Nanghihina si Glenn sa oras na iyon, hindi niya alam kung nasaan siya. And how come that those wires are connected in his hands. “The fvck is this?” bulalas niya saka mabilis na pinagtatanggal ang IV niya.
“Oh no! Huwag mong tanggalin!” sansala ng ‘di niya kilalang babae. Halatang umiyak ito dahil sa pamamaga ng mata.
“And who are you?” baling niya sa babaeng iyon. Nakita niya kung paano lumuwang ang bibig nito at namilog ang mga mata.
“Oh my god, h-hindi mo na ba ako natatandaan?” naiiyak na sambit ng babae habang nakatakip sa sariling bibig ang kaniyang kamay.
“Sino ka ba?” pagbabalik-tanong pa nito.
“I’m your girlfriend!” pagtutuwid ng babae saka niyakap siya.
“Ha? G-girlfriend?” nagkanda-gatol-gatol na sambit ni Glenn saka dahan-dahang napaupo nang tuwid sa kamang iyon.
“Wait, huwag ka munang gumalaw, baka mabinat ka.” Humawak sa kamay nito ang babae. Hindi man aminin, pero parang ramdam ni Glenn na bahagi ng resistensya niya ang himas at hawak ng babaeng kasama niya.
“A-anong pangalan mo?” ani Glenn.
“I’m Sofia.” Ngiti nito sa kaniya saka malambing na inilapit ang malulusog na dibdib nito at niyakap ang ulo niya.
“I’m sorry, babe. Hindi ko alam na magiging ganito ang vacation natin,” ani pa nito na ipinagtatatka ni Glenn.
“Ha? Nasaan ba tayo ngayon?” wala sa hinagap na tanong niya, dahil wala talaga siyang matandaan, aside his name, his address, and his brothers.
“Nasa Utah tayo, dinala mo ako rito to celebrate our anniversary,” sabi pa ni Sofia na ubod-tamis na humalik sa pisngi niya.
“W-what? Were in abroad? And we’re having an anniversary? Bakit saan ba tayo nagkakilala? Taga Cordova ka ba?”
“No. You’re my boss, remember, may-ari ka ng Malaya Cinema, you’re a director…” pagpapa-alala pa ni Sofia kay Glenn, pero hindi talaga nito maalala ang lahat, aside sa nagtapos siya sa Cordova ay wala na siyang naaalala bukod roon. Hindi niya maintindihan kung bakit may kompanya siya at kung bakit napadpad siya sa Manila gayong nasa Cordova naman ang pamilya niya. Naalala pa niya noon na sa kaniya sana ihahabilin ng papa Primo niya ang Hacienda nila, ang rancho at ang mga bukirin, dahil sa pagkaka-alala niya, his brother Gavin decide to took the responsibility of their resort, while his other brother, Gio will stood as the replacement of the candidacy as governor title of his father in their town.
“Bakit napunta ako sa Manila?” mahinang tanong ni Glenn sa sarili.
“Eh hindi ko alam, anyway, sabi mo sa akin noon, you want to have a space on your own kaya nagtayo ka ng company. Isn’t that great? Ang layo na ng narating mo…” ngiti ng dalaga na parang alam yata ang nangyari, na gayong hindi niya maalala ang pinagsasasabi nito.
“Where’s my parents, alam na ba nila ang nangyari?”
“They’re coming. Nakausap ko na ang mommy mo, I mean, si mommy pala…”
Napaisip si Glenn sa inasal ni Sofia na para bang close n ani Sofia ang mama Katie niya.
He sighed. Naisip niya sa sarili kung ano ba ‘tong napasukan niya. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa buhay niya, makalipas ang mga sandaling nagtapos siya sa kolehiyo. All he knew was he’s been in-love to someone that he wants to be his girl, na gusto niyang ipakilala sa pamilya niya…hindi si Sofia iyon, hindi ang babaeng kasama niya ngayon, it is Cadnys. His first love.
