KABANATA 2

1420 Words
“I called you pero pinagpatayan mo ako. Ano ka ngayon?” paninisi sa akin ng kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa mall. Dito namin napag-usapang magkita noong tumawag ako sa kanya pagkaalis ng fiancé ko kuno. “May alam ka ba sa mga pinaggagawa ko noong lasing ako?” desperada kong tanong. Huminga naman siya nang malalim at saka ako tiningnan ng may pagkabigo. “Wala ka talagang naaalala sa mga nangyari?” paninigurado niya. “Ayesha, magtatanong ba ako kung mayroon?” inis kong tanong at ininom ang kape ko. Uminom muna rin siya sa tasa niya at saka nagsimulang magk’wento. “Lasing ako n’yon pero medyo tanda ko kung ano’ng mga nangyari...” pagsisimula niya. “Umalis ka sa p’westo natin, siguro para gawan ng paraan na makauwi tayo pero nagulat ko nang pagbalik mo may kasama ka na. Yes, it’s your freakin’ hot husband to be.” Napaayos naman ako ng upo at lalong nakinig sa kanya. “Inaalalayan ka niya, ghorl, sabog na sabog itsura mo niyon.” She laughed hard like she could still see what I looked like at that moment. “So, `ayon nga tinanong ko siya kung bakit nando’n siya at kung bakit hawak ka niya. He said, nagkataon daw na nasa same bar tayo tapos sakto rin na tumawag si Tito. Alam daw kasi ni Tito na nando’n din siya sa bar kaya pinakiusapan na niya jowabels mo.” “Then, fastforward, nasa sasakyan na niya tayo. Sukang-suka ka na niyon.” Tumawa siya sa pag-alala sa mga nangyari. “Sabi mo pa, “Hey fiancé, p’wede itigil mo saglit ang sasakyan? I’m going to puke.” Ghorl, kapal ng feslak mo.” Nagpatuloy siya sa pagtawa habang nagkuk’wento, ako naman ay wala nang nagawa pa kundi takpan ang mukha ko sa kahihiyan. “Natakot siguro si lolo mong sukahan mo ang sasakyan niya kaya `ayon itinigil. Dali-dali ka namang lumabas, halos nagkandarapa-dapa ka dahil hindi ka makalakad nang maayos. Ito namang fiancé mo mala-superhero, agad sumunod sa iyo para alalayan ka,” kinikilig niyang saad. “Pagkatapos n’yon, inihatid n’yo na ako sa bahay. `Yon lang ang tanda ko dahil hanggang do’n lang naman ako kasama pero bago ako bumaba narinig pa kita na kinausap siya.” Tiningnan niya ako nang seryoso kaya naman napalunok ako. “W-What? A-ano’ng sinabi ko at gan’yan ka makatingin?” kinakabahan kong usisa. “B*tch, you asked him to sleep with you. No, not just asked, you pleaded for heaven’s sake.” Para akong naubusan ng lakas sa mga sinabi niya. Ayesha is not a liar, hindi rin uso sa kanya ang nagpa-prank. “Damn, Ayesha,” usal ko saka pinagtagpi ang lahat. Kaya pala katabi ko siya nang nagising ako. *** “Andrei Villa Cruz, your fiancé, Ms. Monasterio.” Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. He’s my freakin’ fiancé? “C-Cassandra M-Monasterio,” I barely managed to say and shook my hand with him. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba o talaga nakita kong ngumisi siya. Pakiramdam ko ito na ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buong buhay ko. I slept with my fiancé? I fvcking slept with him. “Natutuwa ako, anak, dahil mukhang magkasundo na kayo nitong mapapangasawa mo,” pagsingit ni Daddy sa amin. Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang aking pagkain dahil sa gulat at kahihiyan. “Oo nga. Kahit ako nagulat nang pilitin mo si Andrei na matulog kasama mo,” natutuwang sabi ni Mommy. So, it’s true. Tanging hilaw na ngiti na lang ang isinagot ko at uminom ng tubig. Knowing my parents, hindi talaga nila ako pipigilan kapag ginusto ko ang isang bagay kaya hindi nakapagtataka na hinayaan nila ang lalaking ito sa k’warto ko. “I won’t mind kung maaga kayong gumawa ng bata,” natatawang sabi ni daddy. Nasamid ako ng husto na halos lumabas `ata sa ilong ko ang tubig na iniinom ko. “Anak, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Mommy. Was that even a question‽ I just raised my hand as a sign that I’m fine. The man in front of me laughed, then looked at my father. “Hmmm, hindi naman po kami nagmamadali, Daddy. Pero magandang ideya `yan,” walang preno niyang sabi at saka ibinaling ang tingin sa akin. He gave me a playful smile and then continued eating. Dream on, asshole, over my drop-dead gorgeous body. *** “Ahmm... Cass, hindi ba iyon ang fiancé mo?” Nagbalik ako sa wisyo nang kunin ni Ayesha ang atensyon ko. She’s looking behind my back kaya naman nilingon ko ang tinutukoy niya. I tsked. “Tingnan mo nga naman, hindi pa kami ikinakasal may babae na, ngayon mo sabihin na s’werte ako sa kanya,” ani ko habang pinapanuod ang fiancé ko kuno kasama ang isang babae. Mukha silang magshotang nagda-date, tsk! “Ayy? Affected ka, syst?” natatawang panunuya ng kaibigan ko. Siniringan ko siya at muling itinuon ang atensyon sa dalawang magshota. Mukhang busy sila sa isa’t isa at walang pakialam sa nakapaligid kaya naman hindi nila napapansin na pinunuod namin sila. Hey, asshole, your soon to be wife is here. “Wala kang gagawin? Like magtatago gano’n, mag-aala-spy, kukuha ng pictures or whatever.” Si Ayesha habang umiinom muli sa tasa niya. Inirapan ko siya at itinuon na lang ang atensyon sa aking kape. “What for? As if I care,” I stated then shrugged. “Sabagay, malay mo sinusulit niya na lang pagkabinata niya bago ikasal sa iyo. Maybe alam niya na wala kang karanasan kaya nagpapakasarap muna.” Bumulanghit siya ng tawa. Halos maibuga ko ang iniinom kong kape sa pagmumukha niya habang siya naman ay tawa nang tawa. “What the fvck, Ayesha Samaniego!”  I cursed. “Ooops! I think I just caught your fiancé’s attention,” kibit-balikat niyang sabi bago isinenyas ang kanyang mata sa likuran ko. Agad naman akong lumingon kaya nagtama ang paningin namin. Hindi ko nakitaan ng gulat ang mata niya na ikinainis ko ng kaunti. And you are proud to be seen? Sa halip na umalis o magtago ay talagang balewala lang sa kanya na nakikita ko sila. Wow! “Tingin mo lalapit `yan sa atin?” Ayesha asked. Binalik kong muli ang tingin ko sa aking kaibigan. Umayos ako ng upo at saka siya seryosong tiningnan. “Ohhh!” halos takip bibig niyang sabi habang nakaturo sa pagmumukha ko. “You’re pissed,” manghang patuloy niya. “Wala kasing k’wenta mga lumalabas sa bibig mo,” tiim-bagang kong wika. “Okay, okay. So, seryosong usapan, Cass. Papakasal ka talaga sa kanya?” she asked. I let out a deep sigh and leaned against my seat. Inalog-alog ko ang tasa ko na para bang makakahanap ako ng sagot doon. I smiled bitterly. “I just want my father to be happy. Kung ang pagpakasal ko sa lalaking `yan ang makakapagpanatag sa kanya, gagawin ko.” “I understand your point. You know I care for you at ayaw ko lang na pagsisihan mo mga desisyon mo.” Ngumiti ako ng kaunti. “I know, thank you. Gagawa na lang siguro kami ng set up. Baka pagkatapos ng kasal ay maging busy na rin ako.” Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Pag-aaralan kong patakbuhin ang business namin para naman mapagtuunan ni Daddy ang sarili niya. I think it’s time para maging responsable ako,” saad ko saka tumingin at ngumiti sa kanya. Nakita ko ang panggigilid ng kanyang mga luha. “Argh! This is why I hate serious conversations. I hate dramas.” Natawa na lang kami pareho. Tinanaw ko ang labas ng café kung saan maraming sasakyan ang dumadaan. I hope my marriage with him will be fine. Kahit pilit lang ang pagpayag ko para doon hindi ko pa rin maiwasang umasa... na sana magkaroon ako nang maayos na asawa na pahahalagahan ako. “Kailan nga ulit kasal n’yo?” “Tomorrow,” I answered and forced a smile. “SERYOSO‽” malakas niyang wika kaya naman pinagtinginan kami ng ibang tao sa café.  Napayuko ako sa kahihiyan. “And here you are, drinking coffee with me instead of checking your gown, food, ring, etc.,” hindi makapaniwalang sambit niya. “Sabi nila okay na raw lahat kaya `wag na raw kami mag-abala,” kibit-balikat kong saad. Napahilot siya sa sintido niya at bigong tumingin sa akin. Mapait akong ngumiti sa kanya. I guess my dream wedding and ideal man won’t ever happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD