"Alam mo, Krissha." Napatingin ako kay Rica nang hindi niya ituloy ang sasabihin niya. Nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti ng may kahulugan. "Ano? Bakit 'di mo ituloy ang sinasabi mo?" taas-kilay na tanong ko. "Blooming ka, girl. May nanliligaw na ba sa 'yo?" tudyo niya. "Huh? Wala naman, bakit?" Kinunutan ko siya ng noo. "Oo nga naman, Krissha. Napansin ko rin na sobrang blooming ka ngayon. Kumikinang ang balat mo at pulang-pula ang kutis mo. Alam mo, kung alam ko lang na wala kang boyfriend ay iisipin ko na nadidiligan ka araw-araw kaya ka blooming." Sinundot ako ni Gale sa tagiliran ko na ikinairap ko lang. "Ano ka ba naman, 'yang bunganga mo baka may makarinig," nakairap pa rin na sabi ko. Tumawa naman si Gale nang mahina saka sumimsim sa kanyang milk tea. Nap