Ilang sandali ring naghintay si Sofia sa result ng doctor, at doon nga’y napag-alaman nilang may retrograde amnesia si Glenn, may part sa memorya niya ang nawala, at ang sabi’y eventually ay babalik din naman iyon. Kailangan nitong magpahinga lalo pa’t nabali ang kaliwang binti ng lalaki. Pero may tyansa pa naman itong makalakad, ang dapat lang nitong gawin ay ipahinga ang sarili at inumin ang mga niresetang gamot sa kaniya.
“He will be on a wheel chair for a couple of months, but if there’s a recovery, baka mas mapaaga ang pag-galing niya. He needs someone, I recommend you to hire some nurse.” Iyon ang sabi ng doctor kina ginang Katie at ginoong Primo sa oras na iyon. Kararating lang sila sa hospital doon sa Utah. They rushed just to see Glenn’s situation. Kalunos-lunos ang kalagayan nito.
The police report and gave them the incident papers, and the details they needed. Nakita rin nila ang kasama ni Glenn na si Ms. Sofia Mercel. Ani ng Malaya Cinema staffs, iyon umano ang sekretarya ni Glenn. And some rumors told them that she is his fling.
Kasalukuyang natutulog si Glenn nang dumating sila, kaya agad na kinausap nang masinsinan ng mag-asawa ang babaeng si Sofia.
Nakaupo sila sa isang cafeteria na nasa loob lang din ng hospital ground.
“So, ikaw pala ang sekretarya ng anak ko?” Rinig ni Sofia ang pagkasopistikada ng boses ng ginang. Maging siya’y natitiklop dahil nanliliit siya sa sarili, but she guesss, hindi naman masama na ipakita niya ang tunay niyang ugali.
“Yes maam, I am.” Pormal na saad ni Sofia saka ngumiti.
“Kung gayon, pwede ba rin naming malaman kung may relasyon ba kayo?” si Primo.
“Yes, sir. He is my boyfriend. Actually, nag-proposed na po siya sa akin dito sa Utah, kaya nagpunta kami rito, kaso naiwala ko ang singsing noong naaksidente kami,” nalungkot ang mukha ng babae at ipinakita ang sariling daliri na wala nang nakasuot na singsing.
“Ganoon ba, h-hindi kasi namin maintindihan kung bakit inilihim sa amin ni Glenn ang relasyon ninyo, hindi kasi namin alam na…” hindi naituloy ni ginang Katie ang pagsasalita nang barahin siya ni Sofia.
“Ako po kasi ang nagsabi sa kaniya, ayoko po kasi na sabihin sa nakararami, alam n’yo naman po ‘di ba na nasa showbiz po kami, and I don’t want to make rumors, lalo pa’t isang sikat na director si Glenn. Alam ko na marami siyang tagahanga.” Pasubali ni Sofia na kahit pawang kasinungalingan lang naman ang ineembento niya.
“Ganoon ba?” pagkukumbinse ni ginang Katie sa sarili.
“Kung gayon, hindi na siguro lingid sa kaalaman mo na bilang magulang niya, gusto namin siyang alagaan at iuwi sa amin, doon sa Cordova, we need to take care of him,” si ginang Katie.
“Oh don’t worry, maam.. Ayos lang po sa akin ‘yon, actually, gusto ko nga pong sumama, gusto ko rin kasing pagsilbihan ang mapapangasawa ko.” Ngisi pa nito.
Naubo ang mag-asawang Guerrero sa sinabi nito. Aminado kasi silang may pagka-diretsahan kasi kung makapagsalita si Sofia. Prangka baga.
“Ah k-kung gusto mo, you can stay to our house as well, hindi ka naman iba sa anak ko. At mas mabuti na rin siguro para mas makilala ka pa namin…” saad ni ginoong Primo.
Sa sinabi ng ginoo ay may part sa puso ni Sofia ang natakot, alam niyang nag-te-take advantage lang siya sa pagkawala ng memorya ng amo niya, kahit alam niya ang kasunduan nila na ‘no strings attached, just pure play’, iyon ang sabi ni Glenn noong nagkaroon sila ng kasunduan.
“Sige, hija. Aasikasuhin na namin ang bills, para makalabas na tayo dito at makauwi na tayo sa Cordova.” Matamis na ngiti ng ginang.
“Sige po,” pabalik na ngiti ni Sofia sa ginang. Tumayo na sila at nagpunta sa billing station, habang si Sofia naman ay nagtungo sa kwarto si Glenn.
Kasalukuyan pa rin itong natutulog.
And so, napangisi siya at nagkibit-balikat. “And I will take care of you from now on, sir Glenn. Akin ka lang…” mahinang sambit nito saka mas lumuwang ang ngiti. Sa kinatagal-tagal ng pagtitimpi niya ay ngayon na rin pumabor sa kaniya ang panahon. Ulila na siyang lubos, at wala ng mga magulang, kumapit siya sa kung anu-anong patalim para lang mabuhay at makapag-aral, kaya ng matanggap siya sa kompanya ni Glenn, ay laking pasalamat niya rito. She did everything para akitin si Glenn at heto nga’t nakuha na niya ito, ang tanging gusto niya ngayon ay ang makuha ito totally, his richness, his popularity, his name, and his love.
***
Kakababa lang nila sa eroplanong pagmamay-ari ng kaibigan ng mag-asawa, mabuti na lang at mayayaman ito, kung kaya hindi na hassle ang pag-uwi. Iba talaga ‘pag may datung, may instant cash, lahat nagagawa mo. Iyon ang nasa isip ni Sofia that time. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Glenn, habang nakasunod naman sa kanila ang mag-asawang Guererro.
“Were here…” narinig nila mula sa ginang. Halatang nananabik siya sa anak, na matagal ring nawala sa kanila.
Mayamaya pa ay may bumungad sa kanila na dalawang magagarang kotse. Kotse iyon nina Gavin at Gio. Halos tumakbo ang dalawang binata para makita ang kapatid nilang si Glenn. And of course, their parents.
“Bro! Welcome home!” saad ni Gavin na unang niyakap ang kapatid na noo’y nakaupo sa wheel chair.
Kasunod si Gio na niyakap rin ang dalawa. Para itong mga bata sa oras na iyon, hindi maikakaila na malapit ang tatlong magkakapatid sa isa’t-isa.
“Wow, ang gu-gwapo pala ng mga anak ninyo, maam…mommy.” Pagtatama ni Sofia habang nakatayo sa likuran ni Glenn. Dahil doon ay natigilan ang dalawang lalaki.
Tiningnan nito ang mga magulang nila na halatang nagtatanong.
“Oh, mga hijo, meet Sofia, ang fiancée ni Glenn.” Sabi ni ginang Katie, rason para magulat ang dalawang kapatid nito.
“Really bro? Why you didn’t tell us?” gulat na tanong ni Gio. Agad din nitong sinuri ang mukha ni Sofia and smiled back.
“Hi, nice to meet you, Sofia. I’m Gio, their youngest.”
“Oh I see, you have such a nice face, ang gwapo mo.” Puri ni Sofia na nagtunog awkward sa part ng nakakarinig.
Tumikhim si Gavin at ngumiti. “And I’m the eldest, Gavin.” Tipid na sambit ni Gavin saka nakipag-shake hands kay Sofia.
“Oh, really, akala ko ikaw ang bunso, you look fair and masculine, siguro masarap ka este…masarap maging girlfriend mo, ehe.” Ngiti nito na halatang nagbibigay interest sa bawat isa sa kanila.
Tumikhim si Glenn. Halatang hindi nagustuhan ang tono nito.
“Come on, gusto ko nang umuwi sa mansion…I missed my room.” Sa sinabi ni Glenn ay agad na kinuha ng dalawang kapatid nito ang wheel chair at tulong-tulong na itinulak iyon. Naiwan sa likuran si Sofia with their parents. Mapaklang ngumiti si ginang Katie sa dalaga, habang wala namang emosyon ang mukha ni ginoong Primo na ipinakitang disappointed siya sa dalaga. Aminado kasi sila na may pagka-flirt nga ito. Tama ang bali-balita sa office nila na fling si Sofia, but they don’t know why Glenn proposed to her, they must know some details, at makikilala nila ito this time.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at hinayaan na lang ang narinig. Wala silang sapat na detalye ngayon para husgahan si Sofia, aside that she is nice, alam nilang mahal nito ang anak nilang si Glenn. And that’s what more important to them.