HINDI naman nagtagal iyong babae rito. Ni hindi ko nga namalayan na kakatunganga ko ay umalis na siya. “Zari!” Agad na lumapit sa akin si Tita. Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata at ngumiti sa kanya. Niyakap ako ni Tita kaya sinuklian ko iyon. “How are you, dear?” “Okay naman po.” “I heard from Yago na nagkakamabutihan kayo? Mabuti naman kung ganoon.” Tumingin ako kay Yago. Nagkibit-balikat lang siya at ako naman ay sinakyan ko lang ang palabas niya. “Anyway, shall we eat? I am hungry.” Humiwalay sa akin si Tita Adira at dumiretso sa dining area kasama ang kanyang asawa. Lumapit agad sa akin si Yago at iginaya ako sa hapag-kainan. Sumilip ako sa kinaroroonan ni Azriel naabutan ko siyang nakatingin sa kanyang cellphone. Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya. Naglalakad kami ni Yago