Nahirapan si Pauline na matanggap na ikakasal siya sa Young Master dahil sa isang tradisyon. Hindi niya rin ito maaaring takasan sapagkat may parusang kapalit. Kaya naman, napilitan siyang sumunod na lamang.
Sa pagsapit ng takdang araw na ikakasal na siya, doon niya lamang makikita ang lalaking pakakasalan. May magbabago kaya kung sakaling makilala niya na kung sino ang young master? Ang kasalang hindi ginusto ay unti-unti bang matatanggap? Mauuwi ba sila sa pag-iibigan o sa hiwalayan?