ILANG araw na rin ako sa bahay ng mga Benavidez. Payapa pa naman ako…sa ngayon. Hindi kami masyadong nagkikita ni Azriel dahil parati siyang wala sa bahay at kapag naandito siya, it’s either kadikit ako ni Yago o hindi kaya ay nasa kuwarto ako at nagkukulong—more like nagtatago sa kanya. Ang kuwarto ko at si Yago ang tila naging depensa ko laban kay Azriel. Simula talaga nang pagbantaan niya ako, hindi na ako naging komportable sa kanya. May nagtutulak sa akin na lumayo habang maaga pa.
Naabutan ko si Yago na paalis kaya mabilis akong bumaba ng hagdanan upang habulin siya.
“Yago,” pagtawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako na para bang ayaw niya man pero wala na rin siyang magawa. “Saan ka papunta?”
“Manila. May aasikasuhin lang ako. Uuwi rin ako mamaya.”
“Work?”
Tumango na lamang sa akin si Yago.
Napanguso ako. Paano ko siya kikilalanin kung aalis naman siya? Baka matapos na lamang ang pagpapanggap kong ito ay hindi ko pa nakikilalang lubos si Yago.
“Uhm…pwede bang sumama na lang?”
Naisip ko rin na ayokong manatili sa bahay na ito lalo na’t naandito ang bunsong kapatid niya. Liliit ang bahay na ito para sa amin.
Tumaas ang isang kilay ni Yago. “No.”
Magsasalita pa sana ako para lang isama niya ako nang may presensya agad akong naramdaman. Hindi pa man siya nakakalapit sa amin, nagtayuan na ang balahibo ko sa batok.
Ganito ako ka-aware ngayon sa presensya niya. Na para bang sinasabi ng aking katawan na may kapahamakang papalapit sa akin and I have to go.
“Pupunta ka ng headquarters, Kuya?” Ang mapaglarong boses ni Azriel ang aking narinig. “Ipadadala ko na ito kung ganoon. Para hindi na ako umalis dito. Zeke needs them.”
Hindi nagsalita si Yago. Nakita ko na lang na kinuha niya ang isang folder mula sa kapatid niya. Nagpaalam na siya sa amin at tuluyang umalis.
“Take care, Azriel. Also, ikaw na rin muna ang bahala kay Zarina.”
Nang mawala sa paningin ko si Yago. Humakbang ako papalayo kay Azriel at mabilis na naglakad. Wala na akong pakealam kung mapansin niya na para bang umiiwas ako sa kanya. Ipapamukha ko talaga sa kanya iyon.
Ngunit bago pa man ako makalayo sa kanya, may isang kamay na ang humawak sa braso ko. May kung anong kuryente ang naramdaman ko mula sa kamay niyang nakahawak sa akin papunta sa buong katawan ko.
Napatingin ako kay Azriel at katulad ng parati niyang ginagawa, nginitian niya ako.
I want to scrap that smile; it’s giving me the creeps!
“W-What?” Hindi mapigilan ng aking boses ang manginig dahil kay Azriel.
“I just want to apologize about the other day. I didn’t mean any of that.” Bumagsak ang aking balikat sa sinabi niya. Ang pagiging tensyonado ng aking katawan ay dahan-dahang nawala. “You’re Tito Sage’s daughter, I shouldn’t have suspected you about something.”
Miraculously, gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. Though, nakakatakot pa rin siya para sa akin. “Wala iyon. Sorry rin kung hindi naging maganda ang pakikisama ko sa ‘yo. You’re scaring me.”
Tumaas ang kanyang kilay sa sinabi ko. “Scaring you? In what way? I meant no harm. Ikaw ang unang taong nagsabi sa akin na natatakot ko sila.” He chuckled.
That is because, ako ata ang unang taong pinakitaan niya ng ganoong side niya.
Hindi ko na mabasa kung totoo bang natutuwa siya o isa ito sa pagpapanggap niya. He became unreadable. Noong mga nakaraang araw, masyado niyang ipinapakita sa akin ang kagustuhang malaman kung anong sekreto ko, na alam ko sa sarili ko na mapanganib ang lapitan si Azriel, pero ngayon…hindi ko na magawang mabasa ang ekspresyon niya.
Umiling ako. “Hindi lang talaga ako marunong makisalamuha.”
“Right. We can do something about that. After all, you’ll be part of our family, soon.”
Napalagok ako. Be part of their family? Yeah, right. Si Zarina iyon at hindi ako.
“I hope we can get along. If you need anything, you can call me anytime, Zari.”
Nangilabot ako nang tawagin niya ako sa palayaw ko. I mean, iyon na naman ang tawag ng lahat sa akin dito, iniisip nila na Zari ang palayaw ni Zarina. Pero ngayong si Azriel ang tumawag sa akin nito, pakiramdam ko ako talaga ang tinawag niya at hindi ang kakambal ko.
I internally shake my head. Masyado na akong nag-iisip.
Nginitian ko na lang si Azriel. Umalis na siya at pumunta sa pangalawang palapag ng mansyon. Nakahinga ako nang maluwag. I will not put my guards down, especially that he becomes unreadable, pero at least he’s not after my head, I guess.
Tumawag si Yago sa gabi na hindi na siya makakauwi at baka bukas na ng umaga. Not sure if he’s really busy o baka…ayaw niya lang akong makasama.
Mag-isa akong kumain ng hapunan kanina dahil sabi nina Manang ay abala rin daw si Azriel sa study room nito at kapag ganoon ay bawal itong istorbohin.
“Manang, ano po bang businesses ang hina-handle nina Yago at Azriel?” Alam ko na maraming businesses ang pamilya nila. Marami ring tagapagmana kaya iniisip ko kung anong handle ng magkapatid.
“Si Yago, hawak niya ata ay iyong mga chains of restaurants and hotels nila. Siya rin ang namamahala ng mga resorts sa iba’t ibang lugar. Basta nakalinya roon ang kanyang hina-handle na negosyo ng pamilya. Si Azriel naman, security companies nila, logistics, and shipping lines.” Nakangiti sa akin si Manang, siguro ay natutuwa na nagkakaroon na ako ng interes sa pamilyang ito.
Nitong nakaraan kasi talaga ay hindi ako nagtatanong sa kanila tungkol sa mga Benavidez. Siguro ay nawala ang pagkailang ko sa pamilya dahil sa pakikipag-ayos ni Azriel sa akin kanina.
“Ano pong natapos ng magkakapatid?” tanong ko pa ulit habang kumakain.
“Si Yago ay business course ang alam ko at may doctorate iyan. Si Alciana naman business course rin siya rati pero alam ko ay biglang nagbago ang isip at nagpalit ng course na architecture. Si Azriel…nakalimutan ko ang pangalan ng kurso niya kasi ang haba!” Tumawa si Manang kaya tipid akong ngumiti. “Pero ang alam ko ay naval architect si Azriel o engineer nga ba? Basta!” Tumawa ulit si Manang dahil tila proud na proud siya sa mga achievements ng kanyang mga alaga.
Napangiti na lang din ako. Buti pa sila at nagagawa nila ang gusto nila. Samantalang ako, walang kalayaan kahit sa pagpili ng kursong gusto ko. I want something related to fashion, pero ayaw ni Mama dahil wala raw akong mararating lalo na at hindi roon ang industry ng negosyo namin. Kaya ayan at hindi ako makatagal sa kursong pinipilit kong kunin at stuck sa kolehiyo dahil laging nagda-drop.
Ang kursong kinukuha ko ngayon which is related pa rin sa business management ay pinagtitiisan ko na lang. Iniisip ko na matapos ko lang ito, baka balang araw ay magawa ko rin ang gusto ko at makamit ang pangarap ko.
Matapos kong kumain ay pumasok na ako sa kuwarto. Ilang sandali pa akong nagmumuni-muni bago ko maisipang maglinis ng katawan at magbihis pantulog.
Madalas ay nahihirapan akong matulog, pero siguro medyo pagod ang utak ko ngayon kaya nakatulog agad ako at pinagsisisihan kong hinayaan kong lamunin ako ng antok.
Madilim ang kapaligiran, umuulan, at madulas ang kalsada. Naalala ko na naglayas ako sa bahay namin dahil hindi ako ibinili ng gusto ko. I want to punish my parents at para makonsensya sila sa ginawa nila. What Zariah wants; Zariah gets!
Ilang oras din siguro akong hindi umuwi at nagtigil lamang sa isang park na parati kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa, hindi pinapansin kung nababasa na ba ako ng ulan.
“Maybe it’s time to go home.”
Pinalaki ako ng aking mga magulang na nakukuha ko ang gusto ko. Ganoon din naman ang kakambal ko pero mas umaakto siya mabuting anak at lumalabas na ako ang spoiled brat, kahit ang totoo ay mas malala naman talaga siya sa akin. Ganoon man, malapit naman kami ni Zarina sa isa’t isa.
Habang naglalakad pauwi, I heard screeching sound. Nilingon ko ito at nanlaki ang aking mga mata nang masilaw ako sa headlights ng isang sasakyan. Akala ko ay mabubunggo ako ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, ibang scenario ang aking nakita. Sa hindi kalayuan ay ang pamilyar na kotse ng aking ama. Wasak ang unahan nito dahil sa pagkakabunggo sa malaking puno.
With a heavy chest, mabilis akong naglakad papunta roon and what I saw horrified me. My father’s eyes were open but lifeless. Blood all over his face habang ang ulo niya ay nakapatong lamang sa manibela. The lower part of his body is crushed.
“Papa—”
Bago ko pa matawag si Papa ay dahan-dahan nang nagiging pula ang kapaligiran ko. Nilalamon ng dugo ang buong paligid ko and the next thing I know, I was drowning in blood.
I screamed for help but there was no one. The only thing I can see is the lifeless eyes of my father looking at me—watching me as I drowned in the blood.
My chest tightened and I tried to grip onto something, but I was helpless. I tried to fight until my own strength leave my body and I was submitted to the darkness.
I woke up panting. Rivulets of sweat on my temple. My t-shirt is sticking at my back. Basang-basa ako ng pawis. It’s that nightmare again. Hindi ko nasaksihan ang nangyaring aksidente kay Papa noon dahil umuwi ako sa bahay na nabalitaang patay na ang papa ko. Pero paulit-ulit akong dinadalaw ng panaginip na iyon, na akala mo nasa mismong pinangyarihan ako ng aksidente.
Sa loob ng ilang taon simula nang mamatay si Papa, ayokong ipinipikit ang aking mga mata dahil natatakot ako na dalawin ako ng bangungot na ito at sa unang pagkakataon simula nang tumapak ako sa bahay na ito, napaginipan ko na naman iyon.
Nanginginig ang aking kamay kaya pinagsalikop ko ito at ipinikit ang aking mga mata. I stood up in wobbly feet at naglakad papalabas ng kuwarto.
Mahina ang bawat yapak ng paa ko. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at maikalma ko ang aking sarili. Sa tingin ko rin naman, hindi na ako makakabalik pa sa pagkakatulog. Kapag ganoon ang panaginip ko, hindi na ako natutulog ulit dahil natatakot akong magtuloy ang ganoong panaginip. Kaya mas pinipili kong hindi na matulog at abalahin na lang ang sarili sa ibang bagay.
Habang nasa kusina ako at nakatulala sa kadiliman ay nakarinig ako ng ingay sa may pool side. Curiosity killed the cat. Kung minsan ay minumura ko ang mga bida sa mga horror film dahil sinisilip pa nila ang mga lugar kung saan may naririnig silang ingay imbis na umalis na lang, well, minsan pala talaga hindi mo mapigilan.
Sumilip ako sa pool side, hindi nga ako nagkamaling isiping may tao roon.
His back is facing me and he’s sitting at the edge of the pool. Naka-t-shirt lang siya at shorts. May bote ng whiskey sa gilid niya at baso ng alak sa kanyang kamay.
Si Azriel.
Ilang segundo ko pa siguro siyang tinitigan bago ko maisipang umalis nang bigla siyang magsalita na ikinatigil ko.
“Can’t sleep, Lisichka?” That nickname again! I thought he’s going to drop it off after apologizing to me, mukhang hindi pa rin pala.
Huminga ako nang malalim bago maglakad papalapit sa kanya. “Yeah. Ikaw rin?”
“I don’t sleep…most of the time.” Nilingon niya ako at sinalubong ako ng usual smile niya. “Come, join me.”
I shouldn’t join him. Ang dapat kong gawin ay maglakad pabalik sa kuwarto ko at libangin ang sarili para hindi na makatulog pa. But instead of doing the best option, I did the opposite.
Naupo ako sa tabi ni Azriel. May distansya pa rin naman sa aming dalawa para hindi ako makapasok sa personal space niya. Inilublob ko ang aking paa sa pool at agad akong nilamig.
“Drink?”
Napatingin ako sa hawak niyang baso na inaalok sa akin. At first, I was tempted, then I realized, hindi ako dapat uminom or I will seek refuge in drinking liquors whenever I want to escape my nightmares.
“No, thank you.” Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Just a glass won’t hurt you. Besides, it will help you to calm down. You’re trembling.”
Kung hindi pa pupunahin ni Azriel ang panginginig ng kamay ko ay hindi ko pa ulit mapapansin na hindi pa nga humuhupa ang panginginig ko. I fist my hand and hide it from him.
“Come on, one glass won’t kill you.”
Kinagat ko ang aking labi, still contemplating whether to trust him or not. Sa huli, nagpatalo ko sa lahat ng rason sa utak ko. Tinanggap ko ang baso and I chug the liquid in one go. My face grimace but as soon as I see Azriel’s smiling face, nawala rin ang pagkasimangot ng mukha ko dahil sa alak.
Gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa alak or I hate to admit it that Azriel is actually helping me to get through with the aftermath of my nightmare.
“See?” Lalong lumawak ang ngiti niya nang mapansin na nakatulong nga siya—ang alak sa pagpapakalma sa akin. Huminga ako nang maluwag.
Tahimik lang kaming dalawa. Normally, I love the quietness, it means peace. Pero ngayon, lalo lamang akong binabagabag nang kung ano-ano dahil sa katahimikan kaya nag-isip ako nang mapag-uusapan namin ni Azriel.
“Bakit hindi ka natutulog?” Hindi na ako nag-e-expect na sasagutin niya iyon. Maybe it’s a little too personal. Gusto ko lang maputol ang katahimikan naming dalawa.
“Insomnia,” tipid niyang sagot. “Ever since I was a kid, I have bad relationship with sleep. How about you? Bakit gising ka pa?”
Mabilis niyang iniba ang pag-uusap kaya naisip ko na baka ayaw niya itong pag-usapan.
“Nightmares,” sagot ko sa kanya at tumingin sa pool. May iilang ilaw naman dito kaya hindi ganoong madilim ang kapaligiran namin.
Bigla siyang natigilan. Ang kanyang ngiti ay dahan-dahang nawala.
“About what?”
“About my father’s death. It’s on loop. Laging ganoon ang napapaginipan ko. Makikita ko siyang duguan sa loob ng sasakyan niya at para akong nalulunod sa dugo.” Huminga ako nang malalim. Kapag ganito ang usapan, nawawala ako sa sarili ko.
“Nakita mo bang namatay si Tito Sage? I mean, did you witness how he died? I heard it was a car crash.”
Umiling ako. Pero isa ako sa dahilan bakit nangyari iyon. I hold myself back, not wanting to disclose such information.
“Hindi ko nasaksihan pero siguro dala-dala ko na ito dahil maaga kaming nawalan ng ama.”
Lumagok siyang muli sa baso niya. “Do you want me to hug you?”
“Huh?” Awtomatikong lumingon sa kanya ang ulo ko.
“What? Hug is the best way to comfort someone—in my belief, at least.” Ngumiti na naman siya na siyang nagpakabog ng puso ko. Ibang-iba ang ngiti niya kumpara noong mga nauna. His smile is so beautiful, nakalimutan kong nitong nakaraang araw ay gusto ko iyang tapiyasin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. My face flared up. Ramdam na ramdam ko ang panginginit ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.
“I’ll be your brother’s fiancée, don’t flirt with me.” I tried so hard to sound irritated to camouflage my bursting feelings. Holy cow, why am I feeling this towards Azriel? Sinabi niya lang naman na gusto niya akong yakapin para gumaan ang nararamdaman ko. Hindi niya namang sinabi na pakakasalan niya ako—hold up, don’t even go there.
“You may be my brother’s fiancée, but he’ll never marry you.”
Ouch. Wala man akong ganoong nararamdaman para kay Yago at dapat ay hindi ako naaapektuhan dahil para naman kay Zarina ang mga salitang iyon, subalit na-offend ako.
“You can’t take away someone’s heart when it’s already possessed by someone else.”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “What do you mean?”
Nilingon ako ni Azriel. His eyes are droopy, maybe because of the alcohol.
“Hindi mo makukuha ang pagmamahal ng isang tao kung ibinigay na niya ito sa ibang tao. Wala man ang babaeng tinutukoy ko rito, you can never replace her in my brother’s life. So, a piece of advice. Don’t fall in love with him. Sa huli, ikaw lang din ang masasaktan.”
Nanahimik na lang ako. Parang gusto kong sabihan si Zarina na huwag nang ituloy ang pagpapakasal. Paano kung maging abusive si Yago dahil ayaw niyang ipakasal siya sa kapatid ko pero ipinilit ng mga magulang namin. May hinanakit man ako sa kapatid ko, ayoko pa rin siyang mapasama.
“Don’t worry.” He put two fingers at my chin and lift it so we can see face to face. “If you fall for my brother and he doesn’t catch you, I’ll be there for you, Lisichka.”
Sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi, my heart pounded so hard in its confinement while looking at Azriel and his sweet smile.
Damn it. My heart shouldn’t be beating abnormally to someone who was threatening me not a week ago!