DINALA ako ni Yago sa isang sikat na restaurant dito sa Laguna. Nang salubingin kami ng waiter ay agad kaming dinala sa aming table, which I think Yago reserved for us ahead of time. Tipid akong ngumingiti dahil ang aking isipan ay nililipad na naman pabalik sa bahay. Simula nang umalis si Azriel kanina ay hindi ko pa ulit siya nakikita. Not that I want us to crossed paths again tonight. Mahirap na. We ordered our food. Si Yago ang nag-o-open ng pag-uusapan. Nakakapanibago man na parang nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa akin ay hinayaan ko na lang din. Wala rin naman akong maisip na sasabihin sa kanya kaya kaysa lamunin kaming dalawa ng katahimikan, mas gugustuhin kong magsalita siya. Ano mang rason ng pagbabago niya, it’s in my favor. Sa gitna ng pag-uusap naming dalawa. Napansin k