BUMAKAS ang pagkabigla sa mukha ni Yohann nang maabutan niya ako rito sa kusina, mas nauna pang nagising kaysa sa kanya. Ang mag-asawang matanda naman ay mas maagang nagising sa akin at nagtungo na ng karinderya. Hindi pa niya nagagawang makabawi mula sa pagkabigla ay nagtungo na ako sa harapan niya at mabilis siyang dinampian ng halik sa labi niya. "Good morning, Yohann," malambing at nakangiti kong sabi. Napakurap-kurap siya habang nakatitig pa rin sa akin. "G...good morning." Napailing na lang ako at binalewala ang gulat sa boses niya. Isinukbit ko ang braso sa braso niya at iginiya siya paupo sa bangko. "Just sit here and don't move, okay?" bilin ko bago siya iniwan. Isa-isa kong inihain sa lamesa ang almusal na ginawa ko. Dahil hindi naman ako marunong magluto, bumili na lang ak