Bea's POV
'Oh god! Nasaan ako? Sino ang hayop na nanamantala sa akin?' Halos mabaliw ako sa kakaiyak ng magising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Mas lalo akong napahagulgol ng maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko lalong-lalo na ang aking p********e.
Walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha habang binabalot ko ng puting kumot na may bahid ng aking dugo ang hubad kong katawan. Nanginginig ang katawan ko at halos hindi ako makalakad ng tinungo ko ang banyo at tinanggal ko ang nakabalot na kumot sa aking katawan.
'Anong nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala, sino ang gumawa ng kahayupan sa akin?'
Itinatapat ko ang katawan ko sa tubig na dumadaloy mula sa shower head habang ang mga luha ko ay sumasabay din sa pagdaloy ng tubig sa aking mukha. Nararamdaman ko ang pananakit ng buo kong katawan habang hinahagod ko ito ng aking mga kamay.
Iyak lamang ako ng iyak, hindi ako makapaniwala na ang isang gabing kasiyahan ang naging kapalit ay panghabangbuhay na pagsisisi.
Mabilis akong nakapaligo at bumalik ako sa loob ng silid at napatitig ako sa malaking salamin at pinagmasdan ko ang hubad kong katawan. Hinimas ko ang mga marka sa aking dibdib, leeg at sa aking magkabilang hita at muli akong napahagulgol. Paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko ang nangyaring ito sa akin? Paano nila matatanggap na ang nag-iisa nilang anak ay napariwara dahil sa katigasan ng ulo? Paano kung mabuo ang kahayupang ito sa akin at hindi ko man lamang alam kung sino ang ituturo kong ama? Hindi ko na alam ang gagawin ko, tanging pagkasuklam na lamang ang nararamdaman ko sa kung sino man ang gumawa nito sa akin at gusto kong pagbayarin siya ng mahal. Gusto kong mas higit pa sa paghihirap ng kalooban ko ngayon ang maramdaman niya pero sino nga ba ang taong gumawa nito?
Pumikit ako at pilit kong inaalala ang mga nangyari sa amin ng kaibigan ko, ang natatandaan ko lamang ay nasa bar kami ni Ariana at may mga lalaki na nangungulit sa amin. Napatakip ako ng aking bibig ng maalala ko si Ariana. Anong nangyari sa kaibigan ko? Katulad ko ay napahamak din kaya siya? Oh god anong nangyari sa kaibigan ko?!
Mabilis na nagtutuluan ang mga luha ko habang hinahanap ko ang aking bag, kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko ang aking kaibigan ngunit tila naka off ang kanyang phone dahil cannot be reach kaya matinding pag-aalala ang nararamdaman ko.
"Oh god bestie ano na ba ang nangyari sayo?" umiiyak kong bulong habang isinusuot ko ang damit ko na suot ko kagabi. Tumingin ako sa paligid kung may gamit bang condom ngunit isa man ay wala akong nakita kaya muli akong napahagulgol dahil matinding takot na ngayon ang aking nararamdaman. Nanginginig ang katawan ko, nakakaramdam ako ng takot dahil sa nangyari sa akin, nasusuklam ako sa taong walang awa na lumapastangan sa akin at ninakaw ang pinakaiingatan kong dangal. Napaupo ako sa isang sulok at muling umiyak ng umiyak. Paano ko haharapin ang problemang ito kung sakaling magbunga ang kawalanghiyaang ito? Hindi ko kakayanin maging isang ina lalo pa at ito ang magpapaalala ng mga nangyari sa akin.
Nang mapayapa ko na ang aking sarili ay mabilis akong tumayo, kinuha ko ang bag ko at tumakbo ako palabas ng impyernong silid na ito at saka ko pa lamang napagtanto na nasa isang hotel pala ako.
Kung nuon sa tuwing pumapasok at lumalabas ako ng isang hotel ay taas noo akong naglalakad, ngayon ay hindi ko magawa, ni hindi ako makatingin sa mga taong nakakasalubong ko. Ni hindi ko na magawang magmalaki na malinis akong babae dahil binaboy na ako ng isang demonyong hindi ko kilala.
Gusto kong pumunta ng information desk upang magtanong kung alam nila kung sino ang kasama kong nagpunta sa hotel na ito pero tinatalo ako ng takot dahil ayokong pag-usapan ako ng kahit na sino tungkol sa nangyari sa akin kagabi. Ayokong paglabas ko ng hotel na ito ang lahat ng mata ay sa akin lamang nakatingin.
Pagkarating ko ng condo ay hindi ako tumigil sa kakatawag sa aking kaibigan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot dahil baka kung ano na nangyari sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinubukang tawagan si Ariana, huminga ako ng malalim at naisip ko naman si Roxanne.
Tinawagan ko si Roxanne dahil baka tinawagan siya ni Ariana kagabi o kanina pero ang sabi niya ay ilang araw na daw niyang hindi nakakausap si Ariana. Tinanong niya ako kung may nangyayari ba sa amin ni Ariana ngunit nagkaila ako sa kanya, ayokong malaman niya kung anuman ang nangyayari sa amin ni Ariana ngayon.
Napatingin ako sa aking orasang pambisig ng makaramdam ako ng gutom, mag-aalas singko na pala ng hapon at hindi pa ako kumakain ng kahit na ano. Nagpunta ako ng kusina, kumuha lamang ako instant cup noodles pampawi ng gutom. Nilagyan ko ito ng tubig at inilagay ko sa microwave. Habang hinihintay ko ang noodles ay napatingin ako sa living room ng marinig kong tumutunog ang aking telepono kaya halos madapa ako at nagmamadali kong sinagot ang phone dahil baka si Ariana na ang tumatawag. Numero lamang ito pero sinagot ko pa rin dahil kinukutuban ako na ang kaibigan ko ito.
"Bestie ako 'to, nanghiram lang ako saglit ng phone kay manang sabi ko may emergency lang. Gusto ko lang malaman kung okay ka ba o nakauwi ka ba ng maayos." ani ng kaibigan ko mula sa kabilang linya.
"My god bestie nasaan ka ba?" tanong ko sa kanya habang humahagulgol ako na parang bata. Masaya kasi ako dahil nabawasan ang pag-aalala ko ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko.
"Bestie, nahuli na ako ni impakto, kinuha niya ako kagabi sa bar, dinala niya ako sa hotel niya at ngayon ay nasa Batangas na naman ako." wika niya sa kabilang linya.
Nang marinig ko ang sinabi niya ay tinanong ko na rin kung iniwan lang ba nila ako sa bar.
"Sabi ni impakto pinahatid ka niya kay Aiden, wala din kasi akong alam dahil lasing na lasing din ako kagabi, tinanong ko lang siya kanina. Bakit may ginawa bang masama sa iyo ang hayop na 'yon ha?" ani niya kaya matinding galit ang nararamdaman ko sa demonyong Aiden na 'yon. Siya pala ang hayop na lumapastangan sa akin habang lasing na lasing ako. Kinamumuhian ko ang hayop na lalaking 'yon dahil sa ginawa niya sa akin.
"Naku wala naman! Nagulat lang ako na nasa isang hotel na ako at hindi na kita mahanap. Nag-alala kaya ako sayo, hindi kita matawagan, nasaan ba kasi ang telepono mo ha?" ani ko. Ayokong malaman niya ang nangyari sa akin kagabi, ayokong may makaalam na binaboy ako ng hayop na Aiden na 'yon.
"Kinuha siguro ng hayop na impaktong 'yon dahil pag gising ko 'yun ang una kong hinanap pero hindi ko nakita sa bag ko, 'yun lang ang nawala sa bag ko kaya nakakasiguro ako na kinuha na naman 'yon ni impaktong Raymond. Bestie usap na lang ulit tayo sa susunod at baka biglang dumating si impakto ay magwala pa 'yon at mapahamak pa si manang kapag nakita niya akong gamit ang telepono ni manang." ani niya at natapos na ang aming pag-uusap.
Para akong nauupos na kandila na napaupo sa sofa at muli na namang lumandas ang mga luha sa aking mga mata. Naalala ko kagabi ng mapansin ko na tila may mga matang nagmamatyag sa amin kaya pasimple akong lumingon sa paligid at nakita ko si Aiden na may kausap na bouncer, 'yun 'yung oras na nilapitan kami ng mga bouncer upang takutin ang mga nangungulit na mga lalake kagabi.
Hayop siya, hindi ko siya mapapatwad, napaka-walanghiya niya at pinagsamantalahan niya ako. Alam kong may kasintahan na siya, minsan ko siyang nakita sa bar na 'yon nuon na may kasamang babae at naghahalikan kaya nakakasiguro ako na may kasintahan na ang hayop na lalaking 'yon.
Walang patid akong umiiyak, awang-awa ako sa sarili ko, hindi ako makapaniwala na nawala na sa akin ang pinaka iingatan kong dangal ng dahil sa lalaking 'yon.
Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang kahayupang ginawa niya sa akin, hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Natapos ang maghapon kong pag-iisip, natapos ang maghapon ko ng kakaiyak. Nasusuklam ako sa walang puso na Aiden na 'yon. Nuon sa tuwing nakikita ko siya at nilalapitan niya ako dahil kay Ariana ay akala ko mabuti siyang tao pero nagkamali ako dahil hayop siya, demonyo siya at walang kaluluwa.
Hindi ko na inintindi ang noodles na nasa microwave, pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana pang kumain mula ng malaman ko kung sino ang nakasama ko ng magdamag sa hotel at iniwan na lamang ako sa silid na 'yon na animo ay isang bayarang babae.
Umakyat ako sa silid ko, nahiga ako at pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari, sana pag-gising ko ang lahat ng nangyari sa akin ay isa lamang panaginip.