RAMDAM na ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan dahil sa sinabi ni Azriel sa akin. Why would he say that? My lips parted but I can’t utter a word. I looked at him, incredulously, like he grew two heads on him. Ngumisi lang si Azriel sa naging reaksyon ko. Tumingin muli siya sa pool at ininuman ang kanyang baso ng alak. “Don’t look at me like that, Zari. I am just being a gentleman here.” When I was out of my stupor, agad akong nag-isip ng ibang pag-uusapan. Kailangan kong malihis ang atensyon ko sa mga salita niya kanina. “Gentleman? Parang hindi ka naman ganyan noong unang beses tayong magkausap.” He even said to my face that I am a liar. Humalakhak si Azriel sa sinabi ko. Natulala ako sa narinig kong paghalakhak. “It’s just me, testing new people in our life. Gusto ko lang m