Chapter 2

1431 Words
Chapter 2 "Si Kristoff! Babalik na siya sa Pilipinas! Hahahahahahaha! Congrats!" Sigaw niya Bigla akong natahimik. Teka. Sino si Kristoff? "Kyaaaaaaaah! Talaga? Totoo ba ‘yan?" Sigaw ko nang marealize ko ang sinabi ni Sophia "Aray, nabingi yata ako. Oo! Totoong totoo! As in true! Hahahaha." Sigaw niya rin "Good news nga! Sa wakas magkikita na kami! Eh, ano naman ang bad news?" Sabi ko "May fiance na yata siya?" Mahina niyang sagot Bigla akong nanghina sa narinig ko. "Anong sabi mo?" Tanong ko Gusto kong makasigurado baka mali lang ako ng dinig eh. "May girlfriend na si Kristoff, at ang balita ko they're getting married next year." Sagot ni Sophia Para na naman akong pinagtakluban ng langit at lupa. Nanglambot ‘yong tuhod ko sa good news at bad news ni Sophia. "Kahit kailan ka talaga! Ok na ‘yong good news eh! Bakit may bad news pa?! Kailan ba dating ni Kristoff? Sigaw ko "Mamayang gabi." Sagot agad niya Teka. Mamayang gabi? Diba sabi ng manghuhula, babalik sa Pilipinas mamayang gabi ‘yong ama ng ipagbubuntis ko?!! Oh My God! Si Kristoff?! Parang bigla akong nakaramdam ng pag-asa. Parang naiintindihan ko na ‘yong sinabi ng manghuhula. Dahil daw sa ipagbubuntis ko, hindi na ako tatanda mag isa. Tama! Sinabi rin kanina ng manghuhula na KUNG WALA AKONG GAGAWIN, HINDI AKO MAKAKAPAG ASAWA! Ok, ano pa ‘yong mga sinabi niya? Mukhang kelangan ko na magplano "Hello, te?" Sabi ni Sophia sa kabilang line "Ibababa ko na, te. Kita na lang tayo maya." Sabi ko sabay hang up Bumalik ako sa kotse ko para makapag isip. Kailangan ba ako ang first move para mabuo ‘yong sinasabi no’ng manghuhula na baby? For sure, hindi naman ako lalapitan ni Kristoff eh. Ni hindi nga yata niya ako kilala? Tapos, may girlfriend nap ala? Tama! Kailangang may gawin ako! PLAN A: Akitin si Kristoff para maging asawa ko PLAN B: Kung hindi man niya ako panagutan, okay pa rin! At least siya ang Daddy ng magiging baby ko. Ayos. Kung mamayang gabi na ang dating niya, ibig sabihin wala na kong oras. Kailangan ko ng maghanda! Hahaha! This is it, Kristoff! "Huwaaaaaat! Gaga ka. Baliw ka na ba?!" Sigaw ni Sophia ng ikwento ko sa kanya ang mga plano ko Pumunta ako sa bahay nila. Wala naman ‘yong asawa niya eh, nasa trabaho. Tapos ‘yong baby niyang 3 years old, nando’n sa lola. "Tangek! Kelangan kong gawin ‘to, para rin ‘to sakin, ‘no." Sagot ko "Masasaktan ka lang sa gagawin mo." Sabi niya "Masasaktan talaga, first time ko eh." Sagot ko "Baliw! Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin! Masasaktan ka lang kasi hindi ka naman niya papanagutan kahit na mabuntis ka man!" Sigaw niya "Huwag mo namang isigaw! Baka marinig tayo ng mga kapitbahay mo. Alam ko naman ‘yon eh." Sagot ko "Alam mo naman pala eh. Huwag mo ng gawin! Hahanapan na lang kita ng ka-blind date!" Suggest niya "Ayo’ko, hindi na ako mag a-asawa Sophia. Nakapag-decide na ‘ko. Kung hindi niya man ako panagutan after na may mangyari sa’min. Ayos lang, ang mahalaga makabuo kami, te! Bonus na lang sa’kin kung pakasalan man niya ako." Paliwanag ko "Kakaiba ka talaga Iyah! Sino ba’ng nagbigay sayo ng ganyang ideya?!" Napailing si Sophia "Desperada na ko, te. For my baby, gagawin ko ang lahat! Hahahah. Na-e-excite na ako." Sabi ko "Baliw!" Sigaw niya sakin "Baliw nga ‘tong idea ko, pero alam kong tutulungan mo ako! Hahaha." Sabi ko "At bakit kita tutulungan?" Tanong niya "Kasi alam ko na hanggang ngayon crush mo pa rin yung ex mong si James! At kapag nalaman ‘yon ng asawa mong si Louie malamang gyera ang abot mo!" Banta ko "Hahaha! Alam mo namang sa ating apat na magkakaibigan, walang iwanan! Siyempre tutulungan kita, kaibigan! Hahaha." Bigla niyang sabi sabay akbay sakin "Iyon naman pala eh. Naalala mo pa ‘yong ex mong si Paolo?" Tanong ko "Oo, bakit? Teka! Paano mo nalamang ex ko ‘yon?" Tanong niya "Siyempre, lahat ng ex mo, ako muna ang niligawan tapos kapag nagbi-break kayo nangliligaw ulit sa’kin kaso hindi ko sinasagot eh. Hahaha." Sagot ko "Buwiset! May sulutan palang nangyayari noon?" Sigaw niya "Tange, maganda lang talaga ako. Ok, ganito. Diba si Paolo ay one of the closest friend ni Kristoff since high school? Kailangan natin siya, para mabitag ko si Kristoff." Paliwanag ko "Adik ka, kapag nalaman ng asawa ko ‘to. Yari ako. Yari tayo, kasi idadamay talaga kita." Sabi niya "Hindi ‘yan. I'll protect you, kaibigan!" Sagot ko naman "Sabi mo ‘yan ah? Takte kapag nagkataon, ako ang mauunang deborsyada sating apat!" Sabi niya Hindi na ako kumibo dahil nag iisip pa ako. Ininom ko na ‘yong tinimpla niyang juice. Kapag gumana ang plano ko. I will be the luckiest girl in the world! Kahit Plan A man o Plan B! Pareho akong panalo do’n. Kapag nagka-baby ako si-siguraduhin kong a-alagaan ko siyang mabuti. Lalong lalo na si Kristoff ang Dad niya. For sure magiging kamukha niya ‘yong baby. At for sure, hinding hindi na rin ako mag iisa kapag tumanda ako! I will love our child for the rest of my life! I'm sooooo smart! Wala akong talo sa plano ko. Both sides are for my sake. Hihihi. That night I prepared everything. I went to the mall para mag shopping na pinaka seksing nighties. I bought a lot of things na pampaganda. Nagpamassage ako, nagpa wax para hair-free everywhere. Si Sophia na ang bahalang kumontact kay Paolo to hold an event para magkita kita kami nila Kristoff. Oh My God! I can't wait to give myself to my one and only love! Kinabukasan, bumalik ulit ako sa bahay nila Sophia. Ang totoo kasi niyan, sa aming apat na magka-kaibigan kami ni Sophia ang pinaka close. Super close kami no’ng tatlo kong kaibigan pero iba talaga kami ni Sophia eh. Kahit magkalayo ang bahay namin, super close kami, dati pa nga sinusundo ko siya para lang sabay kaming pumasok ng school. Take note, hindi kami parehas ng course ah? Lumabas si Sophia ng kwarto nila na karga karga ang anak niya. As usual ‘yong asawa niya nasa opisina ulit. "Oh? Binalik na ng lola niya si Lalaine?" Tanong ko Ilang araw na kasing nasa nanay ng asawa ni Sophia ‘tong anak niya. "Anong binalik? Kinuha ko na, wala na yata silang balak ibalik ‘tong anak ko eh." Sagot niya Natawa naman ako. Nag aagawan sila sa batang ‘yan. Unang apo kasi sa side ng asawa niya kaya sabik sa bata. "Mag anak ka na lang ulit tapos bigay mo sa kanila para walang away." Biro ko "Nako, ayoko. Bahala sila, kung gusto nila ng bata eh di gumawa sila kahit matanda na. Hahaha." Sagot niya "Nga pala maiba ako, nakausap mo na ba si Paolo?" Tanong ko Inabot niya sakin bigla ‘yong anak niya. "Oo, sige daw. Sa weekend daw, magpapa get together siya. Pero hindi ko sinabi ‘yong plano mo. Nakakahiya. Sabi ko lang magsasama ako ng mga single friends." Sagot niya "Yan ang gusto ko sayo, te! Maasahan ka talaga! Teka, hindi niya alam na may asawa't anak kana?" Tanong ko Umiling naman siya habang nakangisi. "Gaga ka! Baka umasa na naman ‘yon!" Sigaw ko "Hayaan mo siya, di naman niya tinanong eh. Anong gusto mo? Ipagyabang ko? Baliw!" Sabi niya Natigila kami sa sap ag-uusap nang biglang umiyak sakin ‘yong anak niya. Nataranta naman ako. "Uy! Kunin mo na ‘tong anak mo. Ayo’ko na, di ako marunong magpatahan." Sabi ko Kinuha niya naman agad ang anak siya na karga ko. "Di ka marunong pero balak mong gumawa?" Ssar niya "Siyempre sa ngayon hindi pa. Pero matututo rin ako kapag nakabuo na ako. " Sagot ko "Pero hindi ka ba natatakot? Baka awayin ka no’ng fiance no’n?" Tanong niya "Hindi. Hindi naman niya malalaman eh. Saka hindi ko namang pipilitin si Kristoff na panagutan ako. Kapag! Kapag lang naman. Kapag gusto niyang panagutan, why not? Sino ba ako para tumanggi sa grasya? Haha." Paabiro kong sagot "Baliw ka na talaga! Pero infairness nakakaloka ‘yang idea mo ah. Kung single ako ngayon baka gayahin  ko ‘yang balak mo." Sabi niya "See? Ayos diba? Perfect para sa isang Hopeless one sided love na kagaya ko." Sagot ko rin "Perfect, perfect? Kapag ‘yan pumalpak, iyak ka." Asar niya "Huwag ka ngang nega." Saway ko "Nabanggit mo na ba ‘to kila Cheena  at Thea?" Tanong niya Si Cheena at Thea ay ‘yong dalawa ko pang mga kaibigan which is married na rin. "Hindi pa. Saka na pag positive na. Hehe." Sabi ko "Puro ka talaga biro. Magdadamdam na naman ‘yong dalawa kapag late nila nalaman, alam mo namang hayok ‘yong mga ‘yon sa chika." Sabi niya "Sus, eh ni hindi nga tayo tinitext ni Thea eh. Sobrang busy sa honeymoon nila." Sagot ko Si Thea kasi ang bagong kasal. Si Cheena naman last year lang din kinasal, wala pa siyang baby pero sabi niya they have plans on having a baby this year. Eh di sila na. Kaya nga hindi ako papahuli eh. I will have my own too. Soon. Baka nga maunahan ko pa sila eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD