INIISIP ko na isa na namang panaginip ang nangyari kanina. Ang pagkakakita ko kay Dra. Angelina Pascua na siyang shrink ko rati ay isang panaginip. Subalit bigo ako, dahil pagkamulat ko pa lamang ng aking mga mata ay nakita ko agad ang pamilyar na mukha niya. “Zari?” pagtawag niya sa akin. Parang gusto ko na lang ulit magpahila sa antok at huwag nang gumising hangga’t naririto ang panaginip na ito. Dra. Pascua is part of my past that I don’t want to see again. Kaya nga ako tumigil sa pagsipot sa mga sessions namin noon, saying na maayos na ang lagay ko kahit na isang tulak sa akin, pakiramdam ko ay gusto kong sumunod kay Papa sa kabilang buhay. Nagtatapang-tapangan ako sa harapan ng ibang tao pero mahina ang loob ko. Siguro iyon iyong pagkakatulad namin ni Azriel kaya mabilis din akong n