Chapter 2
MARAHAS akong napalingon sa aking likuran nang muling makaramdam ng tila may sumusunod sa akin. Malapit na ako sa terminal ng jeep, pero mula nang lumabas ako ng opisina ay hindi ako matahimik sa nararamdaman. Ngayon pa na nag-overtime pa ako sa opisina kaya madilim na nang nakapag-out ako. Muli kong binilisan ang paglalakad, nakakaramdam na ako ng matinding takot dahil ni wala akong kasabay.
Sa loob ng tatlong araw matapos kong upakan at tadyakan ang tarantadong Oliver Montejo na iyon ay palagi na akong hindi mapakali. Tandang-tanda ko ang mga titig niya sa akin na tila sumusunog ng kaluluwa. Nagmadali akong umalis ng araw na iyon at taas-noong nilisan ang building niya. Mabuti nga at hindi ako pinahuli, pero ramdam na ramdam ko naman ang init ng titig niya.
Nang maabot na ng mga mata ko ang terminal, ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. May kaunting butil-butil na pawis pero keri lang. Bahagyang huminahon ang t***k ng puso ko at tinungo na ang sakayan. Ngunit tila tumalon ang puso ko nang biglang may humarang sa daraan kong tatlong lalaking naka-unipormadong damit. Napahawak ako sa aking dibdib at halos panawan ako ng biglaang pagtibok ng mabilis ang puso ko. “S-Sino p-po k-kayo?” tanong kong hindi ko na maiayos pa ang mga letra. Bakit ba sila ganyan makatingin?
“Sumama po kayo sa amin ma’am.” tanging tugon sa akin no’ng isa, napaatras ako at akmang tatakbo pero maagap nila akong nahawakan sa braso ko.
“Bitawan ninyo ako! Tulong! Tulong! Tulong---” tinakpan nila ng puting panyo ang aking ilong at bibig. Ramdam ko ang higpit nilang hawak sa aking magkabilang braso.
Kumawag ako nang kumawag upang makawala sa kanilang hawak, ngunit unti-unti akong nakaramdam ng hilo..nanghina ako at tila babagsak dahil sa pagdidilim ng aking paningin.
“Akin na siya.”
Ang huli ko na lang naalala ay may malalaking kamay ang humawak sa baywang ko at sinalo ako nang tuluyang mawalan ng malay.
NAALIMPUNGATAN ako sa init na tumatama sa aking mukha. Dinilat ko ang mga mata ko ngunit agad ding nasilaw nang salubungin ako ng sinag ng araw. I started to feel the soreness of my body. But I got into my senses when I smelled the unfamiliar scent of my room. Nang mahagilap ang tamang paningin ay napatda ako at ginapangan ng kaba, bumangon ako at pinasadahan ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko.
“No..” Takot ang namayani sa aking dibdib.
Nasaan ako? Na-kidnap ba ako? Pero..bakit ang sosyal nang hideout nila?
At bakit naman ako dudukutin, hindi naman kami milyonarya! Agad kong tiningnan ang sarili..suot ko pa rin ang damit kagabi. Nabunutan ako ng tinik sa pag-aakalang napagsamantalahan ako. Pero nasaan nga ako?
Napatingin sa pagbukas ng pinto, huminto sa paghinga ang aking pulso nang makilala ang pumasok sa kwarto.
He gave me a cold gaze, “Good morning.”
Oliver Montejo abducted me?
Nag-init bigla ang dulo ng aking mga mata habang tinititigan ang lalaking tila casual lang ang makita ako sa kanyang harapan. He went to his closet, humugot ito ng itim na T-Shirt at walang hiyang nagpalit ng damit sa harap ko!
“Ano’ng kailangan mo sa akin?” I gritted my teeth as I looked at him daggers. Hinagis ang hinubad na T-Shirt sa isang basket at saka bumuntong hininga nang tingnan ako.
“Breakfast?”
Sa galit ko’y padabog akong umahon sa kama at lumapit sa kanyang harap. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labing may bakas ng sugat. Hindi ko iyon pinagsisihan dahil nararapat lang iyon para sa kanya. Nang binalik ko ang tingin sa kanya ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin.
Matalim ko siyang pinantayan, “Bakit mo ko dinukot at dinala rito?” My fist clenched as I murdered him in my head. My rational thoughts were invisible right now. Sa kabila ng tapang na nararamdaman ko’y, natatakot at dinadagundong ako ng takot. He’s powerful. He can have all the resources if he want to. Ngunit hindi ako papayag na apakan niya nang dahil sa sinapak ko siya.
He smirked, like he’s enjoying what’s written on my face. I gritted my teeth more. “Are you always that fierce in the morning?”
“’Wag mo akong gaguhin, Montejo! Bakit mo ko dinala rito?”
“Oh, ang tamis naman ang paunang bati mo sa’kin Melody Luna Palma..” He chantly said my name.
Natigilan ako. Sinabi niya ng buo ang pangalan ko! s**t, ano’ng..
