Chapter 2

1557 Words
Aiden's POV Mula ng may mangyari sa amin ng gabing 'yon ni Bea ay hindi na siya nawala sa isipan ko. Aaminin ko na nuon pa man ay may lihim na akong paghanga sa kaniya at pilit ko lang siyang iniiwasan nuon dahil iba ang pagkakakilala ko sa kanilang dalawa ni Diana. Lagi kasi silang papalit-palit ng lalake, every week ay iba-iba ang kanilang nobyo kaya hindi ako makapaniwala na ako ang lalaking nakauna sa kaniya kaya muling bumalik ang paghanga ko sa kaniya at habang tumatagal ay mas lalo akong nagiging obsess sa kaniya. Nagawa kong makipag hiwalay sa kasintahan ko dahil kay Bea. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mula ng may mangyari sa amin ng gabing 'yon ay hindi na niya pinatahimik ang isipan ko kaya gumawa ako ng paraan upang makuha ko siya. Bumalik ako sa mga magulang ko, nakipag kasundo ako sa kanila na gawin nila ang lahat upang maikasal sa akin si Bea, ang anak ng business partner nila sa negosyo kapalit ang pagtanggap kong maging tagapagmana na hahawak ng mga negosyo ng aming pamilya na pilit kong tinatalikuran nuon. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan ko, katulad ng mga Antonetti ay masasabi kong isa sa kilala sa buong mundo ang pangalang Montreal sa larangan ng husay pagdating sa mga negosyo. Dahil sa mga magulang ko ay naibangon ng pamilya Galvez ang kanilang mga negosyo na muntikan ng mauwi sa bankruptcy ngunit naisalba sila ng mga Montreal kaya alam kong napakalaki ng utang na loob nila sa amin. Ngayon ay gagamitin ko ito upang makuha ko ang babaeng kinababaliwan ko sa ayaw at sa gusto niya. "Sigurado ka na ba sa gusto mong mangyari ha anak? Paano ang kasintahan mong si Maurice?" ani ng aking ina. Ngumiti ako sa kanya at ipinaliwanag ko na tapos na kaming dalawa ni Maurice na ikinagulat niya dahil alam nila kung gaano ko kamahal nuon ang dati kong kasintahan. "Kung hindi ninyo magagawa ang hinihiling ko ay hindi ko tatanggapin ang mga negosyong ipapamana ninyo sa akin. Hindi ko kailangan ang mga 'yan." ani ko kaya napabuntong hininga na ang aking ina at tumango na lamang siya kaya isang malaking ngiti ang sumilay sa aking labi. "Mukhang tinamaan ka sa anak ni Damien Galvez." ani ng aking ama. Hindi ko siya sinagot dahil para sa akin ay sapat ng kasagutan na muli akong bumalik sa kanila para lamang kay Bea. Baliw na kung baliw pero hindi ako papayag na maagaw pa siya ng iba sa akin. "Kapag sigurado na ako na naitakda na ninyo ang kasal namin ay magsisimula na ako sa paghawak ng mga negosyo ng pamilya natin pero hangga't wala akong kasiguruhan na mapapa sa akin si Bea ay hindi ako babalik dito. Tawagan na lamang ninyo ako kapag nakausap na ninyo ang mga magulang niya. Aalis na muna ho ako dahil kailangan ako ngayon ni Raymond." ani ko. Malungkot lamang akong tinignan ng aking ina at hinayaan na nila akong umalis ng kanilang mansyon. Pagkarating ko ng mansion ng mga Antonetti ay inabutan ko si Raymond na umiinom, hindi niya ako pinansin kaya dumiretso na lang muna ako sa loob upang kumain dahil kanina pa ako nagugutom. "Oh hijo nandito ka na pala, kumain ka muna diyan bago kayo umalis ng kaibigan mo. Ikaw na ang bahala sa kanya at mukhang malaki ang problemang hinaharap niyan." ani ni Lola Frannea. "Sige po la, kanina pa nga po ako nagugutom. Ako na po ang bahala diyan kay Mr. Impakto." ani ko na ikinatawa niya ng malakas. Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay inaya naman ako ni Raymond sa Batangas, gusto niyang duon na muna siya manatili ng ilang araw dahil mababaliw na daw siya sa kakaisip sa isang palaka. Naging maayos naman ang lahat sa Batangas lalo pa at dumating na ang mga kaibigan niya kaya nagpaalam na din ako dahil kailangan ko namang bumalik ng Manila. Gabi na ng makabalik ako Manila at sa halip na sa mga magulang ko ako tumuloy ay nagtungo na lamang ako ng bar, tinawagan ko ang pinsan ko na si Vaughn Vincent Lee Montreal, ang babaero kong pinsan na isang linggo lang ang kontrata ng babae sa buhay niya at pagkaraan ng isang linggo ay maghahanap muli ng iba. "Buti naman at dumating ka na? Iba na naman 'yang kasama mo, ibang klase ka talaga." ani ko na tinawanan nya lamang. Ipinakilala niya ako sa babaeng kasama niya na kasintahan nya daw at nagngangalang Andrea kaya natawa ako, nuong isang araw lamang ay may ipinakilala siya sa akin na ang pangalan ay Dennise at sabi niya ay kasintahan daw niya, ngayon ay Andrea naman. Habang masaya kaming nag-iinuman ay may babaeng lumapit sa amin at agad akong binuhusan ng alak sa ulo ko na ikinagulat ko. Sa sobrang galit ko ay tumayo ako at hinarap ko ang babaeng nakatayo sa likuran ko at sasampalin ko na lamang sana ito ng matigilan ako at sa halip na galit ay bigla akong ngumiti sa kaniya. "Ang kapal ng mukha mo! Baka akala mo pakakasalan kita! Nagkakamali ka, magpakasal kang mag-isa mo!" galit na galit na sigaw sa akin ni Bea, mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko matapos kong marinig ang sinabi niya. "Well, mukhang nakausap na pala ng mga magulang ko ang mga magulang mo, so nandito na pala ang fiancee ko, kinikilig naman ako at talagang nilapitan mo pa ako dito." wika ko sabay hablot ko sa kanya at agad ko siyang ikinandong sa hita ko kaya mas lalo itong nagwala. "Bitawan mo ako! Hinding-hindi kita pakakasalan!" sigaw niya. Napatingin ako sa pinsan ko na malakas na tumatawa at hindi makapaniwala sa kanilang mga nasaksihan. Kahit anong pagpupumiglas ni Bea ay hindi ko na siya pinakawalan pa, akin lang siya at ngayong nandirito siya kasama ko ay sisiguraduhin ko na mauunawaan niya na wala na siyang kawala pa sa akin. "Kapag hindi mo ako pinakasalan, sisiguraduhin ko na malulugmok ang mga magulang mo sa kahirapan, kilala mo ang pamilya ko, kilala mo kung ano ang kaya naming gawin hindi ba?" bulong ko sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit sa akin ng bigla ko siyang hinalikan sa kaniyang labi. "Kinasusuklaman kita, magpakasal man ako sayo sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya sa akin!" sigaw niya at isang sampal ang dumapo sa mukha ko at mabilis siyang tumayo at tumakbo palayo sa amin. "I love you too! Ang sweet mo talaga mahal ko!" sigaw ko habang natatawa ako at hinihimas ko ang pisngi ko na sinampal niya. Ang lakas sumampal ng mahal ko, tumabingi yata ang mukha ko, sa sobrang pagka sweet niya muntikan ng mabutas ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya sa akin. "Damn! Mukhang tinamaan ka yata sa Amazonang 'yon pinsan. Pati ang sampal niya pagmamahal ang tingin mo " ani niya habang malakas na tumatawa. Maging ang kaniyang kasintahan ay hindi makapaniwala sa mga nasaksihan niya at kinindatan ko lamang ito ng makita kong titig na titig siya sa akin. Iba talaga ang nagagawa ng gwapo! Napatingin ako sa kinaroroonan nila Bea, kasama niya ang isa nilang kaibigan na si Diana na iba na naman ang lalaking kasama, napansin ko ang isang lalaki na biglang tumabi kay Bea at hinalikan ito sa labi kaya bigla akong napatayo at nagbabaga ang mga mata ko na sinugod ang lalaking humalik sa babaeng mapapangasawa ko. Isang malakas na suntok ang ipinadapo ko sa panga ng hayop na lalaking ito at isang tadyak at pagkatapos ay binunot ko ang baril ko na nakasukbit sa single gun holster chest ko at itinutok ko ito sa mukha ng lalaki kaya malakas na sigawan ang maririnig sa loob ng bar na pag-aari ng pinsan ko. "Bitawan mo 'yan Aiden!" malakas na sigaw ni Bea, tinitigan ko siya ng masama at kating-kati ang daliri ko na kalabitin ang gatilyo ng baril ko sa pagmumukha ng lalaking nangahas na halikan ang fiancee ko. "Kung ayaw mong sumabog ang bungo ng hayop na 'yan sabihin mo sa kaniya kung sino ako!" galit kong ani sa kanya. Hindi ako makakapayag na may ibang hahalik sa kanya dahil akin lang siya, akin lang siya at papatayin ko ang lahat ng magnanais na agawin siya sa akin. Napatingin ako sa lalaking duguan ang nguso at nagmamakaawa siya na huwag kong iputok ang aking baril, maging ang pinsan kong si Vaughn ay hindi ako pinipigilan kaya muli akong napatitig kay Bea. "Xander, si-siya si Aiden, a-ang mapapangasawa ko." mahinang ani ni Bea kaya napa smirk ako at ibinalik ko sa gun holster ang baril ko. Kinuha ko ang kamay ni Bea at inihatid ko na sila ni Diana pauwi sa kanila, maging ang kasintahan ni Diana ay natakot sa akin at hinayaan lamang niya na maisakay ko sa sasakyan ko ang mga ito at hindi man lamang ako pinigilan. Nagpaalam ako sa pinsan ko na babalik ako pagkahatid ko kila Bea at siya na rin ang umayos ng gulo na nagawa ko sa bar niya. Kilala naman ako ng pinsan ko, alam niya na hindi ko magagawang dungisan ang pag-aari niya, tinatakot ko lamang ang Xander na 'yon at pinapakita ko sa lahat ng tao na nanduon na akin lang si Bea at kung may magnanais na magtangkang kuhanin siya sa akin, ngayon pa lang ay magdasal na sila dahil may kalalagyan sila sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD