CHAPTER 07 "MAGNETIC GEM" "Hi can my friend take a picture with you? It's his birthday and he likes you." Napa-baling ako nang may lumapit na naman saaking lalaki. Kagagaling ko lang sa restroom. Halos umaalog na ang paningin ko at lutang na ang kaluluwa ko dahil sa tama ng alak. Few more shots at alam kong mawawala na ang katinuan ko. Napangisi naman ako tumango. Wala naman sigurong masama 'di ba? tsaka ang usapan ay gagawin ko lahat ng gusto kong gawin ngayong gabi. Kaya hinapit ko ang braso nito at ngumiti. "Where?" Tanong ko at parang nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay napangisi na lamang ito at dinala ako sa table nila. Picture lang naman pala eh. Familliar din naman mukha niya. I think Engineering student siya. Nang makarating kami sa table nila ay nagulat ako nang makit