PINAGMAMASDAN ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Azriel. Kumikinang ito sa bawat paggalaw ko rito. Kanina rin ay tinitigan ito nina Tita Adira at Alciana habang si Tito Hati at Azriel ay nag-uusap. Gandang-ganda rin sila rito. Ang sabi ni Alciana, customized daw itong singsing, and the sapphire stone in the middle is somewhat a declaration of love. Bukod sa sapphire stone, pinapalibutan din ng diamonds ang singsing. “Hindi ko akalain na may pagmamahal pa lang dumadaloy sa dugo ng kakambal ko. Akala ko walang magpapabihag sa lalaking iyon, eh.” Ngayon ay mag-isa na lang ako sa likod ng bahay nila. Kasabay ng pagkislap ng mga bituin sa madilim na kalangitan ay ang pagningning din ng mga bato sa singsing ko. I am not admiring how beautiful and how expensive the ring is. I am appreciati