Chapter 1

2154 Words
CELESTINA'S POV “Ma, alis muna ako saglit!” sigaw na paalam ko kay Mama na abala sa mga halaman niya. Parang anak na ang turing niya sa mga iyon, wala naman siyang ibang pagkakaabalahan kaya okay lang sa akin. Binuksan ko ang gate namin para makalabas ako. Si Malou na ang bahalang magsara nito mamaya. Ang kasama ni Mama dito sa bahay kapag wala ako at nasa trabaho. Lumingon sa akin ang ina ko, may suot pa itong gloves at hawak na gunting. Tumayo siya at humarap sa akin. “Where are you going?” tanong niya habang nakasunod ng tingin sa akin. “Jackson called. Mukhang may big announcement raw siya,” nakangiting sagot ko kay Mama. Kilala naman ni Mama si Jackson dahil bata pa lang kami, kaibigan ko na iyon. “Sige, ingat ka,” saad ni mama. Kumaway ako sa at itinaas ang kamay kong naka-check sign sa ere bago ako tuluyang pumasok sa kotse ko. Linggo ngayon at walang pasok pero tumawag si Jackson. Maliban sa bestfriend ko siya ay siya rin ang boss ko. Apo si Jackson ng boss ng Lolo ko, dating driver si Lolo at naging malapit siya sa boss niya iyon din ang naging dahilan kaya naging close kami ni Jackson. Naging magkaibigan kami ni Jackson dahil madalas kaming magkalaro noong bata pa kami, may dalawa paa akong bestfriend na sina Reymond at Francis. Ang alam ko papunta din sila sa condo ni Jackson ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya at hindi pa niya sinabi sa akin kanina noong tumawag siya. Mukhang importante dahil talagang pinapapunta pa niya ako sa condo niya. Makalipas naman ang trenta minuto ay nakarating na ako sa building na pagmamay-ari rin ng pamilya niya. Isa lang sa mga negosyo nila ang condominium building na ito. I have a very rich bestfriend. Nang mag-park ako ay nakita ko na ang sasakyan ni Reymond na naka-park na. Ibig sabihin ay nandito na siya. Excited na bumaba ako ng kotse ko. Kilala naman na ako ng mga guards dito, kaya ng makita nila ako ay bumati pa sila sa akin. Dati na akong pumupunta rito. Naging tambayan na rin namin ang condo ni Jackson dahil siya lang naman sa aming apat ang may sarili ng space mula noong college pa kami. Agad na pumasok ako sa elevator at pinindot ang number 12 na button kung saang floor naroon si Jackson. Napatingin pa ako sa dalawang mag-jowang kasabay ko na naghaharutan. Tumingala na lang ako at tinitingnan ang numero na lumalabas sa itaas habang nakasandal sa may likuran. Nang tumunog nag-eleven na ay umayos na ako ng tayo at agad akong lumabas nang makarating ako sa 12 floor. Napangiti ako nang makita ko ang pintuan ng condo ni Jackson. Hindi na ako kumatok at agad na binuksan ko iyon habang malaki ang mga ngiti ko. Napatingin naman sila sa akin nang makita nila akong pumasok, pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong tahimik sila lalo na si Francis na madalas ay nangungulit. Akala ko nga wala pa siya dahil wala naman ang sasakyan niya sa ibaba. Malamang ay kay Reymond na naman siya sumabay. Medyo may katamaran kasi itong magmaneho. “Anong meron?” nagtatakang tanong ko sa kanila at pabagsak na naupo ako sa pagitan nina Rey at Francis. Mahaba naman ang sofa kaya kasya kaming tatlo, agad naman kinuha ni Rey ang throw pillow na nasa likuran ko para yakapin iyon. Napatingin ako kay Jackson na nasa katapat namin. Solo itong nakaupo sa couch na pandalawahan. Kinunutan ko siya ng noo habang nagtatanong ang mga mata ko. “Anong nangyari sa inyo? Napipi ba kayo? Bakit ayaw ninyong magsalita? May mamatay ba kapag umimik kayo?” tanong kong muli sa kanila. Hindi ako sanay na tahimik sila. Kapag magkakasama kasi kami, ako na lang ang sumusuko sa ingay nila. “Shhh...” saway sa akin ni Reymond. Tumingin ako kay Francis na biglang hinawakan ang kamay ko pinaglaruan ako. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya, sanay na ako sa pagiging clingy ng isang ito. Madalas nga ay napapagkamalan siyang boyfriend ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Jackson, pero agad din iyong nawala ng magtama ang mga mata namin. “Boss, pinatawag mo ba kami dito, para lang titigan?” hindi na naman nakatiis na tanong ko sa kaniya. Tumikhim ito pero bigla akong napapikit nang may maamoy akong mabango. Suminghot -singhot ako. May mabaango talagang niluluto na nanggaling sa kusina. “Who's in the kitchen?” nagtatakang tanong ko sa kanila. May naamoy kasi akong parang pancake. Ibig sabihin may nagluluto, maliban na lang kung sa katabing condo iyon. Nasagot ang tanong ko nang lumabas ang isang babae na naka-apron pa. Malaki ang ngiti nito at lumapit sa may tabi ni Jackson. “Ma'am Celestina, nandito na po pala kayo,” bati nito sa akin habang nakangiti. “Pasensya na, nagluluto kasi ako ng meryenda.” “Bakit ikaw pinapagluto? Inaabuso mo naman yatang masyado ang sekretarya mo, Jackson. Sunday ngayon, dapat rest day niya,” baling ko sa boss at the same time ay bestfriend ko. Si Christine ay ang sekretarya niya. Sa pagkakaalam ko, three months pa lang niya itong sekretarya. Dati itong nasa executives department, nalipat lang mula nang umalis ang dating secretary ni Jackson at ito nga ang pumalit. Kilala ko siya dahil sa iisang kompanya lang naman kaming dalawa nagtatrabaho at madalas ko siyang makita. Head lang ako ng accounting, kaya mas superior ako sa kaniya sa position namin at Ma'am ang tawag niya sa akin. Pero kung sa edad ang pagbabasehan, mas matanda siya sa akin ng siguro ay apat na taon. Napatingin ako sa kamay niya nang bigla iyong hawakan ni Jackson. Naramdaman ko rin ang pagdiin ng hawak sa akin ni Francis, kaya napatingin ako sa kaniya. “I called you here because you guys are my friends and I want you to meet my girlfriend,” basag ni Jackson sa katahimikan at hinila niya paupo sa tabi niya si Christine. Natigilan ako. Napatingin ako sa kamay nila na magkahugpong ngayon. Doon pa lang sa paghawak nila ng kamay may ideya na ako, pero ang marinig mismo iyon sa bibig niya, parang hindi ko pa rin mapaniwalaan. Medyo nanginig ang kamay ko kaya mas humigpit ang hawak ni Francis doon, dalawang kamay na niya ang nakahawak doon upang itago ang panginginig noon habang ang isa ko namang kamay ay inilagay ko sa ilalim ng hita ko. Parang may kutsilyo na sumaksak sa puso ko at pinaikot pa iyon para mas lalo akong masaktan. “Isn’t she married?” hindi ko mapigilang tanong ko. Nagpasalamat ako na hindi ako nautal habang nagsasalita kahit na parang may malaking bato na nakaharang ngayon sa lalamunan ko. Ngumiti ako ng pilit at kumurap para masiguradong walang luhang papatak mula sa aking mga mata. Bahagya akong suminghot pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko upang itago ang nararamdaman ko. Paanong girlfriend niya si Christine? Sa pagkakaalam ko ay may anak at asawa na ito. Hindi naman ako tsismosa pero hindi naman lihim sa amin ang tungkol sa bagay na iyon dahil noong minsan na magka-team building kami last year ay napabanggit pa niya ang anak niya, hindi pa siya secretary ni Jackson noon. “They are already separated,” sagot ni Jackson. “But she is still married. Isa ka pa ring kabit,” may diing sagot ko. Nakita ko ang paggalaw ng mga panga ni Jackson dahil sa sinabi ko. Maaring hindi niya nagustuhan ang naging tabas ng dila ko, pero hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko lang inaasahan. Saka kailan lang ba naghiwalay si Christine at ang asawa nito? Hindi ko alam pero sigurado ako na kailan lang niya ito naging secretary. Na-inlove sila ng ganoon kabilis? “Cel, enough,” saway sa akin ni Reymond. “He is old enough to know what is wrong and what is right.” Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. Kinukunsinti niya si Jackson? Kahit hiwalay na si Christine sa asawa niya, kasal pa rin ito. “Hiwalay na kami. Magpa-file na rin ako ng annulment. Kaya huwag kang mag-alala,” nakangiting saad ni Christine. “I love her. I just want to introduce my girlfriend to you, but I am not asking for an opinion. I know what I am doing,” matigas na saad ni Jackson at nakita kong mas humigpit ang hawak niya sa kamay ni Christine. Ngumiti naman ng matamis sa kaniya si Christine. Parang ilang ulit akong sinasaksak sa nakikita ko. Tumango ako. Wala naman na akong magagawa. Choice niya iyon. “Since when?” “We've been dating for two months now,” sagot ni Jackson. Nakagat ko ang labi ko sa loob ng bibig ko. Ramdam ko ang sakit noon, pero hindi ko ipinahalata. Walang ibang pwedeng makaalam ng nararamdaman ko ngayon. Matagal na palang silang may relasyon. Ibig sabihin one month pa lang si Christine bilang secretary niya may unawaan na sila. One month. Ganoon kabilis? “C-congrats kung ganoon,” hindi ko na mapigilang mangatal ang boses ko pero agad naman akong nakabawi at ngumiti sa kanila. “Yes, congrats sa inyong dalawa. Hindi naman kami tutol sa inyo. Masaya kami,” mabilis na sang-ayon ni Francis sa sinabi ko na para bang pinagtatakpan agad niya ang bahagyang panginginig ng boses ko. “But I have a favor; can you guys keep it as a secret for a while?” saad ni Jackson dahilan para mapatingin kami sa kaniya. “Okay,” mabilis na sagot ni Reymond. “Pero hanggang kailan? Matagal ang proseso ng annulment dahil wala pa namang divorce sa bansa.” Nabaling muli ang atensyon ko kay Francis nang hilahin niya isa-isa ang daliri ko. Pinipilit niyang kunin ang atensyon ko para hindi ako napatingin kina Jackson at Christine. Mahihirapan talaga silang ipaalam sa iba ang relasyon nila. Una dahil boss at secretary sila, pangalawa may asawa at anak si Christine. Pangatlo, siguradong hindi papayag si Lola Martha. “Until we are ready to announce it,” sagot lamang ni Jackson. Nagtama ang mga mata naming dalawa at ngumiti ako sa kaniya kahit na parang pinapatay na ako sa loob. Ang hirap maging masaya para sa kaniya habang lihim na nasasaktan ako ng sobra. Gusto ko siyang maging masaya. Alam ko naman na darating ang oras na ito, pinaghandaan ko na ito ng matagal na panahon, pero hindi ko inakalang sobrang sakit pa rin pala. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ko nagbi-breakdown, kasi hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng malaman ang nararamdaman ko kaya kahit gusto ko nang umiyak ngayon ay pinipilit kong ngumiti at umaktong ayos lang. Masakit. Sobrang sakit. Pero sa ngayon, bawal pa tumulo ang mga luha ko. Mamaya na kapag wala nang nakakakita sa akin. Hindi rin kami nagtagal sa condo ni Jackson. Biglang nagyaya si Francis na umuwi na kami at talagang hinila niya ako patayo kaya napahawak ako sa kamay niya. “Bagay po kayong dalawang,” magalang na saad ni Christine. “Huwag mo na kami i-po. Tawagin mo na lang kami sa pangalan namin dahil mukha namang mas matanda ka sa amin, isa pa, girlfriend ka na ngayon ng kaibigan namin. Pero don't ship us too. She's like a sister to me,” sagot ni Francis kay Christine. “Una na kami, 'tol. Baka kasi may date pa kayo, baka nakakaabala pa kami,” paalam nito kay Jackson na tumango lang bilang sagot. “Congrats ulit, ” saad ko bago tumalikod sa kanila. Agad na lumabas kami ng condo. Tahimik lang ako habang nasa elevator. “He will be in trouble,” biglang saad ni Reymond. “Siguradong magagalit si Lola Martha kapag nalaman niya ang relasyon nila.” “Ang daming babae sa mundo, sa may asawa pa siya pumatol. Masyado siyang bulag para hindi mapansin ang isang taong nagmamahal sa kaniya,” sagot naman ni Francis. “Who?” Reymond asked. “I mean, marami. Bakit hindi na lang siya doon pumili? Mayaman naman siya, may hitsura, matalino. Totoo palang nakakatanga ang pag-ibig, 'no? Parang ayaw ko na tuloy ma-in love,” wika ni Francis. Nanatili akong walang imik. Hinayaan ko lang na mag-usap silang dalawa. Wala akong ganang magsalita. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang gumuho bigla. Nang makababa na kami ay sa akin sumabay si Francis, pero siya ngayon ang nasa driver seat. “Wala nang makakakita sa iyo. Pwede ka nang umiyak,” saad nito. Tila naging hudyat ang sinabi niya para bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak. Napahagulhol ako habang nakayuko at nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan ko kaya walang makakakita sa akin. Ang sakit. Parang pinipiraso-piraso ang puso ko. Iyong lalaking minamahal ko ng matagal na panahon ng palihim, may girlfriend na ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD