Chapter 3
WHEN we arrived at his Island, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalang pag-aari niya, ay agad kaming inasikaso ng kanyang caretaker. He’s so polite but when I tried to smile at him, hindi niya ako pinansin man lang. Mana sa amo.
Pumuwesto ako sa malaki niyang veranda at namangha sa ganda ng dagat. Ang asul nitong kulay ay lalong pinatitingkad ng sinag ng araw at ang huni ng bawat alon ay tila musika sa aking pandinig. Kanina nga’y halos haplusin ng pino at puting buhangin ang aking mga paa. Amidst of my situation, nakaramay ko ng bigla ang lugar na ito.
“Are you enjoying this place?”
Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa likuran. My heart run too fast when I suddenly heard his low husky voice. I cleared my throat when his footsteps disturbed me. I swallowed when I smelled his scents..gradually nearing behind me.
Bakit ko naman katatakutan ang presensya n’ya?
Mula nang lumipad kami rito at inihatid ng de-motor na bangka, ay hindi na niya ako binibitawan. His big calloused hands were always on my waist and on my hand, playing with my fingers. There were times that I tried to free myself from him, pero tuwing gagawin ko iyon ay padaskol niyang hahablutin muli ako at papatawan ng nakakatakot na tingin. So, I surrendered.
Hindi ko siya nilingon at tahimik na lang na tinanaw ang dagat. Ngunit nahagip ng mga mata ko ang paghawak niya sa barandilya sa aking magkabilang gilid at kinulong ako mula sa aking pagkakatayo. Napasinghap ako at bahagyang nilingon siya, but he seems naive from his actions. Na para bang normal niya lang na ginagawa iyon sa akin. Pero halos yakapin na niya ako nyan!
“I hope your enjoying this place..” He said.
Nakatanaw din siya sa dagat, pahapyaw kong pinagmasdan ang kanyang kanang brasong gumagalaw ang muscle sa higpit ng pagkakahawak sa barandilya. Tila ba may kung ano’ng meron sa hawak na iyon at animo’y kakawala sa kanya. But my heart beat faster when he looked down at my face. Nagtama ang aming mga paningin. Hindi ko mabasa ang mukha niya na para bang palagi na lang may hindi sinasabi. His thicked brows were brooding as well as his deep black eyes. His natural red lips were luscious on my eyes and his skin..too manly.
“May sasahihin ka ba?” He whispered.
I tried to clone my feelings but..why do I feel that he’s irresistible? Damn! Binuka ko ang aking labi, bumaba roon ang tingin ng kanyang mga mata.
“Engineer!”
A voice from our back halted me from saying stupidity. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa barandilya at nilingon ang tumawag. That his caretaker.
“Alis na po kami. Babalik na lang kami bukas para dalhin ang bangka at lambat.”
Kumunot ang noo ko. Aalis sila? Sino nang maiiwan dito? Kami lang?
“Maraming salamat, Mang Raul. Ako nang bahala rito.” Sagot niya.
Humarap ako at nabaling sa akin ang mga mata ng matanda. “Sige po, Ma’am! Congrats po!”
Hilaw akong ngumiti sa kanya. Kanina lang ay ayaw niya akong nginitian, pero sa harap ng amo niya ay kay tamis ng ngiti na sa akin. “S-Salamat po.” maikling tugon ko.
Sa maghapong iyon ay iniwasan ko si Oliver. Kahit ang makasalubong siya’y ayoko. I stayed in my room for hours, nang dumating ang tanghalian at meryenda ay pinilit ko pa ang sarili kong pakiharapan siya at baka pumutla ako pagbalik ng Maynila. We didn’t talk. I don’t care though. Nami-miss ko na kasi ang pasaway kong kapatid. Nakatulog ako no’ng hapong iyon dahil siguro sa pagod at madilim na nang magising. He cooked and prepared our food. May initiative naman akong tumulong pero nagbabago ang isip ko kapag nandyan na siya.
I barely know him. All I knew was, he’s Oliver Montejo, an Engineer, a businessman at the age of thirty. Pagkatapos kong alamin ang pagkatao niya kay Google ay para akong kinilabutan. Padalos-dalos ako no’ng sinugod ko siya at sinapak. I was not armored by wealth, I was just angry for my sister. Siguro kung mas maaga ko lang nalaman ang background niya ay nagsagawa pa ako ng plano. Ang kaso..huli na ang lahat! Para akong nagtapon ng baga sa mitsa at ako ang napuruhan.
Napaupo ako sa gilid ng kama at sinabutan ang sariling buhok. I’m worried for Paula and for my father. Hindi nila alam kung nasaan ako at kung bakit bigla akong nagpakasal.
I was ruined. Manipulated. Blackmailed.
Mabuti na lang at magkaiba kami ng silid na tutulugan. At kung hindi’y baka mabaliw na ako!
KINABUKASAN ay maaga akong nagising kahit pa late na ako nakatulog dahil sa namamahay ako. Exactly at six in the morning ay nakapaligo na ako at nakaayos na. I wore my black shorts and sleeveless blouse. The sounds of waves were too beautiful and majestic. Mas maganda pa sa mga classical instruments. Patungo na sana ako ng kusina nang makarinig ng ilang tunog at pag-uusap mula sa labas. The front door was opened, so I took a few steps para makita ang labas. Mula sa shore, ay nakita ko si Oliver, wearing a white sando and a khaki board shorts, kasama n’ya si Mang Raul at isa pang lalaking kasing tanda ko lang yata.
But Oliver’s leaned, broadened shoulders and chest will make an applause from everybody. Para siyang mangangain ng tao sa tangkad niya at katamtamang laki ng katawan. Hindi pa man natatamaan ng sinag ng araw ay tila kikislap ang balat dahil sa kulay nito. His sando sculptured his sexy abdomen trailed down to his intimidating waist. I mentally gasped when I found myself struggled to swallow my saliva.
Did I just hover over his damned sexy body? Oh, s**t!
But I chose to rule myself, but his smashing torso was...I’m doomed!
“Magandang umaga, Ma’am Melody!”
Bumalik ang katinuan ko nang biglang binati ako ni Mang Raul. Nginitian ko siya matapos kong tumikhim. Tila nagambala ang sistema ko nang mabilis akong nilingon ni Oliver, humawak ako sa hamba ng pintuan nang hagilapin niya ang paningin ko. Huminto siya sa ginagawa at pinagmasdan ako. Pinasadahan niya ako ng kanyang mga mata, nag-init ang magkabila kong pisngi nang magtagal ng panandalian ang titig niya sa mga hita ko. His jaw clenched and I saw it!
Nilingon din ako ng bagong lalaking kasama nila, Oliver noticed it and he gave him a death glare. This is too much!
“Mangingisda lang kami ni Engineer ma’am..” Sigaw muli ni Mang Raul. Tanging tango lamang ang sinagot ko at saka na tumalikod sa kanila.
Mangingisda? Kasama si Oliver, marunong ba siya?
Doubts filled me habang papunta ng kusina. Kahit pa parang sinasabuyan ng asin ang puso sa positibo nitong paghampas. Sa lamesa ay nadatnan ko nang may nakahain na almusal. Mas maaga pala siyang nagigising. Napanguso ako at tinanggal ang takip sa mga plato. Mayroong sinangag, hotdog, ham, pritong itlog at orange juice—“Ay butiki!” Laking gulat ko nang bigla na lang may humalik sa aking pisngi! Marahas ko iyong nilingon at natagpuan si Oliver!
“Good morning.”
“A-Ano ka ba! Nakakagulat ka naman..” I almost ignored the impassive beating in my chest dahil sa gulat, ngunit ang paghataw ng puso ko dahil sa kanyang halik ang nangingibaw!
Iniwas ko ang tingin sa kanya.
He face stiffened. “Gusto ko lang batiin ang...asawa ko.”
Pinagdikit-dikit ko ang aking mga daliri at kinurot ang bawat isa. Nanatili siyang nakatitig sa akin ngunit naghuhumerantado naman ang puso ko sa paghampas nito. I bit my lip when I realized the butterflies in my stomach.
He gave me a reason not to look at him. Ang pagbabago ko’y dala ng makatindig balahibo niyang pananalita at kilos.
“Sasama ako sa laot kina Mang Raul at sa anak n’ya. Kumain ka na.”
Unti-unti kong binalik ang tingin sa kanya tangan ang naninimbang kong isip.I heaved ou t a sigh to relax my nerves, “Kumain ka na ba? Kayo?”
Ilang sandali siyang tumahimik bago sumagot sa akin, “Tapos na. Hintayin mo na lang ako mamaya.”
Kumunot ang noo ko nang makita ang pagtaas ng dulo ng labi niya. Para bang nangingiti ito ngunit napipigilan lamang. Na-amuse naman ako.
He left pagkatapos niya akong sabihang kumain na. Nanatili akong nakatayo lamang ng ilang segundo bago maupo sa harap ng pagkain. I calmed my heart, a traitor!
****
MARAMI akong nakain no’ng umagang iyon. Nilinis ko ang aking pinagkainan, maging ang buong kusina. Wala naman kasi akong gagawin, babalik lang ako sa veranda pagkatapos.
Dala ng kuryosidad ay binisita ko ang mga kagamitan at stocks ng bahay niya. Sinilip ang fridge niya at namangha akong punong-puno ng pagkain ang loob nito. Hindi naman kataka-takang marami siyang pambili pero, kung wala namang tumitira rito ay bakit may marami ang stocks? Or maybe he readied those ahead of time bago kami pumunta rito! Nga naman, hindi papagutom si Engineer.
Even his kitchenwares are all complete, I opened the drawer, I was halted when I saw a picture. Napanguso ako, litrato iyon ng isang babaeng may maamong mukha. Unconsciously, tiningnan ko ang likuran ng litrato. There was written message,
To my super gorgeous boyfriend!
From, Karrie. I.L.Y