KABANATA 3

1958 Words
HINDI ako naging komportable sa pagkain ko dahil alam ko at ramdam na ramdam ko na may nanunuod sa bawat kilos ko. Ang nakakagulat pa ay hindi ang ipinakilalang fiancé ko ang mukhang may interes sa akin kung hindi ang nakababatang kapatid nito. He’s shamelessly watching me like a hawk who found its prey. Tipid akong ngumingiti kapag tumitingin sina Tita Adira sa akin at Tito Hati. Nagsasalita kapag may itinatanong naman sila sa akin. Napunta kay Yago ang aking atensyon, iniisip na simula kanina nang magtabi kami ng upuan dito sa hapag-kainan ay hindi niya pa ako pinansin. Hindi siya tumingin sa direksyon ko, which gives me the impression that maybe he doesn’t like this arrangement? Pero kung ganoon, bakit siya pumayag—o baka sapilitan ang lahat? “Azriel, how’s the shipping lines?” Hindi ko gustong tumingin sa kanya pero isa siguro sa pagkakamali ko na nilingon ko pa ang direksyon niya. Naabutan kong nakatingin sa akin si Azriel Benavidez at ngumisi nang magtama ang paningin namin. I hate his smiles, halatang peke. Kabilang siya sa mga taong mahilig ngumiti pero may hindi na pala magandang binabalak. I am not judging him, I am just saying base sa tingin ko sa kanya. So, you’re judging him nga? Shut up, mind. Hindi ko kailangan ng boses ng konsensya ngayon. “Great, Dad.” Kahit kausap niya na ang ama, sa akin pa rin siya nakatingin. Gusto kong labanan ang pakikipagtitigan sa kanya pero para akong sinusunog habang tumatagal kaya ako na ang unang umiwas. Matapos ang mga kaganapan sa hapag-kainan. Kinailangan ni Tita Adira na umalis kasama ang kanyang asawa. Babalik din naman daw sila mamaya. Mananatili raw rito si Yago at…err, ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki na si Azriel. I don’t know how to strike a conversation with Yago. Natatakot ako na kapag nagsalita ako ay hindi niya ako pansinin o baka magalit siya. Hindi naman sa duwag pero mayroon kasing nakakatakot na ere itong si Yago, and I don’t want to deal with that. “I guess, you already know your room?” Nabigla ako nang magsalita si Yago. Nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa malayo at hindi pa rin tumitingin sa direksyon ko. Tumango ako kahit hindi ko sigurado kung makikita niya ba iyon. “Then, you don’t need me to show it to you.” Natigilan ako nang iwanan niya ang tabi ko at maglakad na papasok ng bahay. Nasa labas kasi kami ng bahay upang ihatid ang kanyang mga magulang kanina. Sinusundan ko lang siya ng tingin, bahagyang na-offend sa sinabi niya. “Azi, I am in the study room if you need anything.” Napansin ko ang pamilyar na pigura ni Azriel habang patagilid na nakahilig sa hamba ng pintuan. Tumango lamang si Azriel sa sinabi ng kapatid niya, ang buong atensyon niya ay nakatuon pa rin sa akin. Si Yago naman ay umalis na at tuluyang nawala sa aking paningin. Wow, what a great start in this house! I must deal with the cold and rude fiancé of my sister while having to also socialize with this Azriel guy na hindi ko maintindihan bakit kanina pa ako pinagmamasdan. Huminga ako nang malalim at naglakad na papasok ng bahay. Kinakabahan pa ako habang naglalakad papasok ng bahay dahil iniisip ko na may gagawin si Azriel sa akin pero wala naman. Naglakad na ako sa pangalawang palapag ng mansyon at nagtungo sa kuwartong itinuro ng kasambahay sa akin kanina. Nasa pasilyo ako ng pangalawang palapag nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin. Noong una ay hinahayaan ko lang, pero kalaunan ay hindi ko na napigilan at nilingon siya. “Why are you following me?” Gustong-gusto kong magtaray pero naalala ko na hindi ganito ang kapatid ko kapag may kaharap na ibang tao. Nagiging maldita lang naman siya kapag kami na lamang ang kasama niya. Sa harap ng ibang tao, isa siyang anghel na ipinadala mula sa langit—more like, itinulak dahil hindi siya pwede sa langit. Tumaas ang isang kilay ni Azriel, and then he smirked! That smirked na makalaglag ng panga pero hindi ako papadala. I can feel it, hindi magandang senyales ang pangiti-ngiti niya. Ang ngiti niya ay hindi iyong harmless tingnan, iyong magaan sa pakiramdam. Kapag ngumingiti si Azriel, kinikilabutan ako kahit mukha namang ang friendly niyang tao. “I am not,” tipid niyang saad. His tone was playful, yet it gave me a shiver. “Kung hindi mo ako sinusundan, ano iyang ginagawa mo? Kung saan ako pumunta, roon ka rin pumupunta.” I don’t want to be sarcastic because I have an image to maintain, but it came out naturally. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o talagang for a second, nakita ko na nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mga mata? Iyong tipong kahit may ngiti sa labi niya, ibang-iba ang emosyon ng kanyang mata. “My room is beside yours. Kaya natural lang na kung saan ka pumunta, roon din ang direksyon ko. I am going to my room.” Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya hanggang sa marehistro ko ang mga sinabi ni Azriel. Napalagok ako at naramdaman ko ang panginginit ng pisngi ko sa pagkapahiya. Ano ba naman iyan, Zariah?! Naglakad si Azriel. Akala ko noong una, lalagpasan niya na ako. But to my surprise, he stops when he’s in front of me. “Hmm, I thought Zarina Hidalgo was prim, proper, and all that,” panimula niya na ikinagulat ko. “You were acting like a dignified woman in front of my parents, but you actually have a smart mouth, right? I wonder who is the real you?” Sa isip-isip ko ay napapamura na ako. Bakit ba kasi pinapatulan ko si Azriel? Because he’s infuriating! Kahit wala siyang ginagawa at nakatingin lang sa akin, naiinis ako sa kanya! He crouched towards me; I slightly avoid him. “Aren’t you a tricky one, hmm? Kapag kaharap mo ang ibang tao, you act all prim and s**t, and when they’re gone, you’re snobbish.” “I’m not—” “I’m going to figure out who’s the one behind your mask, Lisichka.” Nanlaki ang aking mga mata nang bigyan niya ako ng nickname! I can understand Russian since my father had a Russian blood kaya…why is he calling me that? “Stop!” suway ko sa kanya. “Stop calling me that.” I manage to sound decent and casual. Kung maibabalik lang ang oras, parang mas magandang ideya iyong hindi ko na lamang pinansin ang Azriel na ito. Ngayon, ayaw niya akong tantanan! “What?” he said playfully, but his eyes are dark. Sinister even. “Lisichka. Huwag kang basta-basta magbibigay ng nicknames sa ibang tao.” Nakayuko ako dahil hindi ko na ata kayang makipagtitigan pa sa mga mata niyang nagpapatindig ng aking balahibo sa katawan. “I will call you whatever nicknames I have for you.” Napatalon ako nang hawakan niya ang dulo ng buhok ko. He twirls the strands of my hair using his forefinger. “And that certain nickname suits you the best.” Tinabig ko ang kanyang kamay at umatras. Mataman ko siyang tiningnan, trying my best to intimidate him ngunit kabaliktaran ata ang epekto sa kanya. “I am not your little fox—” “Oh, yes, you are, Lisichka. Your personality is like a fox. You’re deceitful in a clever way. A secretive woman who is hiding a lot of secrets behind her mask.” He grazed his tongue on his bottom lip. “And I am going to uncover your secrets in any way possible. Everyone has their dark secrets that include you.” He’s getting under my skin, pero kailangan kong gawin kung anong madalas na gawin ng kapatid ko. Kailangan kong kalimutang ako si Zariah at maging si Zarina. Ngumiti ako kay Azriel at tinanggal ang pagmamatapang na ginagawa ko kanina. “Mask? I’m not wearing a mask.” Malambing akong ngumiti sa kanya kahit na gusto kong tusukin ang mga mata niya. “I’m sorry if you think I was acting snobbish earlier. Kinakabahan kasi ako and I don’t know how to deal with new people. I am not really like that.” Nawala ang ngisi ni Azriel sa sinabi ko. Ang natirang ekspresyon lang sa mukha niya ay ang dilim na nakapaloob sa mga mata niya. “Now, if you’ll excuse me. Magpapahinga na muna ako.” Hindi nawawala ang ngiti ko sa kanya hanggang sa matalikuran ko na siya. Nang hindi ko na kaharap si Azriel, doon lang din bumagsak ang aking ngiti. Shit! s**t! Nice save, I guess. Bakit ba kasi nagpapaapekto ako sa lalaking iyon? Kailangan kong alalahanin na naririto ako bilang Zarina at kilala ng lahat si Zarina bilang mahinhing babae! “You are really an interesting woman, Miss Hidalgo.” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Mabigat ang aking paghinga pero pinili ko na lingunin si Azriel. Bumalik ang ngisi sa kanyang labi. “And a challenging one, at that. You know what, I love challenges. It makes my blood pump. And I am serious when I say I am going to know your secrets. I have the feeling that you’re hiding something behind that pretense of yours. I know a liar when I encounter one. And if you’re going to be part of this family, kailangan kong masigurado na…wala kang itinatago sa amin, hindi ba?” Napalagok ako. Kung kanina ay kaya ko pang magpanggap sa harap niya, ngayon ay natatakot ako sa pagbabanta niya. Naglakad na ulit si Azriel ngunit bago niya ako lagpasan ay tumigil siya sa harapan ko. “See you later, Lisichka.” At umalis na siya. Lumiko siya sa dulo ng pasilyo at mukha nagtungo sa kanyang kuwarto. Naiwan akong tulala sa kinaroroonan ko. Napapalagok sa kaba dahil sa mga binitawang salita ni Azriel. Is he threatening me?! Kailangan ko na atang mag-ingat simula ngayon dahil isang maling galaw ko, pakiramdam ko ay malalaman ni Azriel kung sino ba talaga ako. Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Marahas akong nagpakawala ng hininga bago silipin kung sino ang nag-text. Nakita ko agad ang pangalan ng kapatid ko. Rina: I deactivated my social media accounts so no one can search for me. You should do the same thing. Remember to pose and act like me, Zariah. Don’t mess this up or I’m going to mess with your life. Nagbukas ako ng social media accounts ko at lahat iyon, dine-activate ko. Hindi ako nagpapaalipin sa ibang tao o nagpapaapi, pero iba ang ugali ko pagdating sa pamilya ko. Alipin nila ako kahit ano sigurong mangyari. The guilt of my father’s death is still eating me alive. Pakiramdam ko, habang buhay ko itong kailangang pagbayaran kina Mama at sa kapatid ko. Dahil sa totoo lang, kung hindi naman talaga ako naglayas noong bata ako para lang sa isang gamit na hindi nila ibinigay sa akin, baka ngayon ay hindi ako ganito itrato ng pamilya ko. Baka kasama pa namin si Papa at masaya kaming apat. Ngunit wala ring magagawa kung parati kong hahayaang maghari sa akin ang ganitong kaisipan. Magpapanggap lang ako hanggang maka-recover si Zarina at pagkatapos nito, freedom. Iyon ang unang plano ko, subalit mukhang iba ang gusto ng tadhana para sa akin. Hindi ko akalain, ang pag-apak ko sa bahay ng mga Benavidez ay simula ng buhay na hindi ko iniisip na mangyayari sa akin. Ang kalayaan at ang tahimik na buhay ay tuluyang ipinagkait sa mga kamay ko. Totoo nga ang sinabi ni Azriel sa akin. Lahat ng tao, may mga madidilim na sekretong itinatago at mukhang hindi ko naihanda ang sarili ko para sa lahat ng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD