CHAPTER 23 "HOSPITAL" WARNING: SU*C*DE & R*PE "Room 667." Nang sagutin ako ng nurse ay tumakbo ako ng mabilis. Umiikot na ang paningin ko habang naninikip ang dibdib ko. Wala akong iniisip ngayon kung' di si Kelsey at lagay niya. Marami akong katanungan pero mas pumapaibabaw ang kaba at pag-aalala ko sa kaibigan ko. Paano magagawa ni Kelsey 'yon? Okay pa naman siya nang huli ko siyang makita ah? Wala siyang sinasabing kahit ano saamin. Paano niya magagawa 'yon? Nang makarating ako sa kwarto ay hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito at pasukin. Bigla namang bumungad saakin ang mga kaibigan ko na mugto ang mata at tahimik na pinagmamasdan si Kelsey. Napagawi ito sa direksyon ko at napatayo ng maayos nang makita ako. Nang masilayan ko si Kelsey ay tila nanlambot ang tuhod ko dahi