When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
PAULINE POINT OF VIEW Uwian na ulit ngayon at naglalakad na naman kami ni Achiara. Hindi na gaanong mainit ngayon pero nakapayong pa rin ako. “Oo nga pala, ilang buwan na lang panahon na naman ng pag-ulan ng yebe. Nasasabik na ako dumating ulit ang araw na 'yon!” natutuwang saad nu Achiara. “Ako rin, hindi na ako makapaghintay na dumating ulit ang panahong iyon! At alam mo na, syempre sa panahong 'yon ay kaarawan ko na naman!” natutuwa ko ring tugon sa kaniya. “Oo nga pala! Tapos pagkatapos n'on ay tag-init na ulit pero araw na rin ng pagtatapos natin sa pag-aaral! Ang saya-saya!” Tama si Achiara, ang saya nga niyon. “Tama ka! Sisimulan ko na ang pagtatahi ulit ng makakapal na damit at tela para sa araw ng tag-lamig!” ani ko at masayang-masaya kami habang nasa isipan namin iyon.