Chapter 25 "PAINFUL GOODBYE" Kinagabihan nang matapos ang libing ni dad, ay napagdesisyunan ko ng buksan ang phone ko dahil gusto ko 'man lang makita ang mga kaibigan bago ako umalis. Walang kasiguraduhan kung kailan ako makakauwi pero...gusto ko 'man lang magpaalam nang maayos lalo na simula nang mamatay si Dad ay hindi ko pa sila nakakausap. Napaupo ako sa kama at sinimulang basahin ang mga text ng mga kaibigan ko. Kristine: I'm sorry for your loss, Claud...You know that we're here right? We're just one call away. Ayumi: Claud...don't be scared to share your pain...I'll be here...we'll be here... Jules: Tell me if you want me to go home...please...beg me to go home. Callia: Always remember that you're not the only person in this world, so don't keep your pain all by yourself.