Humalukipkip siya sa aking harap, “What a beautiful name. Kaya siguro hindi ko magustuhan ang kapatid mo kasi, mas maganda ka pala..and besides, I don’t like students and about her bitten neck? I remembered I was drunk that night so,”
Hindi ko natapos ang sinasabi niya at sinampal siya. Napakadumi ng dila niya! “Wala ka talagang kwentang lalaki! Ano’ng pinagmamayabang mo? Iyang itsura mo? Iyang pera mo? Sapat ba ‘yan sa’yo para manakit ng babae? Ang kapal ng mukha mo!” I was panting, halos kapusin ako ng hangin sa tindi ng muhi ko sa lalaking ito.
I cried without showing any emotions but anger. Luha para sa nasaktan kong kapatid at para sa akin, nang marinig ang mga iyon mula sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang bahaging sinampal ko at tiningnan ako. Iyon ang tinging nagpapaalala sa akin na dapat siyang ilagan at katakutan.
But I stood still. Inangat ko ang isa ko pang kamay para sampalin siya ulit, pero maagap niya itong hinawakan. Sa halip ay, hinapit niya ako sa aking baywang at marubdob na siniil ng halik! Namilog ang aking mga mata sa gulat. Hindi ako kaagad nakagalaw sa gulat, ngunit nang matauhan ay buong lakas akong nagpumiglas. Humigpit ang hawak niya sa akin. Ginapos niya ang aking labi at hindi binigyan ng pagkakataong makalayo--tinulak niya ako at diniin sa pader!
I swore, I did all my best to free myself but he just too strong. Hinawakan niya ang aking mga kamay at inipit, pinaggitnaan ang aking ulo. Kung kaya nagawa kong iiwas ang labi ko sa kanya, and his face landed on my neck. Humahapuhap ng hangin.
“M-Maawa ka sa akin..” I bit my lip when I finally felt the fear for him. Inaamin ko, walang-wala ako kumpara sa kanya. Para lang akong ipis na kaya niyang tirisin.
Natatakot ako. Hindi siya gumalaw mula sa pagkakalubog sa leeg ko. His lips touches my skin shallowly.
Both panting.
“P-Pakawalan mo na ako..” Now, I begged.
Ilang sandaling puro paghinga lang namin ang aking tanging naririnig, bago siya nagsalita.
“Palalayain kita, sa isang kondisyon.” He whispered.
Humikbi ako, dumiin ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan.
“Pakasalan mo ko.”
Napatda ako at agad napahinto sa paghikbi. He’s breathing fanned my skin like he doesn’t want me to sweat.
Napaharap ako sa kanya, giving him a nonsense stare. “Ano?”
Umahon siya sa aking leeg at matapang na tiningnan ako. His lips were just an inch away. “Pakasalan mo ko.”
“Baliw ka ba?”
His lips parted, “Oo o hindi?”
“Hindi!”
“Kung gano’n, tatanggalan ko kayo ng trabaho. Ikaw at ang ama mong nasa Dubai..”
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. He’s blackmailing me! Hindi ako makapaniwalang aabot sa ganito ang aming sitwasyon. Ang takot na naramdaman ko sa kanya ay mas dumoble pa! Ang bawat salitang pinapakawalan niya’y tila mga patalim at panggapos sa akin.
Ano bang klaseng tao ito?
Binaba niya ang tingin sa aking labi, “So what’s your answer now?” Panunuya niya.
“Napakasama mo!”
“Oo o hindi lang ang pagpipilian mo, Melody.” His baritone voice warning me.
Ano bang nagawa ko sa lalaking ito?
****
“CONGRATULATIONS! Mr. and Mrs. Oliver Montejo!”
Ni hindi ko magawang ngumiti man lang sa alkaldeng namuno sa Civil wedding namin ng lalaking ito. Nagpalakpakan sila ngunit tila death march ang tunog sa akin. Pagkatapos kong pirmihan ang marriage certificate ay nilingon ko ang aking kapatid mula sa aming gilid. Hindi niya ako kinikibo mula noong inuwi ako at hinatid ni Oliver sa bahay. Nagpakilala pa siyang nobyo ko, he even asked her to witness our wedding. Batid niya ang pagkakagusto ng kapatid ko sa kanya, kaya tinapat niya rin itong magturingan na lang silang magkamag-anak dahil magiging asawa na niya ako.
She never talked to me after that night.
Nadudurog ang puso ko dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya ang dahilan ng pagpapakasal namin. Kung maaari lang ay, binahagi ko na sa kanya. Pero mahigpit akong pinagsabihan ni Oliver na walang dapat may makaalam ng gusto niya.
Inirapan ako ni Paula, akma ko siyang lalapitan nang bigla akong hapitin sa baywang ni Oliver. He kissed me on my forehead, “We have to go, honey.” He whispered.
Mangha akong nag-angat sa kanya ng tingin, but my heart slammed to its ribs nang marinig ang huling tinawag niya sa akin. “Saan tayo pupunta?”
Mabini niyang hinaplos ang aking baywang paakyat sa aking likuran. He tilted his head and crouched his back to level my eyes, “Honey, It’s our honeymoon! We have to leave, pupunta tayo ng Isla.”