Chapter 1 - The Most Expensive

1411 Words
MABILIS ang bawat paggalaw ko. Ni hindi na ako nag-abalang tiklupin ang mga damit ko habang ipinapasok ito sa loob ng maleta. Lutang pa rin ako dahil sa mga nangyari. Ang tangi ko lang naiisip ay ang lumayo sa lugar na ito para takasan ang lahat ng problema. Hindi ko hahayaan na mangyari ang banta sa akin ng kapatid. Hindi ko hahayaang makulong ako! I’m Chloe Montealegre, the high and most expensive Montealegre. They can’t do this to me. I won’t let them! Nang matapos sa pag-eempake ng damit ay malalaki ang hakbang kong lumabas ng bahay. Akmang sasakay ako sa kotse ko nang mapatigil. If I use my car, they can easily track my location. Dahil sa naisip ay napagpasyahan kong magpatawag na lang ng taxi sa security. Hindi ako puwedeng mag-book ng grab dahil baka ma-trace lang ako ng pamilya ko, kaya mas mabuti na ang mag-ingat. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan kong paganahin ang utak ko. Dahil isang maling galaw ko lang ay maaaring sa kulungan ang magiging bagsak ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay habang hinihintay ang sundo. Bahagya lang akong kumalma nang dumating na ang taxi para sunduin ako. “Ma’am, saan po tayo?” tanong ng driver nang makapasok ako sa loob. Saglit akong nawalan ng imik. Blangko ang utak ko dahilan para wala akong maisip na lugar na puwedeng puntahan. Hindi ako puwedeng magtago sa properties namin o kahit sa mga kaibigan ko dahil paniguradong hahanapin ako ng pamilya ko sa kanila. “Just… just drive,” nauutal kong sabi, wala pa rin sa sarili. Kita ko sa rear mirror ng sasakyan ang pagkunot ng noo ng driver, pero kinalaunan ay tumango na lang at pinausad na ang kotse. Huminga ako nang malalim at isinandal ang sarili sa kinauupuan. Ngayon ko natantong wala pala ako matataguan. Kung lalabas naman ako ng bansa ay paniguradong malalaman ito ng pamilya ko, at sa huli ay siguradong susundan. Hindi puwedeng mahanap nila ako. Hindi puwedeng mahuli nila ako. Napatingin ako sa bintana ng kotse nang may mapansin. Nagsisimula na ang pagbuhos ng ulan. Malalaki ang bawat patak nito na tumatama sa bintana at bubong ng sinasakyan kong taxi. Sumasabay naman sa pagpatak ng ulan ang malalakas na kulog at kidlat. I smiled bitterly while still watching the rain outside. Tila ba nakikiisa sa akin ang panahon sa nararamdaman kong kalungkutan. Tila ba ang langit ang lumuluha para sa akin. I never knew it would be like this. Ang gusto ko lang naman ay protektahan ang kapatid ko sa sakit na dala ng babaeng ‘yon, pero hindi ko inakalang ako pala ang magdudulot sa kanya ng matinding sakit. Kung dapat man siya protektahan, dapat ay mula sa akin ‘yon. Ako ang matinding banta sa kanya. Sobrang dilim na ng kalangitan pero patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan, walang tigil. Ganoon din ang pag-usad ng sinasakyan ko na hindi alam kung saan ang eksaktong destinasyon. “Ma’am, saan po ba kayo bababa? Kanina pa po tayo bumibiyahe,” tanong sa akin ng driver dahilan para mapatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang natantong nakalayo na pala kami at ngayon ay nasa isang liblib na lugar. “Hanapan mo ako ng hotel.” “Pero mukhang wala pong hotel sa lugar na ito,” tugon ng driver. “E ‘di maghanap ka!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko nang sabihin ‘yon. Anong klaseng sagot ang isinagot niya sa akin? Kung alam naman pala niyang wala ay maghanap siya ng solusyon para makakita ng hotel. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagsigaw ko dahilan para lingunin niya ako at samaan ng tingin. “Ma’am, kinakausap po kita nang maayos kaya sana ay huwag mo akong sigawan.” Inis akong ngumisi. “Nagrereklamo ka? Wala kang karapatan na gawin ‘yan dahil babayaran naman kita. I can give you a million if you want! Magkano ba ang kailangan mo? Tell me and I will give it to you!” Bumakas sa akin ang pagkagulo nang biglang iniliko ng driver ang kotse sa tabi ng kalsada. “Hindi ko gustong gawin ito sa ‘yo, pero sana ay matauhan ka na hindi lahat ng tao ay mabibili mo sa pera. Kung sino pa ang mukhang edukadong tao ay siya pa ang bastos.” Puno ng galit ang mga mata niyang nilingon ako rito sa backseat ng taxi niya. “Bumaba ka na ng taxi ko. Hindi ko kailangan ng pera ng isang kagaya mo!” Nanlisik ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang driver. Sino siya para gawin ito sa akin? At sino siya para magmalaki sa akin? Sinusubukan niya pang maging mapaglinis, pero ang totoo naman ay lahat ng tao ay mabibili ng pera. At sigurado ako, isa na siya roon. “Baba!” Halos mapatalon ako sa gulat at pinaghalong takot nang marinig ko ang malakas niyang sigaw. Dala ng takot na baka may gawin siyang masama sa akin dala ng galit, kahit umuulan ay wala akong nagawa kundi ang bumaba ng taxi habang hila-hila ko ang nag-iisang maletang dala ko. Nang makababa ay walang ano-anong humarurot ang taxi palayo sa akin. Napapadyak ako sa inis habang pinagmamasdan ang papalayo nitong pigura. “Mabangga ka sana!” inis kong sigaw, nagpupuyos sa galit. Napatingin ako sa paligid at bahagyang napapapikit sa bawat buhos ng ulan dahilan para hindi ako makakita ng maayos. Bukod sa pagiging madilim ng kalangitan ay wala rin masyadong ilaw sa kalsadang ito. Ginamit ko ang kamay upang maging panangga sa ulan at tinahak ang daan kung saan ay may natanaw akong ilaw. Nang makarating doon ay may naabutan akong dalawang lalaki na nakasilong sa waiting shed habang nagsisigarilyo. Natuon ang atensiyon nila sa akin nang mapansin ako. “Saan dito ang may pinakamalapit na hotel?” tanong ko sa dalawang lalaki, hindi na nag-abalang batiin sila. Nagkatitigan silang dalawang at muling bumalik ang atensiyon sa akin. “Mukhang naliligaw ka yata, Miss,” sambit ng isa sa kanila. Napaatras ako nang mapansing may kakaiba sa kanila. Bukod sa pagiging pangit nila, mga mukha rin silang masamang loob. “Hindi na pala… Ako na lang ang maghahanap,” nauutal kong sabi at maglalakad na sana paalis, pero halos lumuwa ang mga mata ko sa takot nang mapansing tumayo ang dalawang lalaki mula sa pagkakaupo at mabilis na lumapit sa akin. Napahiyaw ako sa sobrang takot at pagkabigla nang hablutin ng isa sa kanila ang hawak kong maleta. Hindi pa sila nakuntento at pati ang hawak kong wallet ay hinablot din nila sa akin. Sa sobrang takot ay hindi ko na naisip na manlaban pa sa dalawang lalaki. Sa halip ay kumaripas ako ng takbo palayo sa kanila. Mas mabuti nang makuha nila ang mga gamit ko kaysa may gawin sila na mas masama sa akin. Takbo lang ako nang takbo kahit ramdam ko na ang matinding sakit sa paa ko dala ng suot kong heels. Halos mapamura naman ako nang maramdaman ko ang pagkaputol ng takong nito dahilan para sumubsob ako sa kalsada. Natulala ako nang maramdaman kong nakasalampak na ako sa gilid ng kalsada habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Walang buhay akong natawa nang matanto ang kalagayan ko. Nasa gitna ako ng isang liblib na lugar kung saan walang masyadong dumadaang sasakyan. Bukod dito ay malalim na ang gabi at wala pa rin tigil ang pagpatak ng ulan. At ang panghuli, ang lahat ng gamit ko: kasama na roon ang wallet ko, mga I.D., at mahahalagang bagay para sa akin ay nakuha ng dalawang lalaking akala ko ay makakatulong sa akin. Pumikit ako at dinama ang pagpatak sa akin ng ulan. Ramdam ko na rin ang sakit sa katawan ko na sa tingin ko ay dala ng pagkakasubsob ko sa kalsada. Bukod doon ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng ulo ko. Why my life has to be like this? Bakit ang pinagmamalaki kong pangalan, ang pangalan na sa tingin ko ay pinakaangat sa lahat, ay hindi ko magamit para matulungan ako sa sitwasyon ko ngayon? Nasaan na ang mga taong tinitingala ako? Nasaan na ang mga taong handang magpa-alipin sa akin, maambunan lang ng kayamanan ko? Kahit pakiramdam ko ay mabigat na ang talukap ng mga mata ko, pinilit ko ang sariling dumilat nang marinig ang malakas na pagkulog at pagkidlat. Napatitig ako sa kalangitan na tanging dilim lang ang nakikita ko. Muli akong pumikit dala ng pagiging mabigat ng talukap ng mga mata. Pero bago tuluyang kainin ng dilim ang paligid ko ay nakarinig ako ng tunog ng humaharurot na sasakyan at ng isang matinis na tunog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD