"Galing ah naka eksena ka agad kay Gov. Kian," taas kilay na saad ni Molly sa kanya nang matapos na ang pamimigay ng tulong sa mga kababayan nilang naroon. Maraming mga kabataan ang naroon para mag volunteer sa pag-aabot ng tulong, hindi na siya magtataka kung bakit mas marami ang mga kabataang babae kesa sa mga lalake ang naroon para tumulong kay Gov. Kian. Katulad rin niya at ni Molly ang dahilan ng mga babaeng kasama nila roon, ang makapag pa cute sa gwapong Gobernador. "Hi, Molly. I didn't know na narito ka," she said with a smile para inisin ang dating kaibigan na todo taas ang kilay. Nakita niyang napikon si Molly sa kanya kanina dahil hindi na niya tinantanan pa si Gov Kian habang nag-aabot ng tulong. Nanatili siya sa tabi ni Gov para wala ng babaing makalapit pa rito lalo na si