KABANATA 2

1891 Words
NASA harap na ako ng bahay ng mga Benavidez. Ngayon ang simula ng araw ng pagpapanggap ko. Ang sabi ni Zarina, rito raw ako mananatili hanggang sa gumaling siya at kapag umayos na ang kalagayan niya, magpapalit kami. Kailangan ko siyang i-update sa mga kaganapan para alam niya kung ano na bang nangyayari rito. Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam bakit ko ba siya sinusunod. Kung tutuusin, hindi ko naman kasalanan na nahulog siya mula sa pangalawang palapag ng mall. Kung hindi lang dahil alam kong kapag nag-imbento siya ng kuwento ay siya ang paniniwalaan ni Mama, baka hindi ko ito gawin. Huminga ako nang malalim. Hayaan mo na, Zari. Wala ka rin naman gagawin ngayong bakasyon mo. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito bilang mabuting kapatid kahit hindi mabuti ang kapatid mo. Napairap ako sa hangin at naglakad na papunta sa pinto ng malaking bahay. Sinalubong ako ng mga kasamabahay nang makita nila ako. May matandang babae na nag-utos sa kanila na kunin ang mga gamit ko. Nginitian ako ng matanda bago ito nagpakilala sa akin. “Magandang umaga, Ma’am Zarina,” bati niya sa akin. Muntikan pa akong mapangiwi nang tawagin niya ako sa pangalan ng kakambal ko. Muntikan ko na siyang itama at sabihing Zariah ang pangalan ko. Mabuti na lang naalala ko kung bakit ba ako naririto. “Ako po si Malou, ang mayordoma ng mansyong ito. Ikinalulugod po namin ang inyong pagpunta.” Tipid lamang akong ngumiti sa kanya. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay na siyang agad kong inobserbahan. Maganda ang labas ng mansyon ngunit mas nakakamangha ang loob ng bahay. Malawak at malinis ito. Ang mga muwebles ay kung hindi antique halatang in-import pa mula sa iba’t ibang bansa. Sa gitna ng engrandeng hagdanan ay family picture ng mga Benavidez na nakatira rito. Ang tatlong anak nina Tita Adira ay mga bata pa sa larawan. They all look intimidating aside from Tita Adira at ang babaeng anak na sila lang ang nakangiti sa litrato. “Ma’am Adira, naandito na po si Miss Zarina.” Para akong napapatalon sa gulat sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Zarina. Hindi ako sanay na iyon ang itinatawag sa akin dahil hindi naman ako si Rina! Nakakita ako ng isang magandang babae. Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakita pero alam ko na malapit na kaibigan siya ng aking yumaong ama. Matamis niya akong nginitian at nilapitan. “Hello, Zarina.” Niyakap ako ni Tita Adira nang makalapit siya. Hindi ko naibalik ang yakap dahil sa bilis ng mga pangyayari. “Kumusta? Ang tagal na simula nang huli ko kayong makita. Mga bata pa lang kayo. How’s your mother?” “Okay naman po si Mama. Nasa Russia po siya ngayon dahil may inaasikaso kaya ako lang po ang nakapunta ngayon.” Tumango si Tita Adira sa akin. “And your sister?” Nanuyo ang lalamunan ko. Mabilis akong nag-isip ng aking isasagot sa kanya. Mabuti na lang, sanay akong magsinungaling. “Nasa bakasyon din po kasama ang mga kaibigan niya.” Mabait si Tita Adira. Alam ko naman iyon dahil tandang-tanda ko pa kung paano siya purihin ni Papa noong nabubuhay pa siya. Alam na alam ko ang naging kwento kung paano sila nagkakilala noon. “Are you hungry? Nakahanda na naman ang mga pagkain ngunit hinihintay ko pa ang asawa ko at ang mga anak ko. You’ll meet Yago soon.” Yago Benavidez. Iyan ang pangalan ng ipapakasal kay Zarina at ang lalaking dapat kong pakisamahan at kilalanin. Alam ko na hindi mahilig ang mga Benavidez sa mga arranged marriage kaya nakakapagtaka na open sila ngayon sa paksang ito. Nag-iba ata ang ihip ng hangin. “Hindi pa naman po.” “Kumusta ang byahe, Zarina? Hindi ka ba napagod?” “Zari na lang po, Tita.” Mas gugustuhin kong tawagin nila ako sa palayaw ko kaysa parati kong naririnig ang pangalan ng kapatid ko. “Okay naman po ang naging byahe ko.” Ilang sandali pa kaming magkausap ni Tita. Kasama ko siyang naglilibot sa bahay nang tawagin siya ni Manang Malou kaya nagpaalam ito sandali sa akin. Ang ending, ako na lang mag-isa ang naglibot dito sa kanilang bakuran. Malawak ang kalupain nila rito sa bahay nila sa Laguna. Maganda rin ang tanawin at presko ang hangin. Ibang-iba ito sa syudad ng Maynila. Nakaka-relax lalo na sa tuwing humahampas ang preskong hangin ng probinsya sa aking balat. Napatigil ako nang may makita akong mga lalaking tila abala sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Tingin ko ay may ginagawa sila sa isang bahagi ng bakuran at hindi ko iyon maintindihan kung ano. Basta nakikita ko lamang na maraming kagamitan doon. “Tapos na ako. Kayo na ang bahala sa iba.” Namilog ang aking mga mata nang isang lalaki ang naglakad papalapit sa akin habang walang suot na pang-itaas. Napalagok ako. Hindi na ito bago sa akin dahil madalas sa gymnasium ng aming school ay may mga basketball players na naghuhubad na roon upang makapagpalit bago pumunta sa kanilang locker room. Ngunit iba kasi ang nakikita ko ngayon. Kumpara sa katawan ng mga college boys na nakita ko na, mas madepina ang katawan ng lalaki. Halatang batak sa iba’t ibang gawain. His full-sleeve tattoo on his right arm is noticeable at umaabot ang tattoo niya hanggang kanang bahagi ng kanyang dibdib. May maliliit na butil din ng pawis ang kanyang katawan at nangingintab ito dahil siguro sa ginagawang trabaho kanina. Trabahador ba siya ng mga Benavidez? Bukod pa sa magandang katawan ay hindi ko rin maipagkakaila na gwapo siya. Iyong tipo ng kagwapuhan na hindi basta gwapo lang. Maghahanap ka talaga ng sasaktong salita para ma-describe siya. And unfortunately for me, I can’t think of anything other than god-like. Tumigil siya sa may gilid ko. Ang namamasa niyang buhok ay hinagod niya gamit ang daliri na agad naman sumunod sa gusto niyang ayos. Napalagok ako at nanatili ang titig sa lalaki. Napansin niya siguro ako kaya napatingin siya sa akin. Noong una ay walang ekspresyon ang kanyang mga matang tumingin sa akin ngunit kalaunan ay ngumisi rin. Kumunot ang noo ko, lalo na nang mapansing pinagmamasdan niya na ngayon ang katawan ko. I am wearing a decent dress naman pero pakiramdam ko ay nakahubad ako sa harapan niya dahil sa pamamaraan niya ng paninitig sa akin. Umatras ako dahil pakiramdam ko ay minamanyakan niya ako, nang bigla niya akong hablutin papalapit sa kanya. “Watch out!” May narinig akong ingay ng mga bumagsak na bagay kaya napatingin ako room. Hindi nga ako nagkamali dahil may iilang gamit na bumagsak dahil siguro nabitwan. “Sorry po, Miss.” Nakita ko ang salarin sa mga bumagsak na gamit. Mabilis nila iyong kinuha at dinala sa bakurang inaayos nila. Nakahinga ako nang maluwag subalit napagtanto na nakadikit ang katawan ko sa lalaki. Kahit pa ganoon, naamoy ko ang bango niya. “You, okay?” He tilted his head. Namula ang aking pisngi nang mapagtanto na sobrang lapit pala naming dalawa. Itinulak ko siya dahil sa kahihiyan at wala sa sariling sinabi ang mga salitang, “You’re sweaty.” Hindi maalis sa isip ko na ang bango niya pa rin kahit pawisan. Is that possible? Na mismong pawis niya ata mabango. Nagulat siya sa remark ko sa kanya pero sa huli, natawa rin. Inirapan ko siya, itinatago ang kahihiyang nararamdaman ko. “Azi!” Pareho kaming napatingin sa tumawag sa kanya at nakita namin si Manang Malou. Siguro ay hinahanap niya ito at may ipapagawa since nagtatrabaho rin ang lalaki sa mga Benavidez, hindi ba? Azi ang name niya? “Jusko kang bata ka! Naandito ka lang pala. Kanina ka pa hinihintay ng mommy mo! Akala namin wala ka pa. Nakita lang namin ang sasakyan mo na nakaparada sa labas.” Pabirong pinapalo ni Manang ang lalaki. Tinatawanan lang naman siya nito. “Sorry, Manang. Napansin ko na hindi pa rin pala natatapos ang pag-aayos doon sa garden kaya naisip ko na magpapawis muna. Hinahanap na ako? Naandiyan na sina Kuya?” Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Sandali, mommy? Kuya? Ibig bang sabihin ang lalaking ito ay… “Ay! Miss Zarina, naandito ka rin pala. Pumasok na po tayo sa loob at malapit na pong dumating sina Yago.” Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin si Manang dahil nakatitig pa rin ako sa lalaking ngayon ay nagsusuot ng t-shirt niya. Nilingon niya ako matapos marinig ang sinabi ni Manang. “Zarina? Oh, so you are Zarina Hidalgo?” Lalong lumawak ang ngisi niya. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan akong mabuti. “My brother’s soon to be fiancée, eh? Nice meeting you.” “Nako, Azriel! Pumasok ka na nga muna sa loob ng bahay at maligo! Huwag kang humarap sa magandang dalaga na ganyan ang ayos mo! Amoy pawis ka!” suway ni Manang sa kanya at hinila papalayo ang lalaki sa akin. “Manang, mabango pa rin ako.” Panay ang biruan nila hanggang makapasok sila sa loob ng bahay. Hindi ko pa makakalimutan na muling tumingin sa akin ang lalaki bago sila pumasok sa loob. Ngumisi siyang muli bago tuluyang maglaho. Pumasok na rin naman ako sa loob ng bahay, lalo na nang tawagin na ako ni Tita Adira. Ipinakilala niya ako sa kanyang asawa na si Tito Hati. Nakilala ko rin ang babaeng anak niya na si Alciana, at higit sa lahat, ang gustong ipakasal kay Zarina na si Yago. Yago is intimidating. Hindi niya naman ako binastos kanina pero ramdam ko na ayaw niya akong makita at makilala. Nakaupo na kami sa dining area nang magsalita si Tito Hati. “Where’s Azriel—” “I am here.” May isa pang lalaki ang pumasok sa dining area. Naupo siya sa tapat ko kaya kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Tumingin siya sa akin at mula sa pagkakaseryoso ng mukha ay isang mapaglarong ekspresyon na naman ang ipinakita niya sa akin. Mas pinili kong mag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman para sa kanya. Hindi ko rin masabi kung sinong mas gusto kong makasalamuha sa kanilang dalawa ng kuya niya. Kung si Yago ba na panay ang pagbibigay ng cold treatment sa akin o itong si Azriel na hindi mo malaman kung bakit ako nginingisian? Nang maging abala siya sa pagkain, doon ako nagkaroon ng pagkakataong titigan si Azriel. I can’t read him, and I am not even sure if we can get along. May nagsasabi sa akin na delikado ang lalaking ito. This man has a playful personality yet is mysterious. He looks innocent but dangerous. Azriel Benavidez is the definition of an angel with a pair of black wings. Hindi mo masabi if he’s a friend or a foe, kung mabuti ba siyang tao o hindi. Because I can feel it in every fiber of my body, that behind his friendly image is a vicious man oozing with the deadliest venom. Inilingan ko ang sarili. I shouldn’t be associated with him. Hindi naman siya ang dapat kong pakisamahan kung hindi ang kuya niya. Sumulyap muli ako kay Azriel at nagtama ang paningin naming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking labi papunta na naman sa katawan ko, he then, licked his lips using his tongue. May kung anong init akong naramdaman sa ginawa niya at hindi ko iyon maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD