Chapter 15_Secret Pitik

2045 Words

"Nandito na tayo," saad ni Gavin na agad hininto at pinatay ang makina ng kotse. Agad itong bumaba upang matulungan ang kapatid na nasa likod. Nagmadali rin si Cadnys na i-assist si Glenn, ibinaba niya ang wheelchair, nang makaupo na ito ay siya namang paglabas ng batang paslit mula sa bakod na yari sa kawayan. "Ate! Ate Cadnys! Dumating ka na!" tumatakbong bungad ng batang tantya ni Glenn ay nasa edad lima o anim. "Gido!" niyakap din ito ni Cadnys, at halatang nananabik sa yakap ng paslit. Napangiti ang dalawang binata na nasa gilid lang. "Namiss kita ate, bakit ngayon ka lang umuwi, marami ka bang pasyente sa hospital?" saad pa ng paslit saka nabaling ang mga paningin kay Glenn na noo'y nakasakay sa wheelchair. "Sino po siya?" takang tanong nito kay Glenn. Halatang curious sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD