SA mga lumipas na araw ay naramdaman kong talagang isa na ako sa pamilyang ito, lalo na nang malaman nina Lola Miranda at Lolo Fernando ang relasyon namin ni Yohann. At aaminin ko, sobrang saya sa pakiramdam na 'yon. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng bagong pamilya na kung saan ay tanggap ako at pinapahalagahan kahit na wala akong masyadong bagay na kayang gawin. Na kahit isang simpleng tao lang ako ay ayos lang. Pero sa paglipas ng mga araw ay nararamdaman kong tila may mali. May kulang. May iba akong hinahanap. Kaya hindi ako tinigilan ng isiping iyon hanggang sa natanto ko kung ano iyon. Ang mali ay ang mga kasalanan ko at ang ginawa kong pagtakas mula pamilya ko. Akala ko ay sa ginawa kong paglayo sa pamilya ko ay tuluyan ko nang matatakasan ang mga kasalanan ko, pero nagkamali ako