KABANATA 4

1995 Words
Nagising ako kinaumagahan dahil sa pakiramdam na may nakadagan sa akin. Marahan kong idinilat ang aking mata at gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa pamilyar na eksenang tumambad sa akin. Napabuga ako ng hininga at maingat na ibinaling ang ulo sa direksyon niya. Napaka amo talaga ng mukha niya kapag tulog, may kakapalan din pala ang kilay niya. Muli kong sinilip ang posisyon naming dalawa, agad na nag-init ang mukha ko nang napansin kong iba na ang suot ko ngayon. Photahamnida. Okay, Cassandra, hinga lang. Okay lang `yan kasi asawa mo siya. Dapat masanay na ako sa mga ganitong bagay. Tama ba? Arghh! Mababaliw na `ata ako. Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ko napagdesisyunang magluto ng agahan naming dalawa. Doon ko lang napagtuunan ng atensyon ang condo niya, tama lang iyon para sa aming dalawa. Hindi sobrang laki, hindi rin sobrang liit, gray and white ang halos kulay ng buong condo mula labas hanggang sa silid. Ch-in-eck ko ang laman ng ref niya para tingnan kung ano’ng pup’wede kong lutuin, good thing kumpleto naman siya sa stocks. Sa huli mas pinili kong lutuin `yong mga normal na meal sa umaga mamaya mag-assume pa siya na sobra akong nag-effort para dito. Well, parang gano’n na nga, at least ano man lang `yong magsama kami nang maayos, `di ba. I fried some eggs, bacons, and hotdogs. Naghanda na rin ako ng coffee kahit hindi ko sigurado kung nagkakape ba siya. “Ay, tae!” Muntik nang mahulog ang tasang hawak ko. Nadatnan ko siyang seryosong nakaupo habang nakatingin sa akin, hindi ko man lang napansin na nakalabas na pala siya ng k’warto. “A-Ah c-coffee?” alanganin kong alok sa kanya saka inilagay iyon nang tuluyan sa kanyang harapan. Uupo na rin sana ako kung hindi niya biglang hinigit ang kamay ko. Kunot-noo itong nakatingin dito. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya bago ako iniwan. Dire-diretyo siyang naglakad papasok sa silid. Ayaw niya ba nang hinanda ko? Nalungkot ako sa isiping iyon, binalewala ko na lang `yon saka nagsimulang salinan ang plato ko ng pagkain. Kung ayaw niya, then okay. `Wag pilitin ang ayaw. “Give me your hand.” Napatalon ako sa pagkakaupo nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko. Napansin ko na may hawak siyang maliit na case at nasisigurado kong first aid kit iyon. Sino’ng nasaktan? Dahil sa pagtataka ay hindi ko agad naintindi ang sinabi niya kaya naman siya na ang kusang kumuha ng kamay ko bago niya kinuha ang isang silya para umupo. Doon ko lang napansin na may kaunting parte sa kamay ko ang namumula dahil siguro sa kaunting kapeng natapon dito no'ng nagulat ako. “A-Ano... okay lang, kaunti lang naman. Sige na, kumain ka na,” sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Maliit lang talaga iyon kaya siguro hindi ko rin masyadong napansin. Umigting ang panga niya at tumingin sa akin nang seryoso. May kung anong kabang idinulot iyon sa akin. “Give me your hand,” matigas na wika niya. Para akong bata na sumunod sa utos ng galit na magulang. Pinanuod ko ang pagkuha niya ng isang bulak saka iyon binasa ng alcohol, pinahiran niya ang parteng namumula sa kamay ko. Pagkatapos ay isang cream naman ang kinuha niya at ipinahid dito, medyo malamig iyon sa pakiramdam. Inayos niyang muli ang kit at inilagay sa tabi ng lamesa. “Thank you,” sinserong pasasalamat ko. Tumango naman siya. “Let’s eat,” pormal niyang usal at nagsimulang magsandok ng pagkain. Tahimik lang naming kinain ang aming umagahan. “Let’s talk,” sambit niya nang napansing tapos na ako sa pagkain. Oh yes, Cassandra, kailangan n’yo ngang mag-usap. Tanging tango lang naman ang itinugon ko dahil hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic o anuman. “About our marriage,” panimula niya kaya naman natuon ang buo kong atensyon sa kanya. “I’m aware naman na napilitan ka lang din para sa ating dalawa kaya no need to worry,” agad kong sabi. Saglit siyang natahimik saka ako pinagmasdan. “The girl I am with no’ng nakita mo ako. She’s my girlfriend, sinasabi ko ito dahil ayaw kong maglihim sa iyo,” he stated. Tumango naman ako at mapait na ngumiti. “I know. Salamat pa rin kasi nilinaw mo.” Napasandal siya sa kanyang upuan at seryosong tumingin sa akin. “Is it okay with you?” he asked. “Alin?” balik kong usisa. “Our situation, kasal ako sa `yo pero may karelasyon akong iba,” diretyo niyang sabi. Sumandal na rin ako sa aking inuupuan at saka siya tinapunan ng seryosong tingin. “As long as hindi malalaman ni Daddy ayos lang sa akin. Wala akong magagawa, hindi naman ako p’wedeng mag-demand sa `yo na hiwalayan mo siya at ako ang pagtuunan mo ng atensyon. I am not that pathetic." “Why not?” agad niyang tanong na ikinatigil ko sandali. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang pinapanuod ang bawat emosyon ko. Hilaw akong ngumiti. “Siya naman ang nauna, siya rin ang mahal mo. Kung tutuusin ako ang pumasok na lang bigla sa relasyon n’yo kaya sino ako para hilingin iyon, `di ba?” “But you are my wife now. You have the rights,” pormal niyang sabi. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano’ng ipinupunto niya. “How can I have the rights? Kinasal tayo dahil sa iba’t ibang dahilan. Let me remind you, my dear husband, we didn’t marry each other because of love.” Natahimik naman siya pagkatapos niyon kaya napagdesisyunan kong ligpitin na ang pinagkainan namin at dal’hin sa sink. “Hindi ka ba magtratrabaho?” sinilip ko siya sa likuran. “I cancelled all my appointments,” tipid niyang sagot. “Waeyo?” Sinimulan kong hugasan ang mga plato. Hindi ko alam kung bakit ilang segundo siyang hindi sumagot kaya naman lumingon ako ulit sa kanya. Nakunot ang noo niya na para bang may prinoproseso sa utak niya. “Was that an alien word?” he asked. Saglit akong nag-isip kung ano’ng tinutukoy niya. Napangiti ako nang napagtanto kung ano iyon. “Sorry, medyo nasanay lang ako na iyon ang ginagamit na word instead of bakit,” paliwanag ko saka bumalik sa aking ginagawa. “Sasamahan kita sa kumpanya n’yo para tulungan ka sa pamamahala hanggang sa masanay ka na kung paano iyon patakbuhin.” “Okay,” simple kong sagot. Hindi na naman siya muling umimik pa pero kahit gano’n ay nanatili pa rin siyang nakaupo sa p’westo niya. “Seems like you know how to do household chores.” Hindi ko alam kung humahanga ba siya o nanlalait kaya pinabayaan ko na lang. Pinunasan ko ang lababo pagkatapos at tinanggal ang apron sa suot ko para isabit. Nagtataka man sa pananatili niya roon ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Mamaya sabihan niya pa akong pakialamera. Oh, please, I don’t give a damn. “Ahmm, magre-ready lang ako,” alanganin kong paalam. Tango lang naman ang isinagot niya sa akin kaya naglakad na ako papuntang k’warto. Ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran ko kaya naman lalo akong nakaramdam ng kaba at ilang. Hindi ko alam kung bakit iyon ang idinudulot sa akin ng presensya niya. Am I attracted? Hindi malabo iyon, gan’yan ba naman kagwapo ang asawa mo, Cassandra. Sino’ng hindi matatakam? Iwinaksi ko agad iyon sa isipan ko. Traydor ka, self! Kasalanan ito ni Ayesha, kung anong kaberdehan ang inilalin niya sa akin. Without thinking basta na lang ako pumasok sa cr at naligo kaya naman halos ilang mahihinang mura ang binitawan ko pagkatapos. “Tngna talaga, Cassandra. Ngayon ka pa sinumpong ng kabobahan, paano ka lalabas ngayon?” mahinang mura ko sa sarili ko habang paikot-ikot sa cr. “Kahit panty, wala kang dala `nyeta,” patuloy kong sambit habang hinihigpitan ang towel na nakatakip sa katawan ko. Halos ipagpasalamat ko pa na may towel dito sa banyo niya kung hindi ay literal na hubad talaga ako ngayon. Dahil sa pagpapauli-uli sa cr at katangahan hindi ko namalayan na nabasa na `yong dinadaanan ko. “AHHH!” malakas kong daing nang bumagsak ako sa sahig dahil sa pagkakadulas. “Fvck!” Natigil ako sa pagdaing nang bigla akong lumutang sa ere. Sumasakit man ang p’wetan ko ay hindi ko na naisatinig iyon dahil mas nilamon ako ng gulat sa presensya niya. “Fvck! Fvck!” sunud-sunod niyang mura pagkatapos niya akong iupo sa kama. Lumuhod siya para maglebel ang tayo naming dalawa. “Are you okay? Sa’n ang masakit?” usisa niya habang nakatingin sa akin. `Yon na naman ang mga mata niyang nanghihigop ng kaluluwa. “Cassandra,” muli niyang tawag na siyang nakapagpabalik ng katinuan ko. “A-Ah yeah, yeah, I’m okay. Sorry, napaka-careless ko naabala pa tuloy kita,” nahihiyang sambit ko at lumayo ng kaunti. Napaigik ako nang mahina dahil medyo masakit ang p’wetan ko, hindi iyon sobrang sakit kaya pa namang pagtiisan, body shock lang siguro ito. Oh, yeah, Cassandra, what the fvck was body shock? May gano’n ba? Doon ko lang naalala ang itsura ko, halos nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Tngna, Cassandra. Kotang-kota ka na ngayong araw. “Are you sure na walang masakit sa `yo? I’ll bring you to the hospital.” “No need. I’m okay. Thank you.” Panay ang iwas ko ng tingin sa kanya. Nang hindi siya umimik pa ay roon ko lang muli itinuon ang mga mata ko sa kanya. Nakita ko ang kaseryosohan sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at tumalikod. I heard him cursed. Pagkatapos ay muli siyang humarap sakin. “Dress up, we’ll go to the hospital bago tayo pumunta sa kumpanya n’yo,” pinal niyang sabi. Hindi na ako tumutol pa dahil ayaw ko naman na nag-aaway agad kami on our first day kaya tumango na lang ako. “Stay there. Ako na ang kukuha ng damit mo.” He then turned his back against me. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong tumayo para sana pigilan siya pero hindi ko alam kung ano ba’ng kamalasan ang nakain ko ngayong araw at sumobra naman. Natakid ako dahil sa biglaan kong pagtayo kaya naman ang kinalabasan—ito, bumagsak ako sa ibabaw niya. Worst part is medyo lumuwag pa `yong towel ko kaya naman nahubad ang upper part ng katawan ko. Pareho kaming nanigas sa p’westo naming dalawa, hindi ako makatayo dahil makikita niya ang hinaharap ko. “Sabihin mo sa akin, may balat ka ba sa p’wet?” Hindi ko alam kung ginagalaw niya ba ako o naaasar siya sa mga kamalasang ginagawa ko. Dahil sa kahihiyan isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya. I heard him cursed. Hindi ko alam kung para saan iyon.  Gano’n ba siya kainis sa akin para magmura siya? “Ugh! Damn it, baby. This is torture,” mahinang bulong niya. “Sorry. Hindi ko alam kung ano’ng kasalanan ang nagawa ko sa past life ko at pinarurusahan ako ng ganito,” mahinang anas ko habang nakasubsob pa rin sa dibdib niya. Tumawa siya saglit at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung ano’ng kuryente ang tumama sa katawan ko pero awtomatiko akong nakaramdam ng init, init na kailanman ay hindi ko pa naramdaman. “Hindi ko rin alam kung ano’ng kabutihan ang nagawa ko sa pastlife ko at binibiyayaan ako ng ganitong s’werte ngayon,” bulong niya sa tainga ko. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o talagang napaka-sexy ng dating ng boses niya ngayon. Magaspang at tila mas malalim ang boses niya sa oras na ito. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa bewang ko, may kung anong kiliti iyong idinulot sa aking katawan. Magaspang ang kamay n’ya pero gusto iyon ng balat ko. Pinagapang niya pa ang isang kamay niya mula sa bewang at likod ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon habang ang mukha niya naman ay nakasubsob sa gilid ng leeg ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD