CHAPTER 09 "CHARLES" "Psst. Huy!" Sitsit ko at kumaway nang makita si Charles na nakatayo sa labas ng Store. May hawak itong paper bag habang nakatuon sa phone niya. Medyo napataas ang isa kong kilay dahil kahit malayo pa lang ay agaw atensyon na siya. He's tall and charming. Kaya hindi ko masisisi ang mga dumadaan kung napapatingin sakaniya. Partida at naka-cap pa siya. Bigla naman niya binulsa ang phone niya at malawak na ngumiti saakin pagkatapos ay kinawayan ako. Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya dahil mahaba ang pila sa restroom kaya natagalan ako. "Matagal ka nag-antay? Hala sorry nag-cr kasi ako." Nahihiya kong sabi at napakamot sa ulo. Naiihi na kasi ako dahil masyadong malamig dito sa mall. "No it's okay. I just got here." Sagot niya. s**t bakit ang pogi nito? Swabe pa k