WE’RE doing great. Magaling mgpanggap si Yago at ganoon din ako. Isa lang ang problema, kapag nakikita niyang may lumalapit na ibang lalaki kay Aiselle, nagiging madman ang gago at akala mo ay handa nang pumatay—that includes his brother. Kinakausap naman ako ni Azriel, minsan. May kung ano lang sa kanya sa tuwing tumitingin sa akin. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kanya. Parati kaming magkasama ni Yago. Ni hindi mo maihiwalay sa akin ang gago. Kulang na lang ay pati ako ma-convince na may relasyon talaga kami. But of course, I know better. Napadaan ako sa isang silid na sa tingin ko ay library. Hindi kami magkasama ni Yago ngayon dahil umalis siya sa tabi ko. Sa harap lang naman pati ng maraming tao kami kailangang magpanggap. “What the hell are you doi