I was motionless for a while. Ang huling kaganapang rumehistro sa aking utak ay ang pagmumura ni Quinn at ang pag-alis nito habang umiiyak. After that, hindi ko na alam dahil natulala na ako. Naririnig ko pa rin sa aking tainga ang galit na boses ni Azriel. He’s like a king shouting at his subject who defied him. Ni hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng kuwarto ko. “Thank you, Manang.” Bumalik ako sa aking katinuan nang marinig ko ang mas kalmadong boses ni Azriel. Hindi nagsalita si Manang, halatang hindi rin siya makapaniwala sa nangyaring pagsigaw ni Azriel kanina kay Quinn. “K-Kung may kailangan ka pa, Azi, sabihan mo lang kami, ah?” May iniwan sina Manang na medical kit. Pagkatapos kunin iyon ni Azriel ay umalis na sila at isinara ang pinto. Walang kahirap-hirap akong pinau