PROLOGUE

961 Words
PROLOGUE 8 months ago Kasalukuyan akong nagdadrive ng kotse  ko at kanina pa tawag ng tawag ang mga kaibigan ko dahil hindi ako nakapagpaalam na aalis ako sa bar.Tumawag kasi sa akin si Mommy na kailangan ko na daw umuwi dahil may napaka  importante daw siyang sasabihin. Hindi naman ako matahimik dahil parang may mali sa mga ikinikilos ni Mommy ngayong gabi lalo na sa pag sasalita niya. Basta may mali. Nang may makasalubong ako ng napakatulin na kotse at kung hindi ako iilag paniguradong magkakabanggaan kami at paniguradong maaaksidente kaming pareho. Ganun nalang ang gulat ko ng umiwas sa akin ang kotse at tumama ito sa Concrete na pader sa halip na sa kotse ko mismo ito tatama kaya nakita ng dalawang mata ko ko kung paano sumalpok ang kotse. At kung gaano ito kadelikado at kagrabe Nagmamadali akong bumaba ng kotse at dali daling pumunta sa kotseng sumalpok na ngayon ay yupi na ang harapang bahagi  sa lakas ng pagkakabangga. Bago paman mapano ang kung sino mang driver ng kotse kailangan kong tingnan at tulungan  kung sino man siya dahil paniguradong kailangan niya ng tulong ko.. Walang ganong dumadaan na kotse dahil malalim na ang gabi isabay mo pa ang malakas at walang tigil na ulan kaya hindi mo maaninag kung ,ay tao ba sa paligid. Pwersahan kong binuksan ang kotse  ganun nalang ang gulat ko ng makita ko na babae ang driver at kasalukuyang walang malay na nakakasiguro akong tumama ang ulo sa lakas ng impact ng pagbangga. Kahit delikado na ang lagay ay napasadahan ko pa ang mukha niyang walang malay at damit niyang purong puti. Aakalain mong anghel siya kung hindi lamang dahil sa umaagos na dugo niya sa ulo ay aakalain mong natutulog lamang  siya. Mabilis pero maingat ko siyang binuhat papunta sa kotse ko saka ako nagmamadaling pumunta sa may pinaka malapit na Ospital. Sinalubong naman ako agad ng mga nurse na maingat na binuhat ang misteryosang babae. “Miss! Miss! gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo iligtas nyo siya” tanging tango lang ang naging sagot ng nurse at nagmamadali na ipinasok siya sa loob ng ospital at inasikaso siya ng mga doctor at nurse. Ngayon lang ako naka experienced ng ganung eksena. Parang agaw buhay ang nangyari kanina. Isang katakot takot a na trahedya sa isang madilim na lugar kasabay ng malakas na ulan. Paano lung wala ako dun sino ang magliligtas sa kanya sa ganitong oras. Ngayon ko lang nakita na kanina pa pala nagriring ang Cellphone ko at tumatawag si Mommy. "Hello mom." “Anak where are you you need to go home now your father is here.” para akong naestatwa sa narinig ko. Kahit kailan hindi ko nakilala ang tunay kong ama tanging si mommy at lola lang kinalakihan ko sa loob ng labing walong taon. Ni anino at mukha niya ay hindi ko kilala pero  bakit sa ganito namang sitwasyon at pagkakataon  kung kailan may disgrasyang nangyari. "Okay mom, Im coming." Napabuntong hininga  nalang ako. Kailangan kong umuwi. Gusto ko pa sanang bantayan ang babae para masiguro na ayos na ang lagay niya hanggat maaari ayaw ko siyang iwan dahil naawa ako sa kalagayan niya dahil paniguradong matindi ang tinamo niyang sugat sa ulo. Inayos ko ang ma dapat ayusin. Sinigurado ko muna na aasikasuhin siya ng mga nurse at doctor saka ako umalis Kinabukasan sinubukan kong bumalik sa Ospital na pinagdalhan sa kanya para malaman ko na din ang pangalan ng babae na niligtas ko nagtataka akong walang makapagsabi kung nasaan na ang dinala kong babae. Iniwan ko lang siya saglit. Pero wala na akong nadatnan ni Anino nito wala. “Miss, pwede magtanong saan dito yung babaeng dinala kagabi mga 10:00 PM yung nabundol ang kotse ako kasi ang nagdala kagabi sa kanya dito gusto kolang icheck kung okay lang.” maayos kong tanong kahot na gusto kong halughugin ang buong Ospital makita lang ang babae at masiguradong ayos ang lagay nito. Tumango lang ang nurse. “Sir, sure po ba kayo na dito nyo siya dinala wala po kasing records na may dinalang babae kagabi puro buntis at mga lalaking sugatan lang po ang sinugod dito kagabi. Sandali lang po nandyan po ang head nurse namin wala napo kasi ang mga doctor na nakaduty kagabi tatawagan ko lang po” Tumango nalang ako. “Sir, sasamahaan kopo kayo sa office” pag aaya niya sa akin matapos makausap ng sinasabi niyang nurse. “Good morning” bato ko pagkatapos kong pumasok sa Opisina “Good morning, Im the head nurse of this hospital sinabi sa akin ng nurse na pinagtanungan mo na may hinahanap ka daw na pasyente na dinala kagabi?” Tumango lang ako. “Nagtataka nga kami kung bakit nawala ang mga records ng dinalang babae kagabi ako panga  ang nag assist sa doctor na nagbigay ng first aid dahil seryoso ang lagay niya. Dumating din ang mga kamaganak  niya ang alam ko ay tinransfer siya sa mas maayos na ospital dahil hindi kaya ng Ospital na ito na harapin ang kondisyon nila” Pamilya? Pero paano? bago ako umalis ay tumaag ako sa pulis para matulungan akong maiidentify ang ang babae pero ni isa sa mga pulis walang makapagbigay ng mga impormasyon. Maging ang kotseng ginamit ay walang plaka at hindi malaman kung kaninong kotse iyon at kanino nakapangalan. Kaya walang makapag identify sa babaeng dinala ko. Paanong nangyari yun. “Ayos naman po ba ang lagay” Pagtatanong ko. Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang ipinukol sa akin ng headnurse at nasisigurado kong hindi maganda ang lagay niya. “Hindi ko lang alam dahil matindi ang inabot ng pasyente nung dumating ang mga pamilya niya agad ding mga nawala ng parang bula kasama ng pasyente. Yun lang ang pinagtataka ko kung bakit nawala ang lahat ng records ng pasyente” iiling -iling niyang sagot “Ganun po ba ah sige po salamat” saka ako umalis sa silid na iyon. Umalis ako na nagtataka na walang mga naiwang records na katunayang nanggaling siya sa Ospital na yun at hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya. Sana lang ay ligtas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD