Chapter 1

1691 Words
Chapter 1 Ikaw na lang  ba ang dalaga sa inyong magbabarkada?Lahat ng friends mo ba ay may asawa't anak na? Well, congrats! Pareho kayo ng sitwasyon ng kakilala ko... Heto, basahin niyo Aliyah's POV Aray. Ang sakit pa rin ng ulo ko, parang sasabog. Dami kasi naming nainom kagabi eh. Lalo naman ako. Kasal kasi kagabi ng isa sa mga bestfriends ko. Lahat sila kagabi may partners in life. Ako lang wala Ayon, nagfocus tuloy ako sa pag inom ng wine, champagne at kahit anong inumin na makikita ko, nilalaklak ko! Badtrip nga eh, lahat sila may asawa na. Yung iba may anak na. Ako? Heto. Single pero hindi available. Si Kristoff naman kasi eh, ang tagal bumalik Sino ba si Kristoff? Well. Hindi ko siya boyfriend. Pero girlfriend niya ko. Hehe. Sinagot ko siya  pero hindi niya ko niligawan. Baliw talaga ako. Lasing pa nga yata ako. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Girlfriend ako ni Kristoff pero hindi niya alam. Haaaay. I was Grade 6 in  Elementary while Kristoff was in 3rd year high school that time. I saw him walking in the front of his school, which is very near sa school na pinapasukan ko. Hindi ko alam kung na-love at first sight ba ako sa kanya? Pero everyday, inaabangan ko na siyang dumaan sa harap ng gate ng school  nila. At each day I saw him, narealize ko na lang na kasama na siya sa daily routine ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi siya nakikita Sinundan ko siya sa school niya pagka-graduate ko ng Elementary. We became schoolmates for a year, and after that, gumraduate siya. He left me. He took up his college in a famous University He study Law. I suffered three whole years without seeing him everyday. Hindi ko kasi alam ang schedule niya. Tapos  malayo pa yung University niya sa school ko. Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Nag aral ako ng mabuti para makakuha ng matataas na grades. Gumraduate ako na hindi baba sa mga 88 ang grades. Pinilit kong makapasa sa University na pinapasukan niya And luckily, I passed. No’ng 1st semester sinusundan ko lagi si Kristoff. Bago pumasok, saka bago umuwi. Hindi kasi kami pareho ng schedule, kapag lunch time, nauuna yata siya. Pero after three months, nagulat na lang ako no’ng biglang hindi ko na siya nakikita. Naglakas loob akong magpunta at magtanong sa registrar office to ask what happened to Kristoff. At do’n ko nalamang nagpunta siya sa Harvard to continue his study. Para akong pinagbagsakan ng langit, lupa at impyerno nang mga panahong ‘yon. Iyak ako ng iyak sa kwarto. Tulog, kain, iyak. Iyon ang naging routine ko for one week. Hindi talaga ako pumasok sa school. Pero narealize ko, na wala akong mapapala kung iiyak ako ng iiyak. Hindi babalik si Kristoff kung iiyak lang ako at magmumukmok. Inisip ko na lang na dapat makatapos ako ng pag aaral, dapat maging successful ako, para pag bumalik si Kristoff, may maipagmamalaki ako sa kanya once na magconfess ako Tinapos ko ang course ko in fashion designing. Matataas lahat ng grades ko. Si Kristoff kasi ang nasa isip ko lagi. Iniisip ko na nag aaral siyang maigi, kaya dapat mag aral din ako. At sa kakahintay ko kay Kristoff, heto, naiwan akong single. Hindi ako tumanggap  ng mga manliligaw.Pero sinubukan kong humanap ng bagong lalaking kakabaliwan pero hindi ako nakakita ng katulad ni Kristoff kaya itinigil ko na. Naghintay na lang ako at umasa Hay. Lalo lang sumasakit ang ulo ko! Dumagdag pa ‘yong nabasa kong article kanina sa Internet. Ang babae daw parang Christmas Cake. Mabenta ito on or before the 24th, pero kapag nag 25 na, kaunti na lang ang may interest na bilhin ito. Worse hindi na talaga ito mabenta pa sa mga tao. Meaning, ang babae kapag umabot na ng 25 years old at hindi pa rin nakapag asawa, mahihirapan na siya makapagpakasal dahil para sa iba MATANDA na siya Lintek lang diba?Anong gagawin ko? 24 na ako, turning 25 this year. Does that mean matanda na ko? Habang nag-iisip ay narinig kong may umatok sa pinto ng opisina ko. "Ma'am, heto na po ‘yong coffee niyo." Sabi no’ng empleyado kong si Mara Yes. While waiting for the man I love, I built my own business. I have my own small company. We design clothes and a lot of things as long as kaya mong i-imagine, you can do it here. May sarili rin kaming magazine. I made a promise to myself. Kailangan maging successful ako para may maipagmalaki ako kay Kristoff once na dumating siya. Kaya heto, unti-unti kong tinutupad ang pangakong iyon. Since wala naman na kong family, because I'm an only child of my parents and pareho na sila nasa langit. Kaya tanging pamilya ko na lang ay ang mga kaibigan at mga katrabaho ko. Sumapit ang gabi. Nakalimutan kong bumili ng vitamins ko kanina sa mall, kaya huminto muna ako sa isang maliit na botika. Naghazzard ako at nagpark sagilid para bumili muna saglit. Pabalik na ako sa kotse ko nang may mapansin akong burol sa kanto. Pero bakit wala masyadong tao? Diba dapat madaming nagsusugal kapag gabi? Na-curious tuloy ako kaya lumapit ako do’n sa nag-iisang bantay sa burol. "Manang, bakit mag isa lang ho kayo?'" Tanong ko do’n sa babae "Ay Hija, kakilala mo ba si Aling Marife?" Tanong rin niya sakin Umiling naman ako. "Ah, akala ko kakilala mo. Ilang araw na kasi siyang walang dalaw dito sa burol niya eh. Wala naman kasi siyang pamilya" Kwento ni Manang "Paano pong wala siyang pamilya?" Tanong ko "Wala siyang anak at asawa." Mabilisang sagot ni Manang "Po? Eh ang mga kaibigan po niya?" Tanong ko Ngumiti lang ng tipid si Manang sa akin. "Hindi ko naman alam kung paano sila contact-in, nakilala ko lang naman si Aling Marife sa simbahan. Lagi siyang mag isa, nabanggit niya sakin noon na ‘yong mga kaibigan niya, nasa ibang bansa na kasama ang kani-kanilang pamilya. Hindi ko masabihan, dahil hindi ko rin naman kilala ang mga kaibigan na kinukwento niya." Kwento ulit ni Manang Oh my God. Ang lungkot isipin. "Ano po ang ikinamatay ni Manang?" Tanong ko "Heart Attack, siguro sa sobrang lungkot. Nakita na lang ng mga kapitbahay ‘yong katawan niya sa ilalim ng lamesa, nakabaluktot at wala nang buhay." Patuloy niya Biglang tumulo ‘yong luha sa mga mata ko. Hindi ko kilala ang matanda pero may kurot sa puso ang nangyari sa kanya. "Wala po talagang nag alaga sa kanya?" Tanong ko ulit "Wala, simula no’ng nakilala ko siya, talagang mag isa na lang siya. Isa daw siyang mabuting teacher no’ng kabataan niya, pensyon niya lang ‘yong bumubuhay sa kanya noon." Kwento niya pa Ang lungkot. Sobrang lungkot ng kinahinatnan ni Aling Marife. Ramdam na ramdam ko ‘yong mga pinagdaanan niya. Infact, nakakarelate ako at nakaramdam ako ng takot Mamuhay ng mag isa? Hindi ko kakayanin ang gano’n. Pero hindi naman siguro ako magiging katulad ni Aling Marife diba? Kinabukasan, naisip kong magpunta sa Quiapo at magpahula. Dahil hindi ako pinatulog ng takot na naramdaman ko. Hindi ako takot mamatay eh. Takot akong mag isa habang buhay pa ako at takot ako na sa mga huling sandali ng buhay ko, Wala akong makakausap para palakasin ang loob ko na harapin ang panibagong mundong naghihintay sakin. Takot ako na walang iiyak kapag namatay ako. Walang magpapa-alala ng mga mabuting nagawa ko sa mundo. "Ano pong kapalaran ko?" Tanong ko do’n sa matandang babae "Pumili ka ng taltong baraha." Sabi niya Agad ko namang ginawa ang iniutos niya. Binuksan niya ‘yon isa isa, At kumukunot kunot pa ang noo niya habang ginagawa iyon. "Ano pong nakikita niyo?" Tanong ko "Magtanong ka ng gusto mong malaman." Sabi niya "Makakapag asawa po ba ako?" Diretsong tanong ko "Hindi." Mabilisan niyang sagot Nanglaki ang mga mata ko. "Sigurado ka?" Tanong ko ulit "Kung wala kang gagawin, Hindi ka makakapag asawa." Sabi niya "Babalik ba ‘yong lalaking matagal ko nang hinihintay?" Tanong ko ulit "Oo, pero may kasama na siya." Sagot niya "Talaga!?!" Sigaw ko Hindi ako pinansin nung manghuhula. "Mapapangasawa ko ba ‘yong lalaking matagal kong hinihintay?" Tanong ko ulit "Hindi, dahil huli na ang lahat para sayo." Sagot niya Aray naman. Ang bilis naman niyang sumagot. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga isinasagot niya? Hindi kita bayaran diyan eh! "Mas masasaktan ka kung ipipilit mo ang sarili mo sa kanya." Biglang sabi ng manghuhula Natigilan ako. Nabasa niya ang nasa isip ko?! "Pero nakakakita ako ng isang bata. Isang supling." Bigla niya ulit sabi habang nakapikit "Bata? Supling? May anak na ‘yong lalaking mahal ko?" Nag aalala kong tanong "Hindi siya. Kundi ikaw. Magbubuntis ka, at dahil sa batang ito, hindi ka tatanda ng mag-isa." Sabi ng manghuhula "Mabubuntis ako? Shocks. Isa akong p****k? O Virgin Mary? Virgin Aliyah?" Mga tanong ko sa kanya "Mamayang gabi babalik dito sa ating bansa ang magiging ama ng batang ipagbubuntis mo.” Sabi niya "Teka? Babalik? Baka naman si Presidente ‘yan ah? Or si Pacman? Alam ko ngayon ang dating nila sa Pinas eh." Biro ko pa Pero hindi na naman ako pinansin nung manghuhula. "Wala ka na bang katanungan?" Tanong niya sakin Umiling ako ng nakangiti. Bigla siyang pumalad sakin. Sign na magbayad na daw ako. Hindi naman ako tatakas eh. "Naninigurado lang." Sagot no’ng manghuhula Takte, nababasa niya nga ang nasa isip ko! "Magkano ho?" Tanong ko "1000, 100 pesos ang bawat tanong naka 11 kang tanong pero bonus na ‘yong isa dahil ang itinanong mo naman eh 'magkano ho?'" Sagot niya Napakunot ang noo ko. Ang mahal ah? "Mahal talaga dahil mahirap manghula." Sagot na naman niya Inabot ko agad ang bayad at umalis na ako. Totoo kaya lahat ng sinabi no’ng manghuhula? Hindi kaya pinerahan lang ako no’n? Mabubuntis kaya talaga ako? Sino naman makakabuntis sakin? As if namang papayag ako? Niloloko yata ako no’ng manghuhula eh! Nagulat ako nang magring ang cellphone ko. Biglang may tumawag sakin. I picked up my phone. "Hello? Sabi ko "Te!!" Sigaw no’ng nasa kabilang linya Si Sophia, one of my married bestfriends. "Oh, Anong problema? Parang excited ka ah?" Tanong ko "Excited talaga ako, te! I don't know what to do! Nakakatuwa. May good news at bad news ako! Anong gusto mong mauna?" Sabi niya "May kinalaman ba sa buhay ko ‘yan? Baka sinasayang mo lang oras ko ah?!" Sigaw ko sa kabilang linya "Tange! It's all about you, te! Dali na, ano uunahin ko? Good news? Bad news?" Sagot niya "Siyempre. Good news muna." Sagot ko "Si Kristoff! Babalik na siya sa Pilipinas! Hahahahahahaha! Congrats!" Sigaw niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD