabalik-balik na naglalakad sa harapan nilang tatlo nina Edward. Napahinto si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ang mukha nito ay hindi maipinta at kahit anong oras ay sasabog siya sa galit pero pinipigilan niya ito dahil baka makarating sa head doctor. Matik na mapapahamak siya kapag gumawa siya ng gulo laban sa head doctor na kinamumuhian niya. "Heb, paano ako kakalma? Seriously? Papakalmahin mo lang ako after kong malaman na makakasama ko ang taong 'yon sa isang operasyon? Nahihibang ka na ba?" Hindi maitago ang inis sa boses ni Kaiden na sumagot sa kanyang kaibigan. Nagpak