"H-Hello, Ms. Heidi." Nahihiyang bati ko sa babaeng pinag-iisipan ko ng masama kanina. I didn't know that this slutty professor was his cousin. Aba'y malay ko naman ba. Lutang din kasi ang isip ko nang ikasal kami kaya wala akong natandaan ni isa man sa mga kamag-anak niya. Ang tanging nasa memorya ko lang ay ang mukha ng Daddy at Mommy niyang hindi maipinta ang mukha nang araw ng kasal namin. Sobrang disappointed sila sa akin dahil hindi nila nagustuhan na ako ang pinakasalan ni Sir Thompson. Natatandaan ko rin nga pala ang mukha ng babaeng dahilan kung bakit napilitang maghanap ng mapapangasawa si Sir Thompson. Isa siya sa pinakamalakas ang iyak ng mag-I do kaming dalawa. Kumusta na kaya 'yon? Mabuti at hindi niya ako pina-salvage pagkatapos naming maikasal ni Sir Thompson. "Ate Hei